CHAPTER 46 - Valentine's Day [4/4] PT. 2

33.9K 894 125
                                    



Santillan



Pasado ala-sais ng gabi na ako makalabas ng Main building namin. Hinintay ko pa kasi si Sir Romualdez para makuha ko yung sweldo ko sa tutoring ko kay Andrea. Dahil busy nga sa program ng Scholar, hindi niya ako agad naasikaso. Medyo traffic din sa lahat ng mga restroom sa ground floor. Ang dami kasing tao. Natagalan tuloy ako sa pagpapalit ng itim na t-shirt para sa gig mamaya.


***


"Akala ko ba isasama mo si Andrea. Nasaan siya?" tanong sa akin ni Rizza habang naglalakad kami palabas sa compound ng campus.



Since open nga kasi ang school sa public ngayon, pinayagan ng security makapasok ang mga kaibigan ko. Kaya lang, pinili nila na hanggang sa labas nalang ng main gate. Dyahe daw kasi at kailangan pa nila kumuha ng gate pass para sa dalang gitara ni Rizza

Busy sa pagpapa-cute si Franz sa mga dumadaang lalaking estudyante, samantalang si Nic naman ay sa mga babae. Alam ko may girlfriend siya eh, pasaway.


"Wala, sinundo ni Tom Cruise. Hayaan na natin. Mukhang may date sila eh." Sagot ko na lang.


Tss. Paasa kasi yung babae na yun eh. Pinakain lang ako ng gulay hindi naman pala talaga sasama sa gig. Oo, gulay. Sapilitan lang ang pagkain ko ng gulay pero ginawa ko kanina ng buong puso para lang sumama siya. May kondisyones pang nalalaman hindi naman pala tutupad. Excited pa naman ako. Tsk. Paasa!

Kasabwat niya pa yung booth ng culinary. Buong maghapon ko inabangan yun tapos ganun lang pala. Ang putahe na inabutan ko iba't-ibang luto sa gulay. Tsk. Kaya pala masama yung kutob ko dun sa 'Let's start living healthy!' na slogan dun sa labas ng room na in-occupy nila. Kaya pala berdeng-berde ang classroom. Kaya pala ang sama ng tabas ng mukha ni Klang at pailing-iling pa sa akin. Nakita ko rin kasi siya kanina eh. May kasama siyang lalaki. Anyway, isa si Klang sa kakaunting kapanalig ko sa paniniwalang dapat nating iligtas ang mga animals. Huwag natin kainin ang pagkain nila. Dejoke. Ayoko ng gulay.

"Sino yun? Kasing gwapo ko ba yun?" si Nic. Medyo feelingero lang.

"Yung artista? Yung sa Hollywood?" sunod-sunod pa na tanong ni Rizza. "Nandito siya sa Manila? OMG!" Patola naman nito.

"Alin ba, Ate? Yung sa Troy?"


"Hindi yun. Si Brad Pitt yun, shunga!"

Napailing nalang ako dahil sa usapan nung kambal. Gusto ko na nga na sabihin sa kanila na hindi literal na si Tom Cruise yung tinutukoy ko pero bigla akong hinatak palayo ni Franz. Medyo malapit na kami sa labasan ng compound nung tumigil kami at nagsalita siya.

"Wait lang, Te. Para kasing..." Sinipat-sipat niya pa ako. Para siyang may hinahanap sa mukha ko na kung papano eh.

"Ano yun?"

"Wala naman para lang kasing. Hmm."

"Ano? Parang ano?" Ayaw pa sabihin ng makaalis na kami eh.

"Waley. Imagination ko lang siguro. Nevermind. Sinetch pala si Tom?"

Tsk. Obviously hindi nga kasi si Tom Cruise na artista yung tinutukoy ko. Hindi ko lang talaga kilala yung lalaki kaya pinangalanan ko nalang. Gwapo eh, tapos ang tikas. Iba din yung pormahan niya. Naalala ko bigla si Ethan Hunt sa Mission Impossible dun sa suot niyang suit. Favorite kasi ni Tatay yung palabas na yun. Anyway, sinundo niya si Andrea kanina. Muntikan ko na nga sila hindi maabutan. Pagbalik ko kasi galing sa building ng Accountancy, nakatalikod na sila at parang sasakay na ng kotse. Hindi na nga ako nag pakita. Dumiretso na ako sa Main. Syempre, baka maka-istorbo pa ako.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon