CHAPTER 17 - The Start Of Something Beautiful

37.1K 937 84
                                    


Santillan


"Hoy! Dahan-dahan naman. Natatapon yung toyo." sigaw ni Rizza sa kanyang kapatid na kung sumubo ng siomai akala mo aagawan. Kanina pa nga siya kumakain at kanina pa din niya tinutuluan ng sauce yung lamesa na in-occupy namin dito sa food court ng isang mall. Naiinis na yung kapatid niya na kanina pa punas ng punas ng lamesa.

"LAKOPAKE!" sagot naman ni Nic sa kakambal niya. Napektusan tuloy siya sa ulo.

"Grabe 'to kumain. Para kang bibitayin eh. Gutom na gutom yarn? Kaloka ka." banat pa ni Franz.

Naka tatlong order na siya ng siomai. Maiintindihan ko pa kung yun lang ang kinain niya eh. Ang kaso, nakadalawang order na din siya ng hongkong noodles at isang order ng goto. Naka limang piraso ng kwek-kwek tapos dalawang baso ng black gulaman. Kumain na din ng shawarma yan kanina at take note, yung may kasamang kanin ang inorder niya. Tapos bumili din ng Zagu at may pahabol pa na belgian waffles. Talagang pinangatawanan niyang food trip ang gala naming mag kakaibigan ngayon. 

Ako naman eto at nakamasid at nakikitawa nalang sa kanila. Suko na ako pagdating palang sa shawarma part. Ang bigat kasi sa tiyan.Parang hanggang ngayon ata hindi pa ako natutunawan sa kinain ko nung isang gabi kela Andrea.

Oo, Andrea nga. Tinigilan ko na ang pag tawag sa kaniya ng Blandina. Kailan pa? Nung isang gabi lang din. Hindi niya na din naman ako tinatawag na kutong-lupa eh.

Okay din naman pala siya kahit papaano. Kinulang sa good manners at right conduct pero mas okay na siya ngayon kung ikukumpara sa mga una naming encounter. Pero hindi ko na yun iniisip. Ang mahalaga ngayon eh pumayag na siya magpa tutor sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero, pumayag siya bigla kapalit ng pag didinner ko sa kanila. Ang weird nga. Hindi ko alam kung anong trip niya noon pero hindi na ako nag-usisa. Ang importante ay pumayag na siya sa wakas. Ang saya saya ko pa nga kaya hindi ko na napigilan yakapin siya. Mabuti nga at hindi siya nagalit sa ginawa ko.

Ala-sais na ng gabi ng matapos ang gala namin magkakaibigan. Nag-paalam na ako kaagad at umuwi na. May atraso pa kasi ako kay Tatay at ayoko madagdagan pa yun. Nagalit kasi siya nung sobrang late na ako umuwi nung isang gabi. 

...

"Una na ako ha. Bye." paalam ko kay Klang. Pagkatapos niyang bumeso sa akin, mabilis pa sa alas kwatro ako lumabas ng room. Tapos na ang last subject ko. Patakbo na ako dumiretso sa building ng mga Business Administration. Monday ngayon. First session ng tutorial namin ni Andrea. Buti nalang nakahiram na ako ng textbook ng Accounting sa library kanina. Tapos, dala ko na din ang mga hiningi kong modules nung subject kay Professor Robles. Tingin ko, okay na 'tong dala kong materials.

Hindi ko alam kung anong floor at kung anong room number ang subject nila ngayon kaya kinailangan ko pang isa-isahin ang mga classrooms. Hihingin ko nalang sa susunod yung schedule ng classes niya para hindi na ako mahihirapan. Buti nalang at nasa 2nd floor pala sila ngayon. Hindi ko na kailangan i-check yung remaining higher floors. 

Tumambay muna ako at sumalampak sa hallway sa labas ng classroom nila Andrea. Hindi pa tapos magturo yung Professor nila ngayon. Sinamantala ko naman yun para makapag pahinga muna dahil napagod ako sa pag takbo kanina. 

After thirty minutes, ayun at nag-uumpisa nang mag labasan ang mga kaklase niya. Tumayo na ako para abangan si Andrea. Maya-maya lang at lumabas na siya ng classroom kasama si Bethany at yung isa pa niyang kaibigan na hindi ko kilala. 

"Oemgee. Hi, Chase!" si Bethany yan at hindi si Andrea. Imposibleng ganyan siya ka-excited makita ako. Pumayag man siya na mag pa tutor pero hindi ibig sabihin nun ay natutuwa na siya sa akin. Gets ko yun. Medyo nakaismid nga siya nung nakita niya ako eh. Naku, sana hindi nagbago ang isip niya.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon