CHAPTER 16 - A Truce, Maybe?

34.6K 929 110
                                    

Lorenzo



“Ay ganoon po ba? Sige po ihatid na po namin kayo Ma’am Lorenzo.” sabi nung isang guard ng subdivision namin. Nag papahatid kasi ako sa bahay. I mean, kami pala dahil sasama daw si Santillan. Hindi pwede ang mga trike o kung ano ano pang ka cheap-an na public transpo dito sa loob ng subdivision namin. This is a gated community where some, if not most, of the country's wealthiest families live. 

Ni-radyo na nung guard yung kasama niya para bumalik sa gate. Ginagamit kasi nito ngayon yung service 4x4 car na mag hahatid sa amin. Alam ko ginagamit lang naman nila yan kapag iikot sila sa buong subdivision para mag ronda. Ayaw ko sana sumakay dun pero wala na akong choice. Ayaw ko na mag-inarte pa. Gusto ko nalang umuwi at matulog. Baka kasi pag nagpaka choosy pa ako, magalit na ng tuluyan si Santillan na obvious na obvious naman na bad mood na ngayon. Hindi na nga siya nag-sasalita. 

Galit pa rin siya sa ginawa ko. Hindi ko naman sinasadya. Duh, I couldn’t help it. I wasn’t feeling well. Sumakto lang talaga nung lumapit siya sa akin tsaka naman sumakit lalo yung sikmura ko.

Anyway, that useless security took almost half an hour to arrive. Ang bagal kumilos. Nahihilo na nga ako, pinag hintay pa ako ng matagal. If only my feet weren’t killing me right now, we could’ve walk instead. Hindi naman ganun kalayo mula dito sa guard house yung mismong bahay namin. Nakakainis kasi si Santillan. Ang taas nung foot bridge na inakyat namin kanina and I’m wearing heels for fuck’s sake.  

The security guard kept on apologizing pero hindi ko na pinansin. Mag iinit lang ang ulo ko. Napaka incompetent. He should’ve known better. I’ll make sure to bring this matter sa President ng Land Owners Association namin so she can fire him instead. Sumakay na kami sa pick-up. Doon nalang ako sa passenger’s seat sa unahan sumakay at sa likod naman si Santillan. Hindi na siya nag reklamo. Buti naman. 

Nakaka frustrate lang talaga yung mga nangyari sa akin kanina. Wala naman akong motion sickness or anything pero hindi na din naman ako nagtaka kung bakit ako nahilo sa biyahe kanina. Doon kasi sa unang puv na sinakyan namin, ang daming sakay. As in. May tatlo pa nga na mga lalaki na nakasabit lang sa likod. Like, is that even allowed? Hindi ba delikado yun? May mga nadaanan naman kami na mga traffic enforcers pero hindi naman sila sinita. Halos ma-suffocate na ako kanina. Halo-halong amoy yung pumapasok sa ilong ko. Amoy cigarettes, amoy cosmetics, amoy pawis, amoy usok ng sasakyan, amoy polusyon, amoy punyeta, amoy dugyot. Nakakadiri. Lalo na yung katabi ko kanina na malaking guy na hindi ata naligo ng isang linggo. Napaka unhygienic niya. That was my first and sure as hell the last time I’ll ever try riding public utility vehicles. Nakaka stress.  Buti nalang talaga mabango si Santillan at yung panyong pinahiram niya. Hindi na nga ako nag atubili nung inabot niya sa akin yun. Siya ang nag silbing oasis ng pang-amoy ko kanina.

Ayos lang sana at matitiis ko pa kung yung ilong ko lang ang na-torture eh, pero hindi. Napakainit kanina. Sobrang init. Ang traffic pa. Bumper to bumper. Ang daming motorista. Puno ang kalsada. Gusto ko na nga sumigaw ng ‘We need a new plague’ at gayahin si Dwight Schrute ng The Office pero hindi ko na ginawa. Nahihilo na ako nung mga time na yun. Salamat talaga sa candy na inabot niya sa akin kanina at pag paypay na ginawa niya at gumaan ang pakiramdam ko. Bawi na yung pang-iinis niya sa akin kanina sa waiting shed. 

Ilang minuto pa, nakarating na kami sa bahay. Nag madali na ako bumaba ng car bago ko pa masermonan ulit ang guard ng subdivision namin na panay hingi pa din ng sorry sa akin. 


"This is where I live. Kahit hindi naman kita inutusan, I guess thank you pa din sa pag hatid mo sa akin. You can go home now."

Ugh. Why do I have to thank her anyway. On her own naman na nag prisinta siya na ihatid ako eh. Kung hindi lang talaga na stroke si Mang Robert, I wouldn't have had to depend on her to bring me home. Hindi ko naman maistorbo si Laur for I know nasa meeting pa siya kanina and she's been preparing for that all week. Si Fiel naman ay hindi sumasagot sa phone niya. 

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon