CHAPTER 45 - Valentine's Day [4/4] PT. 1

32.5K 1K 219
                                    



Santillan



"At bakit daw hindi siya makakasama?" medyo napalakas yung boses ko dahil sa inis sa binalita ni Franz. Hindi daw makakasama sa gig namin mamaya yung bestfriend ko na si Clarence. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa iphone ni Andrea na hiniram ko para makitawag.


Napalingon ako sa babae na kanina pa pinag didiskitahan ang buhok ko. Suklay ng suklay.  Nakatambay kami ngayon dito sa building ng Accountancy. Wala masyado mga estudyante ngayon dahil karamihan sa kanila ay nasa Main building.



Binilhan niya ako ng t-shirt. Color red. Same kami. Hindi naman ako in a relationship eh.



"Kagabi ko pa yun hindi makausap. May sinabi ba kung saan siya pupunta? Nag-usap ba kayo? Sino kasama niya? Anong oras siya uuwi?" Sunod-sunod ko pang tanong. Nag rereklamo na tuloy si Franz. Wala daw siyang alam. Suspicious. Baka nakipagkita na naman sa Stephen niya yung babae na yun. Tigas ng ulo

.

After ma satisfied ng hairstylist kuno ko, inabutan niya ako ng salamin. Napanganga ako sa gulat. Ginawa niya akong grade-schooler dahil sa ayos ng buhok ko.



"Andy, bakit ganito itsura ko? Ayoko nito." Akma ko na sana tatanggalin yung mga tali ko sa buhok pero pinigilan niya ako.




"Why? Ang cute kaya. Subukan mong tanggalin 'yan."




Anong cute dito? 





"Bag na de-gulong na lang ang kulang. Para akong bata sa ginawa mo."



Nag-smirk siya dahil sa sinabi ko tapos hindi na ata napigilan kaya tinawan tawanan niya pa ako.





"Well, now that you've mentioned it.." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Wow! Mang aasar na naman 'yan. "Considering your height, pagkakamalan ka pa na preschooler." Napairap ako sa sinabi niya. Ang OA ha. Hindi naman ako ganun kaliit.




"Wow. Oh, eh di ikaw na matangkad!" arte ko pa sabay tayo at diretso sa pinakamalapit na restroom para makapag-ayos ng buhok. Iniwan ko muna si Andrea at yung bulaklak at teddy bear na ibinigay sa akin kanina ng mga scholar. 


Oo, tama ka ng nabasa. Nakatanggap ako ng bulaklak at stuffed toy kanina. Ewan ko kung kanino galing. Ayaw magpakilala eh. Hindi naman sa first time ko makatanggap ng bulaklak. Actually, ang totoo niyan, may nagbigay na sa akin dati nung high school. Galing kay Gaile. Malakas din kasi ang trip nun. Dapat ako ang magbibigay sa kaniya kaya lang inunahan niya ako. Kahit naman pasaway yun at mainitin ang ulo, may taglay din naman kasweet-an sa katawan.


Dahil sa bulaklak bigla ko na naman tuloy naramdaman yung feeling na paminsan-minsan nararamdaman ko pa rin para kay Gaile. Hindi naman basta basta mawala. Ayoko naman i-deny. Namimiss ko din naman siya.


Kahit pala grabe niya ako nasaktan, mayroon pa rin palang mga pagkakataon na mararamdaman ko at hihilingin na sana...sana magkita ulit kami. Kahit saglit lang. Hindi para maayos namin at maibalik yung dating 'kami' kung hindi para lang ... para lang makita ko siya. Yun lang. Sana naging maayos man lang yung pag hihiwalay namin.



"Baby, bakit ang tagal---" Sa boses na yun ni Andrea at sa biglaan na pagpasok niya ng restroom, bigla ko napahid yung mga luha na hindi ko namalayan na tumutulo na pala sa kaliwang pisngi ko. Syete! Bakit ang drama ko?



"What's wrong??" tanong pa ni Andrea na obvious ang concern sa boses. Magkasalubong ang mga kilay at naguguluhan. Napilitan tuloy akong ngumiti para hindi na siya mag usisa pa. 




QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon