CHAPTER 41 - Royal Bitch [3/3]

34.4K 887 116
                                    



Lorenzo



"Wohooo! Nice one! Go Coyotes! GO, GO, GO!" sigaw ng eskandalosang si Bethany right after makapuntos ng isa sa mga player ng Men's Basketball team namin. A jump shot na wala naman kakwenta-kwenta.



Kanina pa nauubos ang pasensiya ko dahil sa kaingayan niya. Seriously? Hindi ba pwede mag-cheer without getting the attention of almost half of the people here in the gym? Nakakahiya.

Kada buka ng bibig niya, napapalingon ang mga tao. I think naapektuhan na nga din yung mga players. Distracted sila kaya tambak ang score. First game at against pa sa Blue Eagles pero mukhang magkakalat lang sila. Ugh. Unang game, unang talo. Kulelat pa. Eww. Dapat mai-front page 'tong bwisit na game nila na 'to sa student publication ng matauhan naman sila. Mag practice din kasi. Home court pa naman. Pinapahiya nila ang school.


"Relax. This was your idea, remember?" says Steph. I don't need to look at her direction para malaman kung ano ginagawa niya. Nagtetext na naman yan.

Tinapik ko na sa balikat si Bethany, ayaw pa din papigil. "I should've brought duct tape or something.." Dapat plasteran bibig niya eh. Nakakarindi na. Ang ingay ingay na nga ng crowd, dumadagdag pa. Noise pollution!

Coming here to watch this sorry excuse of a game is a bad idea. Bringing Bethany with me is even worse. Nasaan na nga ba yung dahilan kung bakit ako nandito? Yung Chase na yun, nakakainis na talaga! Napaka pa-importante! Binabaan na nga ako ng phone, ngayon pinag hihintay naman ako. Ilang lame three-point attempts nalang ni De Guzman tapos na yung game pero, wala pa rin siya hanggang ngayon. Ang lakas naman kasi ng loob nung lalaking yun na yayain si Chase na manuod ng game eh SOBRANG PANGIT naman ng performance niya. 


"Oh yeah!! NICE ONE, GUYS!! Galing niyo! Go Coyotes!" Sigaw na naman ni Beth ng maka score si ... oh si De Guzman pala yung naka-shoot. Ngayon niya pa naisipan magkasilbi eh fourth quarter na. Kung maka 'Galing niyo!' naman itong si Beth. Lamang ang kalaban ng 20 points, anong magaling doon?


"Damn it. Keep it down, Bethany! Nakakahiya ka!" I hissed. Pinigil ko na din yung braso niyang kanina pa kaway ng kaway at super agaw eksena. Nag mumukha kaming jologs dito.


"Oh c'mon, Rhei. They need our moral support kaya. Let's go cheer for them." maarte niya pang sagot.



"Ilang minutes nalang, okay?! Twenty points pa ang advantage ng kalaban. Mag-isip ka nga! Kahit mag lupasay ka pa diyan wala na magagawa 'yang moral support mo!"

Nag pout lang siya sakin in response. Imbis pati na makinig, she kept on cheering pa din. Sumasakit na yung ulo ko sa ingay. Buti pa si Jimenez chill na chill habang naka earphone at walang pakialam sa mga nangyayari. Tumayo na ako. I've had enough. Baka masampal ko ni Beth kung hindi pa ako aalis dito.



"Wait, where are you going?" Steph asked.


"Outside. I need a breath of fresh air." Feeling ko nababawasan yung life span ko habang naririnig ko yung sigaw ni Bethany at nakikita yung pagkakalat ni De Guzman eh.


"Oh, good. Sama na ako." she said, now gathering her things.



"What about Beth?"




"Since when did you care about Beth?" tanong niya pa. I glared at her. Bwisit na'to! Tinatanong ng maayos! "Just kidding. I'll wait for her outside. Diretso uwi ka na ba?"



"Yeah. Hinihintay ko lang si Chase." With that I saw her smirked. "What?"





"Oh, nothing. It's just .. usually naman you don't wait for anybody. Guess you've changed, huh?"




QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon