CHAPTER 20 - Food For The Soul

36.2K 815 83
                                    


Santillan

 

 

Three weeks later.



“Kaka-imbey talaga yung umbaw na yun! Mabuti pa mga mars ravelo presents, gumorabels na tayiz!” reklamo na naman ni Franz na kanina pa tagaktak ang pawis. Kanina pa din siya sumasabay sa birit ng mga barker ng jeep dahil sa kangangawa niya. Naririndi na ang mga drayber sa kanya. 


Ngayon kung tatanungin niyo ako kung anong sinabi niya, isa lang sagot ko diyan. HINDI KO DIN ALAM! Hindi ako fluent sa lenggwaheng beki. Hindi pa ako ganun ka knowledgable kaya ayun, gumorabels lang yung na-gets ko. I agree naman dahil kanina pa talaga kami dito sa terminal ng jeep. Yung nag aya kasing mag-simba na si Nic, hanggang ngayon wala pa.


“Asan na ba yung kambal mo? Nag huhulas na yung make-up ni Franz oh. Maka foundation naman kasi, akala mo kung saan pupunta.” si Clarence kay Rizza na umagaw sa monoblock na ginagamit nung binatilyong nag titinda ng mga sigarilyo at candy. Ang sama tuloy ng tingin sa kanya. Tsk tsk.


“Hindi ko nga alam dun. Sabi eh, hintayin nalang daw natin siya dito. May dinaanan lang daw siya.” sagot pa nito habang nakapang halumbaba.


Buti nalang talaga at may kalahating oras pa bago mag-umpisa ang misa. Pakana talaga ni Nic to eh. Dapat sila Tatay ang kasama ko ngayon. Pero kinonsensiya niya kami na hindi na daw namin napapakinggan ang salita ng Diyos ng mag kakasama. Daming alam talaga. Pero okay na din. Para sama sama kaming makapag pasalamat dahil nairaos na namin ang mga kaniya kanyang preliminary exams. Actually, last week pa tapos yung apat. Nakuha na nga nila yung result eh. Okay naman daw. Keri pa. Yung akin naman, katatapos lang nung Friday at sa lunes pa malalaman kung pasado ba o hindi.


“Portugal um-arrive! Pawis Hilton na lekileki ko mga teh. Doon-chi nalang natin hintayin yun."


Wala na kami nagawa. Umiral na naman ang init ng ulo ng Nanay namin na walang matres. Pinag hahatak niya na kami para sumakay ng jeep. Tinext ko nalang tuloy si Nic na magkita nalang kami sa simbahan.

                                 



 

“May sukli na ba kayo?” Naiinis kong tanong sa mga kaibigan ko. Ako nalang ata yung hindi pa na bibigyan ng sukli eh. Mas inuna pa ata yung mga kasasakay lang. Huwag ako, kuya!

 



“Barya binayad namin eh." sagot ni Rizza.






“Kuya, yung sukli po nung singkwenta. Simbahan lang po yun. Isa lang po. ”





Akala mo makakalimutan ko ha kuya. Asa ka pa. Tipid na tipid na nga ako eh.





“Hindi ka pa naman nag babayad eh.” sagot pa ni kuyang naka jejecap. Aba talaga naman.




“Kuya hihingi ba ako ng sukli kung hindi pa ako nag babayad?” Lokong to. Ginawa pa akong sinungaling. Ano ako, mag 123 tapos hihingi pa ako ng sukli.




“Oo nga! Ang chaka mo pa nga, Kuya! Kalurkey ka!” si Franz





“Nakita ko nag-abot ng fifty pesos yan.” sigaw ni Nanay na senior citizen.





“Kasabay ko binayad yung fifty niya kasama yung barya, Kuya.” Pagtatanggol naman sa akin ni Clarence.





“Joke lang, Miss. San ba galing yung singkwenta?”





QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon