CHAPTER 15 - Shit Happens

32.7K 895 85
                                    


Santillan




"Kainis, hindi ko na naman siya inabutan!" palahaw ko nung hindi ko na naman nadatnan sa classroom nung last subject nila si Blandina. Nag madali na nga ako eh pero hindi ko pa rin siya inabutan.


Tinanong ko yung isa niyang classmate kung nasaan siya pero ang sabi nito maaga daw umuwi at masakit ang ulo. Weh. Kahit makipag pustahan pa ako, I'm sure nag dadahilan lang yun. Gusto lang talaga umuwi ng maaga para makatakas sa akin.

Hays! Baliktad na talaga. Dapat nga masaya ako dahil ako na ang tinatakasan niya ngayon eh pero, hindi din. Two weeks na kasi ang nasasayang. Two weeks na din akong walang income. Actually, tuloy yung sweldo ko. Hindi ko lang talaga kinukuha dahil alam ko naman hindi ako deserving dun dahil hindi pa nga maumpisahan ang pagtuturo ko dahil sa kaiiwas ni Blandina.





...




"Hey, what's wrong? Bakit nakasimangot ka ata?" Si Klang. Nakabalik na ako sa building namin. Uuwi nalang siguro ako. Wala naman yung itu-tutor ko. Ano pa bang gagawin ko dito.





"Nakatakas na naman?" tanong niya ulit.





Tumango nalang ako sa kanya bilang tugon. Bad mood ako ngayon. Malapit na kasi prelim exam. Masyado ng gahol sa oras. Dapat makapag start na kami ng tutorial para sana makahabol pa.



"Papalitan mo nalang kaya. Sabihin mo tumatakas si Lorenzo. Baka mamaya madamay pa evaluation mo dahil sa kaniya eh." suhestiyon pa ni Klang sa akin. Pero ginawa ko na iyon. Idinahilan ko na iyon kay Sir Romualdez pero ayaw niya pa rin pumayag. Gawan ko daw ng paraan at dapat daw sa result palang ng prelim, may improvement na daw sila makita.




"Ayaw ng Scholar's Office eh. Nirecommend daw kasi ako ni Dean tapos yung mismong tatay ata ni Andrea ang pumili sa akin." sabi ko habang kinakalikot yung cellphone kong kasalukuyang walang load ngayon. Hindi man lang nag reply si Blandina kagabi. Okay lang naman at least, nakuha ko number niya. Tatry ko siya tawagan mamaya kapag nakapag paload na ako.




"Problema pa. Eh, paano ka nga magtuturo kung---" Naputol ang kung ano pa mang sasabihin niya ng makita namin na palapit si Greg. Tumatakbo pa ito.




"Chase, Clarisse, nuod tayo basketball sa gym.. May friendly match yung team natin ngayon." yaya niya pa sa amin.


Dahil bad mood ako at kailangan ng distraction at dahil weekend naman at wala nga yong dapat itututor ko ngayon, pumayag na ako. Maaga pa naman. Bilang suporta na din kay Greg at sa basketball team namin.



...



Almost eight na ng gabi na natapos yung friendly match ng basketball team namin. Ang dami pa nga tao sa gymnasium. May mga students kasi galing ibang school ang pumunta at nakinuod. Akala ko saglit lang yung magiging laro. Pero ayaw nila parehas mag patalo eh kahit na friendly lang yung game. Buti nalang nautusan ko si Mae na paloadan ako at naitext ko na si Tatay na medyo gagabihin ako ng uwi. Para hindi siya mag alala. Tinry ko din tawagan si Andrea pero napuputol eh. Kina-cancel niya siguro. Wala ng pag-asa. Try ko nalang ulit kulitin siya sa Monday.


Nag paalam na ako kay Klang at Greg. Nag insist pa sila ihatid ako pero tumanggi nalang ako. Nasa labas na ako ng uni at pasakay na sana ng jeep ng mapansin ko yung babae sa may waiting shed. Medyo madilim pero kilala ko yung higanteng may dilaw na buhok na yun.



Sinenyasan ko ng umalis yung jeep na pinara ko at pinuntahan na yung blandina na nakatambay ngayon sa waiting shed. Hindi pa pala siya umuuwi.




QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon