CHAPTER 33 - Payback

32.8K 944 79
                                    



Santillan

 

 

“I’ll pay for the fare.” si Andrea sa maarte at medyo mayabang na tono ng pananalita. Nakasakay na kami sa jeep. Pauwi na kami ng bahay.



Oh, di sige. Ikaw na mag bayad. Gusto mo yan eh.

 

 

Hindi ko siya pinansin. Pinabayaan ko lang na ibigay niya kay Kuya na konduktor yung buong limang daang piso niya. Sabi ko na kasi na ako na mag babayad eh, ang kulit naman talaga. Hindi rin ako nag-react nung ibinalik ni Kuya yung pera dahil walang panukli. Ibinaling ko nalang ulit yung atensiyon ko sa daan. Para akong nasa isang music video. Ah basta.

“Damn it!” bulong niya pa pero narinig ko din naman. Dahil pa nga doon hindi ko na napigilan sumulyap sa kaniya. Nakasimangot na naman habang nag hahalungkat siya sa wallet niya at humahanap siguro ng alternative na pambayad ng pamasahe. Yung mas mababa sa limang daan. I doubt meron siya nun. Kaya ako na. Oo na, ako na nga.


“Eto na po, Kuya.” Inabot ko na yung fifty pesos sa konduktor. Eleven pesos lang naman each. Sinabi ko na yan sa katabi ko kanina pero ayaw ako pakinggan.



“Ako na nga mag babayad, diba?!” angil niya pa sa akin. Nasungitan pa ako. Ang galing. Imbis na mag thank you nalang. Napatingin tuloy yung mga katabi naming pasahero.

 

 

“Wala nga silang isusukli diyan.”





"Hindi naman ako humihingi ng change. Sa kanila na!"



Napa facepalm nalang ako sa sinabi niya. Rich kid talaga. Ayaw magpatalo eh.



“Narinig mo na ba yung ‘Barya lang sa umaga’?” sarkastiko kong tanong sa kaniya na sinagot niya lang ng isang mapag malaking ‘Nope’. Tumahimik nalang ako. Baka lalo lang ako mainis.
 

 

 

Ang harsh ko ba? Kasi naman eh. Sino ba naman kasi hindi maiinis sa inasal nila kanina sa tapsihan. Nabusog nga kami nila Franz sa mga palitan nila ng sarcastic remarks eh. Birahan dito, birahan doon. Yabangan dito, yabangan doon. Kulang nalang talaga magka pisikalan sila eh.


Sa totoo nga medyo late ko na napansin na may something na pala sa kanila. Kung hindi pa nga ako siniko ni Rizza eh, hindi ko pa malalaman. Ang aga aga at katatapos lang namin magsimba nun. Hindi pa nga nakakabawi yung lalamunan ni Father sa haba ng homily niya tapos ganun na sila kung umasta. Para saan pa yung pa ‘peace be with you’ nila kanina sa isa’t-isa? Tsk.

 

 

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may something sila Andrea at Clarence. Mabait naman yung bestfriend ko na yun eh. May topak lang pero, mabait pa din. Hindi ko alam saan nila hinugot yung inisan nilang dalawa ni Andrea.

 

 

 

Pagbaba namin ng jeep. Dire-diretso na kami ng bahay. Wala pa din imik yung isa. Tinatry ko kausapin at tanungin, tinatarayan lang ako. Silent treatment siya sa akin ngayon. Well, hanggang hindi siya nag eexplain at nag bababa ng pride. Pag pasok ko ng bahay, nag mano na ako kay Tatay at nilambing saglit yung kapatid ko na gising na pala. After nun, diretso akyat na ako sa kwarto. Hindi ko na hinintay yung isa. Matutulog ulit ako.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon