CHAPTER 22 - Apology Accepted Part 1

32K 866 22
                                    


Santillan

 

Katatapos lang ng second to the last na subject namin ngayon. Math 11, College Algebra. Dapat kanina pa nga umaga to eh, kaya lang may meeting daw si Prof. Robles kaya ni-resched ngayong hapon. Wala naman lecture. Ni-review lang namin yung exam. Nag item analysis para i-evaluate yung individual test questions.

Akala ko makakapahinga ang mga neurons ko ngayon. Hindi pala. Wala talagang patawad si Prof. Ginawa pa rin niyang graded recitation yung review kahit na ang daming absent ngayon. Gaya ni Klang. Hindi kasi pala check ng attendance ang teacher namin.

Ilang minuto na din ang nakalipas after tumunog ang bell pero, heto nga at wala pang nagbabalak umalis sa mga kaklase ko. Busy pa rin sila sa mga score ng exam nila. Lalo na yung mga sinawing-palad. Habang ako naman ay nakapang-halumbaba at uwing-uwi na. Wala naman akong corrections at mga violent reactions sa rating ko eh. Out of one hundred items ay tatlo lang naman ang mali ko. Okay na yun.

Tumingin na ako sa kanan. Nakita ko ang dalawa kong kaklaseng lalaki na nag iingay at nag papataasan ng mga scores. May ilan ding mga nakaupo lang, tahimik at akala mo’y pinag-sakluban ng langit at lupa. Yung iba naman ay nakasimangot ang mga mukha.

Tumingin na din ako sa kaliwa. Nakita ko ang isang grupo ng apat na mga babae na busy na sa pag reretouch ng mga make-up nila.  Ang mga test papers? Ayun at nililipad lipad na ng hangin. Tsk.

And last but not the least, tumingin na ako sa harapan kung saan nakapwesto si Prof. Busy siya. Super busy. Inuulan siya ng mga tanong at protesta mula sa mga kaklase ko na hindi matanggap ang mga scores nila.

Pasimple na akong tumayo. Kinuha ko na yung bag ko at maingat na lumakad papunta sa pintuan. Ilang hakbang nalang at malaya na sana akong makakauwi dahil wala naman kaming teacher para sa last subject.



Pero..



"Where do you think you’re going,  Ms. Santillan?" Pigil pa sa akin ni Prof. Robles.

 

 

Aish! konti nalang eh nahuli pa. Tsk!

 


Oo, tatakas ako. Hindi pa kasi ako totally free. May review pa ako ngayon para sa olympiad na next week na gaganapin. Hinahapit na kami. Araw-araw na ang review. Hindi na nga ako nakaka attend ng tutoring eh. Inexcuse talaga ako sa Scholar’s Office. Pero, ayos lang at least hindi ko muna makikita si Andrea.

Hindi na ako galit sa kanya. Naiinis na lang talaga. Minsan madali din kasi akong mapikon. Pero, pinipilit ko pa ding intindihin kung bakit ganun yung naging asta niya sa akin last Monday. Akala ko pa naman okay na kami. Kung bakit kasi ang liit na bagay, ikinagalit niya na agad. Hindi ko kasi nabasa ang text niya sa akin.  Nainis lang talaga ako nung sabihan niya ako na malandi at desperado. Nasama na naman din ang pagiging mahirap ko. Grabe lang. Paulit-ulit. Oo, mahirap ako pero hindi ako malandi at lalong lalo na hindi ako desperado.


Kung makapag salita talaga yung babaeng yun eh. Pero sabi ko nga, naiinis na lang ako sa kanya. Understanding naman ako. Baka kasi nag P-PMSing lang siya nung mga panahon na yun. Babae ako kaya naiintindihan ko. Hinihintay ko nalang talaga siyang humingi ng sorry. Pero, three days na nakalipas at wala pa rin ang apology niya. Pride? Siguro. Bahala siya.  Matanda na siya eh.


"Uh--Sir, pwedeng bukas nalang ako ulit umattend ng review? May lakad po kasi ako ngayon eh." Isang malaking kasinungalingan. Gusto ko lang umuwi na ng bahay. Nakakapagod din. Kahit anong hilig mo sa mga numero, kung aaraw-arawin ka naman, nakakaburyo din.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon