CHAPTER 46.1 - Clarence

31.6K 913 300
                                    


Santillan



"Yaya, pakisabi nga kay Mang Robert ihatid na pauwi si Santillan."

Nasa hagdan na si Andrea nung sabihin niya yan kay Nanay. Napatingin tuloy sa akin yung matanda. Habang yung alaga niya naman diretso akyat na at iniwan na naman ako.


"Nag-away ba kayo?"




"Galit po sa akin."



"Naku, huwag mo nalang pansinin. Teka ha..." Tumalikod bigla si Nanay at may kinuhang kung ano. Pagbalik niya, inabot niya sa akin ang isang susi. "Sa kwarto niya yan. Nagla-lock yun. Sige na, akyatin mo na at ayusin niyo yang tampuhan niyo."



"Thank you, Nanay!"



Kinuha ko na yung susi at umakyat na. Tama nga si Nanay, naka-lock yung kwarto ni Andrea. Binuksan ko na kaagad kaya lang hindi ko siya inabutan. Mukhang nasa banyo na ata. Doon nalang ako naghintay sa sofa.

Habang nakaupo ako, natanaw ko yung lamesa malapit sa may kama niya. Nakita ko yung Happiness Jar ko at yung garapon na glow in the dark na ibinigay ko noong Christmas. Sa gilid nito, andun yung mga papel na may nakasulat na quotations. Nice. Binabasa niya. Lalapitan ko na sana kaya lang bigla din nag ring yung phone ko. Si Clarence. Sinagot ko kaagad.



"Wow. Buti naman at naisipan mo din mag paramdam, ano po?" Tiningnan ko yung oras sa phone ko. Pasado alas-diyes na. "Anong oras na ha."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.



Hindi siya sumagot. "Clarence Jane?"







'Santillan, pwede ba next time mo na lang ako sermunan.'





Hindi ko alam kung sa signal lang pero medyo garalgal yung boses niya.





"Okay ka lang ba? Nakauwi ka na? Hinatid ka ba naman nung STEPHEN mo?" Sinadya ko idiin yung pagkasabi doon sa Stephen para alam niya na alam ko kung sinong kasama niya. Kaya lang hindi na naman siya kaagad sumagot. Parang may something.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Besh? May problema ba? May ginawa ba sa'yong hindi maganda yung Stephen---"





'Nasa bahay ka na ba? Pwede ba ako makitulog diyan? Please. Namimiss na kita.'




"Wala, besh. Andito ako kela Andrea eh. Next time ka nalang makitulog. Hindi ka nagpaparamdam ha. Hindi ka pa sumama sa gig kanina."

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

May buffering na naman yung best friend ko. Tagal mag-salita.





"Okay ka lang ba, Clarence? Gusto mo pumunta ako diyan?" Parang may problema talaga siya. Ang tahimik eh.





"Ano ka ba, okay lang ako. Sige, good night na, Santillan. Labyu!"





"Sure ka ba? O sige, ikaw bahala. Baka pagod kana din. Andiyan ba si Kuya Manuel?"





"Nandito. Day-off niya."






Mabuti naman. May kasama siya ngayon sa bahay nila.





"Ah, okay. Yung gate niyo baka makalimutan niyong isara ha. Huwag ka na din manuod ng horror diyan para makatulog ka ng maayos. Uminom ka din ng madaming tubig, okay? O sige na, Labyu too, besh. Good night."



Hindi na siya sumagot. Akala ko hinihintay niya nalang na ako yung maunang mag end ng call. Papatayin ko na nga dapat kaya lang bigla din siyang nag-salita.




"Chase?"






"Oh? Ano yun besh?"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"I love you."



Hmm. Ano bang meron sa kaniya at parang kakaiba siya ngayon.





"Alam ko. I love you din, besh." Pagkasabi ko nun bigla ba naman akong tinawanan. Galing. "Hoy? Tumatawa ka diyan?"





"Pambansang halaman ka talaga. Sige, bye." yun lang at tuluyan niya ng tinapos yung tawag. Wala na tuloy akong chance maka-bawi dun sa pag-tawag niya na naman sa akin ng halaman.





Tsk. Hindi ako halaman.







"What do you think you're doing here?"





Bigla ako napalingon dahil sa boses na yun. Shemay! Tapos na pala siya maligo at ... at ang sama na naman ng tingin sa akin!







"Ah--Hiniram ko kay Nanay yung susi ng---"







"Labas!"









Ouch na naman









QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon