CHAPTER 40 - Royal Bitch [2/3]

32.5K 948 256
                                    




Lorenzo


"Rhei? Helloooo?  Are you even listening ba?" asked Beth, flicking her fingers trying to get my attention. Dahil mabait ako, hindi ko siya pinansin. 

We're already done with our classes for today at nandito kami ngayon sa cafeteria. I suggested nga na sa usual spot nalang kami tumambay pero umangal naman si Jimenez. Lakas ng loob! Oh well. I thought she needed to get something to eat kaya pumayag na lang ako, but we've been here for almost twenty minutes na ata pero cellphone pa rin ang inaatupag niya. Kanina pa din sila daldalan ng daldalan ni Bethany. Kaya nga hindi ko sila pinapansin dahil hindi ako makarelate. Something about textmates and whatnot. Ridiculous.  
Well aside from that, busy din ako. I'm waiting for someone to text me back.


A minute or two passed and still... nothing. Mukhang wala talaga siya balak magparamdam. Naka dalawang text na ako ha.

"Damn it." I cursed. Ano bang ginagawa mo at hindi ka sumasagot?! Kainis ka!

"What's wrong, Rhei?" tanong agad ni Bethany, looking worried now. Kaharap niya si Steph na still busy fiddling with her phone while looking like an idiot at the same time. Pa-smile smile pa kasi. Ugh! Buti pa yung ka-text niya, nag-rereply.

Hindi ko nalang ulit siya pinansin. I eyed the group of IT students instead. Yung nasa kabilang lamesa na kanina pa pinapainit ang ulo ko. AT sa unahan ko pa talaga sila pumwesto. Ang gagaling!  Kung makapag-usap pa akala mo sila ang may-ari nitong campus. Ang mga bibig. Ang iingay!

"Will you guys shut up?!" I hissed. Tumayo na din ako for added impact. Natigilan naman sila kaagad. Good. Pati na din yung iba pang students na kumakain lang naman. Very good. "Hindi ba pwede mag kwentuhan na hindi nakakaabala ng ibang tao?!"

Para silang binuhasan ng malamig na tubig. Natigil yung daldalan nila. Nung walang nag lakas ng loob sumagot ni isa man, umupo na ako. Tahimik na din sa wakas. I can now make a phone call in peace. Tatawagan ko nalang yung bubwit na yun. Wala na naman sigurong load kaya hindi sumasagot sa text.

I dialled her number and patiently waited for her to pick up.

It didn't happen.


Nakaka ilang ring palang naman kasi nung bigla niya i-reject yung call.


Hindi ako makapaniwala.


Nireject niya yung call!


Bwisit!


"DAMN IT!" Nakakairita ka talaga, Santillan.


"What? Ano ba kasi yun, Rhei?" si Beth. Naputol ko na naman yung kwentuhan nila ni Steph because of my outburst.



"She rejected it."



"Rejected what?"



"My fucking call. Hindi niya sinagot yung tawag ko, Bethany. She rejected my call!"

Just what the hell is her problem? I texted her, asking kung nasaan siya, but she didn't reply. I haven't seen her since Thursday. Lunes na ngayon! I know it's my idea na wala muna tutoring today pero.. I wanted to .. see her. No, I mean, hindi ko pa kasi nasasabi sa kaniya ang results ng midterm exam ko.

"The greatest sin.." narinig ko naman ang pabulong na sinabi ni Stephanie. I glared at her but she just plastered that signature annoying smirk. "Chill, girl, and will you please stop calling her? It's just what.. three? Nasa class niya pa yun." She added pa na lalong nagpa inis sa akin.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon