CHAPTER 41.1 - Tease

25.8K 686 18
                                    

Santillan



"So .. who do you think is prettier, Van Pelt or Lisbon?" kasalukuyan kami nanunuod ni Andrea ng isang american TV series.


I haven't had the time to catch up with my TV series in the past few weeks. Busy nga kasi sa pag rereview for the midterm exam at dahil tapos na siya, I'm free at last.



My cousin, Lauren, yung nag introduce niyan sa akin. Mahilig kasi siya sa mga ganyan. Addicted sa mga crime dramas. I'm not really that interested but I gave it a try. Naka ilang recommend na rin naman kasi si Lauren at tanong siya ng tanong kung pinanuod ko ba kaya ayun, no choice, pinatulan ko na. Episodic pero may plot din naman kahit papaano. It's about a former psychic medium, a fraud obviously, as he tries to help a group of agents to solve murders.



"Ummm.. si Van Pelt?"


Nakaupo ako sa sofa while she insist na doon sa carpet pumwesto. Malinis naman yun so okay lang kahit mag pagulong-gulong pa siya. Tulad ng ginagawa niya ngayon.



"Okay. Van Pelt it is."


Kinuha ko na yung mga DVDs at ibinalik na sa drawer. I was just about to open my mouth to tell her sana na pupunta muna ako ng kwarto para maligo pero naunahan niya ako.




"Ay hindi, si Lisbon pala."





"Si Lisbon? Oh okay. Anyway Chase dito ka mu--"





" Hindi pala. Pwede bang both? Parehas naman kasi silang maganda eh.."





Hindi ko na napigilan. I laughed. Ang simple lang naman kasi ng tanong ko pero hirap na hirap siyang sumagot. Tapos yung expression ng mukha niya nakakaaliw.




"Bakit? Anong nakakatawa?"





"Nothing. Dito ka muna ha? Saglit lang ako."




....



Santillan



Mag-iisang oras na ata ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik si Andrea. Inaabot na ako ng antok dito. Ang lamig pa naman at ang lambot ng carpet nila.


Yung tutorial namin nauwi lang sa panunuod ng TV. Pero hindi na ako umangal. Kaya lang para saan pa yung paghihintay niya sa akin kanina? Tsk tsk. Pabago bago kasi ang isip.


Ilang minutes pa pero wala parin. Kinuha ko na yung unan doon sa sofa. Sobrang attractive na talaga yung carpet sa paningin ko. Matutulog muna ako dito. Saglit lang.


Humiga na ako.




Hays, ang sarap!





Tulog na this.




Tinanggal ko na yung salamin ko. Ipipikit ko na sana yung mga mata ko pero ...






"Hoy! Huwag mo akong tulugan!"






Spell istorbo.




A-N-D-R-E-A.






Lorenzo


"Hoy! Huwag mo akong tulugan!" sigaw ko kay Chase na nakahiga na ngayon sa carpet. Nagmadali na nga akong maligo para maumpisahan ko na yung parusa ko sa kanya pero ito pa yung dinatnan ko.

Hindi siya sumagot. Mukhang nakatulog na nga ata. Hindi 'to pwede!

Nilapitan ko na siya. I stared at her. She looks so comfy. Then I saw how her eyelid twitched telling me na nagtutulog-tulugan lang siya.


"Get up, Chase. I know you're awake." I told her. No response. "Get up or else ..."


Napa-irap naman ako nung bigla siyang bumangon. Inabot niya na yung glasses niya at tsaka tumayo. I know magpapaalam na siya para umuwi and I don't like that. Yung punishment ko pa!

Bigla kong hinablot yung hawak niyang salamin. You're not going home yet, Chase..



"Hala.. bakit mo kinuha salamin ko?"




"Kasi uuwi ka na."





"Uuwi na nga. Gabi na kaya.. Akin na yan.."


Pinipilit niyang abutin yung salamin niya pero umiwas agad ako.



"Andy! Akin na sabi yan eh.."




"Ayoko nga. Dito ka muna, please? Mamaya ka nalang umuwi."





"O sige, sige. Pero akin na yan.. Alam mo namang malabo yung paningin ko diba.."





"Promise? Kapag binalik ko 'to hindi ka pa uuwi ha?"




"Promise."




Santillan


After kong mag promise, inabot niya na yung salamin ko. Kinuha ko kaagad sabay suot. Hindi na blurred ang vision ko kaya kitang kita ko na si Andea. Si Andrea at yung... at yung suot niya!

Saglit pa akong napatitig sabay iwas ng tingin.

Grabe.


Ang ..


Ang ...


Ang sexy niya!



Lorenzo




"What?"



"W-wala.."



"Wala?"


"Oo.. w-wala.."


"Bakit ayaw mong tumingin sa akin?" tanong ko pa. Lumapit na ako sa kanya. Bigla naman siyang lumayo.

I smirked.



"D-diyan ka lang..." she said, stuttering.



"Why?"



"B-basta."


Lumapit ulit ako. I cornered her.



"What's wrong?"



"Ang ikli kasi ng damit --- I mean wala pala. Wala!"




"Why? Does it bother you?"




"H-hindi."



"Really?"




"Oo.. H-hindi ka ba nilalamig Andy?"



"Nope. Why?"



"Ah eh... wala lang.."



"Wala lang?"



"Oo wala lang. Nga pala baka hindi mo napapansin, masyado kang malapit.."


"So?"



"Nakaharang din kasi yung mga braso mo..."





"So?"





"Hindi ako makagalaw.."




"So?"





"Kainis ka naman eh!"





I laughed.




Teasing her is so much fun..








------------

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon