CHAPTER 29.1 - Meanwhile ..

27K 891 32
                                    




Lorenzo









Talaga? Payag ka?





Gusto ko matawa kasi obvious na obvious yung excitement sa boses niya ngayon habang tinatanong ako. I held it in. I don’t want to laugh baka kasi ma misunderstood niya pa.


I just told her na payag ako na sa kanila mag celebrate ng Christmas. Am I sure? Hell yes! Kesa naman loner ako sa 25th, diba? Actually, I can just celebrate it with Lauren and the Divinagracias like I always do kapag hindi nakakauwi sila Mom and Dad. Hindi naman na kasi bago yung ganitong eksena. Ganito din kasi last Christmas. Pero nung niyaya ako ni Chase, parang may sariling utak yung bibig ko at automatic na nag ‘okay.’


I blamed it on her voice. Yep, yung boses niya talaga ang may kasalanan eh. Ang authoritative na parang she won’t take a ‘No’ for an answer nung umpisa pero naging sweet na at may pa ‘please’ pa talaga. Sino ba naman kasi makakatanggi kapag ganun? I know I can’t.

I felt that my mood significantly improved nung nakausap ko siya. Chase is just.. She’s just the sweetest person really. She’s always worrying about me. Bwsit na bwisit pa ako kanina. I just talked to my father. He told me na hindi sila makakauwi soon enough para ma-celebrate namin ang Christmas eve together. Something to do with, as usual, business na naman. May detour pa sa Singapore. Umasa pa naman ako. Nag promise din naman kasi sila sa akin. Nag expect na ako kaya hindi ko na din napigilan yung emotion ko kanina.

 Kaya minsan tuloy, when I absolutely can’t help it anymore, sumasagi na sa isip ko na mas importante pa sa kanila yung business kaysa sa akin na anak nila. I hate that thought but I can’t help it. I even told them na Yaya isn’t around pero they just adviced me to stay with my cousins. Gusto kong maging isang understanding na anak pero, kapag ganito nalang ng ganito, nakakaubos din kaya ng pang unawa. I miss them so much. Andrei too. Buti pa nga yung kapatid kong yun, as he is currently being trained to take over the company, malapit lang kay Mom and Dad. Hindi ko na mapigilan na mainggit sa kaniya.







"Yup. Thank you for inviting me ha?"







and I’m just going to pretend na hindi mo dinedma yung sinabi kong namiss kita.

 

 

Ewan ko ba. Parang, what? 3 days? palang naman nung huli kami nag kita. Isa pa, it took a lot of time para ma-miss ko ang isang tao. Ibang usapan kapag family member eh. Pero bakit kapag si Chase, days lang bibilangin? Why? I just don’t get it.

 

Wala yun. Pero, sure ka ha? Talagang talagang talaga? Wala ng bawian yan? Ha? Sure ka na talaga?




Hindi ko na napigilan. I laughed. Ang kulit niya kasi. Para siyang bata. At ilan bang ‘talaga’ ang kailangan niya just to get her point acrossed?






"Oo nga. Ang kulit mo."

 


Makulit talaga ako. Pero, wala ng bawian yan ha? Andy? Naku, subukan mo lang.






"Oo nga. Isa pang tanong."

 

 
Okay, sige. Basta, mag tetext nalang Ay oo nga pala, nag sisimbang gabi ka ba?






"Hindi eh. Why?"




I’m a Catholic, yes, but I’m not the religious type. I do attend Sunday masses when I can, pero hindi siya regular. Nung 1st year ata or nung 2nd year high school pa nung last try ko ng simbang gabi. That was with my parents.




Okay, sige. Wala, natanong ko lang. Good night na. Tulog na tayo.






"Okay, good night, Chase. Thanks again."





Gusto ko pa sana siya makausap but it's getting late and I don't want to intrude any longer. Nung hindi na siya nag-salita, I thought she’s just waiting for me to end the call and I was actually about to pero..






Namimiss na din kita, Andy.







and then she hung up.






Habang ako naman, inaatake ng kung anong something sa stomach ko. What the hell?





Mabuti naman kung ganun, Santillan. At least the feeling is mutual. Akala ko dedma ka lang eh.

 

 

Smiling, I went to back to my bed. Matutulog na dapat ako pero nag text pa ulit siya.



may pahabol pa talaga?





 

Ingat ka diyan ha. 

Text mo lang ako kapag need mo ko.

Good night, Andy. :)

 

 

 

 

Damn it!





Eto na naman yung something na pakiramdam in my stomach.










Just what the hell is up with me?!


QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon