CHAPTER 21 - Uncommon Emotion

31.6K 840 167
                                    


Lorenzo

 

“Very impressive, Andrea. Ang laki ng improvements ng grades mo compare the prelim of the last semester. Keep up the good work, Hija.” says Dean Bernal after handing me my class cards. Nag pasalamat ako at kinuha ko na ang mga ito at lumabas na ng office niya.


I sighed in relief when I saw my grades. Mabuti naman at yung 2.50 sa Information Resource Management ang pinaka mababa ko. Hindi nga ako makapaniwala nung nakita ko yung flat two ko sa Accounting 2 at 2.25 sa Math 15. I thought hindi ko na mahahatak yung grades ko sa dami ba naman ng mababang quizzes and unit exams ko before akong i-tutor ni Chase. Pero buti nalang, I was able to aced the prelim exams on those subjects.


“How did you do Rhei?” tanong ni Beth pag-balik ko ng classroom. Nakuha na niya and ni Stephanie yung mga classcards nila kanina. Natatawa pa nga ako sa mga naging reactions nila eh. Hindi talaga sila makapaniwala and very disappointed pa ang mga letse sa mga natanggap na grades. Like seriously, ano pa bang ine-expect nila? Nabuhay lang naman sa pangongopya si Bethany and the night before the exams lang naman nakaisip mag-buklat ng textbooks itong si Steph. Well, may mga instances naman na gumagana yung cramming but judging sa result ng mga exams nila, I don’t think it’s applicable to them.

Imbis na sagutin si Bethany, pinakita ko na lang sa kanila ang mga classcards ko. Napansin kong lumukot ang pagmumukha ni Steph pagkakita sa mga ito. Inggit much? Now, sino ngayon sa atin ang disastrous ang grades.

 

“Holy cow! How nice naman, Rhei!”





“I know right. Thanks, Bethany!"






“I should probably get the Accountancy girl to tutor me too. You really need to share her to me, Rhea. Kahit sa midterms lang.” sabi naman ni Steph na subsob na naman sa pag-tetext.




Did she just say share? Seriously? No way in hell.

 

 

“Firstly, her name’s Chase Santillan and secondly, nope, you know I don’t share. Go get your own tutor. Ang dami pang ibang mga scholar diyan.”

 

 

“Oh, c’mon. Huwag ka nga madamot. Midterm lang. You can get her back after that.”




“What part of ‘nope’ didn’t you understand?! I told you humanap ka na lang ng ibang mag-tututor sa’yo. Go visit the Scholar’s Office.” naiinis kong sagot sa kanya. Napaka kulit kasi! Sinabi ng hindi pwede.



“But, she’s the best among them and I kinda like her. Bilis na, Rhea. I need the best tutor I can get. My grades is calling for desperate measures.” insist niya pa sa nakakainis na boses. Gusto ko tuloy siyang lapitan para masampal.Wala akong pakialam kong bumagsak pa siya. Deserve naman. Well-deserved. Sa pakikipag text lang siya nag eeffort.

 

“Oh, I like her too alright. You can go and hire a Professor for a tutor for all I care, but leave Chase alone!”

 

She’s mine.

 

“Whatever.  I can go and talk to her myself. I’m sure hindi niya tatanggihan ang extra income. I’ll even pay her double.” sabi niya pa at umirap-irap pa talaga sa akin. Damn you, Stephanie!




QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon