CHAPTER 32 - Trouble With The Best Friend

32.7K 977 129
                                    



Santillan

 

 

 

Gising na

Buksan ang iyong mga mata gising na

Halina at silipin ang pagdilat ng umaga

Tahimik at saksakan ng ganda ..

 

 

 

Hmm?


Gising na

Nandiyan na ang umaga gising na

Nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha

At pungay ng iyong mga mata

 

 

Ang ingay mo pa nga, Chito! Natutulog ang tao. Istorbo din eh. Saan ba galing yung tunog na yun??
Hindi ko maimulat yung mga mata ko dahil sa antok. Ang bigat ng talukap.




Kanina pa kita pinagmamasdan

Kanina pa kita tahimik na binabantayan

Hindi gumagalaw, hanggang wala ang araw

Nadiyang nakatanga, nakatitig lang sa iyong mukha

 

 

 

 

Nung hindi pa rin natapos yung nakakainis na tunog na nag babalik ng malay-tao ko, bumaling na ako sa katabi ko na wagas kung maka yakap sa akin. Sabi niya hindi daw siya takot eh bakit ang clingy niya?



Bumangon na ako at akmang gigisingin na sana yung katabi ko. Hindi ko napigilan tumitig pa muna sa kaniya. Ang sarap pag masdan ng mukha eh. Maamo. Panatag. Walang bahid ng pagtataray. Ang bait bait niya tingnan kapag tulog. Ang haba ng mga pilik mata, matangos ang ilong at mapupula ang katamtaman nipis na mga labi. 

 

“Andy." marahan kong tinapik ang balikat niya."Gising na. Mag sisimba pa tayo, diba?” Hindi siya kumilos. Bahagya ko pang niyugyog ang balikat ng katabi ko para gisingin.



“Still sleepy. Tulog pa tayo.” halos pabulong niya pang sinabi. Lalo pa siyang lumapit sa tabi ko at nakiagaw pa nga sa kumot ko. Binigyan ko naman siya ng sarili niyang kumot para gamitin, ewan ko ba at nakiki share pa siya sa akin.


Pinatay ko na yung istorbong alarm ng cellphone ko at nag pasya na muling humiga. Awtomatiko naman na muling yumakap sa akin ang babaeng katabi ko.



Operation: Tulog pa more!




“I thought we’re going to church?” bulong pa ng katabi ko. Ewan ko ba, pero ang ganda ng bedroom voice niya. Bakit ang lambing?


Chineck ko yung orasan na naka sabit sa pader ng kwarto ko. 3:11 am. Alas singko pa naman yung start ng misa. Maaga pa. Twenty minutes lang naman ang byahe pa simbahan. Kaya yan. Tulog pa. Tiwala lang.


“Antok ka pa eh. Sige, sleep ka pa muna, Andrea.” Sumiksik na din ako sa kaniya. Ang lamig kasi at tinatamad akong patayin ang electric fan. Tsaka, sanay sa aircon itong katabi ko. Baka hindi siya kumportable kapag pinatayan ko ng fan. Baka mag reklamo pa na mainit sa kwarto ko.



QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon