CHAPTER 35 - Overwhelmed

39.7K 988 80
                                    




Santillan



"Sumakit kamay ko." Tiningnan ako ni Darren at tinaasan ng kilay. Pauwi na kami galing sa bahay ng kumare ng Tatay ko. Nautusan kasi kami na tumulong sa pag babalot ng suman na ipapamahagi sa mga ka barangay namin. May pa feeding program na naman si Aling Sima at every year niya ginagawa yun. Nasanay na ang mga tao dito sa amin.

"Ay, huwag ako, Ate Chase. Ang kupad mo nga. Nahiya naman yung dalawang dosenang suman na naibalot ko. Wala ka naman naitulong." nagpapatunog pa siya ng knuckles. Nabatukan ko ng wala sa oras. "Totoo naman eh." pailing iling pa siya.

Bago kasi ako tumuloy sa balutan ng suman, dinaanan ko siya sa bahay nila. Darren Arcilla. Junior ko siya nung high school. Isa sa mga sakit ko sa ulo sa Ridgemore noon. Naging officer kasi ako ng supreme student government namin. Actually, dalawang term pa nga, at isa si Darren sa mga 'problem student' na maituturing ng paaralan namin. Lagi kasi siya nasasangkot sa mga basagan ng mukha sa mga kapwa estudyante. Madalas din siya kaaway ng mga kaguruan. Pero kahit ganyan yan, mabait naman talaga siya. Mainitin lang ang ulo kaya madalas ma misunderstood. Anyway, dahil season of giving naman, I spread the love. And the suffering. Dinamay ko na siya para patas. Ang lagay ba ako lang ang magkakawang gawa.

Pagdating namin ng bahay, sinalubong agad kami ng kapatid kong si Maicy at humalik pa sa pisngi ko. Sila palang ni Tatay na abala na sa kusina ngayon ang nandito sa ibaba. Tulog pa siguro si Andrea. Matapos kong batiin ng 'Merry Christmas' ang pinakamamahal kong ama at kapatid, bumaling na ulit ako kay Darren na sumalampak na pala sa sofa.

"Paulit ulit nalang ako sa'yo, Darren ha. Sinabi ko na tigil tigilan mo na ang pakikipag away. Ang tigas ng ulo mo." Nakapikit lang siya at hindi umimik. Hinawakan ko yung chin niya at chineck ko yung mga sugat niya sa mukha. Medyo hindi na kasing lala kaysa kagabi, pero obvious pa din yung pasa. Hindi na talaga 'to nawawalan ng galos sa mukha eh.

Nasa kalagitnaan ako ng check-up kuno ng mga sugat sa mukha ni Darren ng may biglang tumikhim. Napalingon ako. Si Andrea pala.

Si Andrea na medyo naniningkit ang mga mata habang nakamasid sa amin. Bad mood yan? Ano ba yan, Christmas pa naman eh. Pero, hindi ko na pinansin yun. Baka hindi lang maganda ang gising. Ngumiti na lang ako sa kaniya. Lumapit na din ako. Bati na kami.

"Good morning, Andy. Merry Christmas!" After niya tumingin sa akin at kay Darren, tumingin ulit sa akin pabalik na naman sa junior ko na naka hilata na ngayon sa sofa, eh tsaka palang siya nag salita. Nag iba na din yung expression ng mukha niya.

"Good morning. Merry Christmas, Chase." sabi niya sabay nag-greet din kay Tatay at kay Maicy at tsaka inabot yung dalawang paper bags na hawak niya. "Here, Maicy. Gift ni Ate Andy for you." Napangiti yung kapatid ko at parang nahihiya pa kunin yung regalo sa kaniya. "Tito, gift ko po. Merry Christmas!" Sinabi ko naman na huwag na siya bumili ng gift para sa amin, ayaw papigil.

"Nako, nag abala ka pa. Salamat, Hija. Merry Christmas din. Halika, nakapag-luto na ako. Baka gusto mo na kumain."

"You're welcome, Tito. Sige po, mamaya nalang po. Sabay-sabay na po tayo." Lumapit sa kaniya ang kapatid ko at yumakap.

"Merry Christmas, Ate Andy! Thank you po. Pero, paano po yan wala po akong regalo po sa inyo?" sabi pa ng kapatid ko. Pinisil lang ni Andrea yung pisngi niya at nangigigil pa ata. Close na pala sila.

Dahil busy silang dalawa, bumaling na lang ulit ako kay Darren na prenteng nakahiga sa sofa at mukhang nakatulog na. Napagod ata at napuyat. Tsk. Na guilty naman ako kaya gagamutin ko nalang ulit ang mga sugat niya. Doon sa putok niyang labi ako inis na inis eh. "Darren, umupo ka nga muna. Lagyan ko ulit gamot mga sugat mo." Niyugyog ko na siya, ayaw pa din kumilos. Tulog na tulog pa rin. Grabe, ang bilis ah. Masandal tulog pa din siya kahit kailan. Sumalampak nalang ako sa sahig at tsaka ko nilinis yung sugat niya sa mukha habang nakahiga siya sa sofa.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon