CHAPTER 7 - Quality Time

40.5K 966 63
                                    







Santillan







"Ate Chase, bili naman tayo ng ice cream. Puro nalang tayo sardinas eh."




Si Maicy habang hatak hatak yung braso ko. Talaga 'tong batang ito. Nag reklamo pa. Wala na kasi mailuto kaya nag gisa nalang ako ng dalawang lata ng sardinas kagabi. Linggo ngayon at katatapos lang namin mag-simba. Dumiretso kami sa mall na isang tricyle lamang ang layo dito. Nasosobrahan na kasi itong kapatid ko sa pag aaral kaya inutusan na ako ni Tatay na igala siya ngayon.  Kahit wala kasi siyang pasok, puro pagbabasa ng libro pa din ang inaatupag niya. Hindi din siya mahilig makisalamuha at makipag laro sa mga ka-edad niyang bata. Hindi ko alam kung takot siya sa tao o sadyang hindi niya lang trip makipag socialize.  






"Sige ba. Ano ba gusto mong flavor?" Bagong sahod naman ako kaya okay lang. Na budget ko na din naman na yung pang gastusin namin at nakapag laan na din ako para sa mga ganito ni Maicy. 





"Isa nga po mango tropical fusion. Large po." Akala ko ako pa yung kausap ng kapatid ko pero, nakaorder na pala siya. Naningkit ako sa presyo nung ice cream na binili niya. Ang mahal naman. Bumili nalang sana kami ng 3-in-1 sa grocery. 




"Sugar level po 50%. Nata po sinkers." Natawa ako sabay hatak sa kapatid ko. Nasanay kasi siya kay Klang. Inoorderan kasi siya ng milk tea 'non kapag pauwi na ako. "Iba yun, Maicy. Sa milktea lang yun."




Sumenyas lang ako kay Ate na nasa kaha. Pagka bayad, inabutan niya kami ng resibo kasama yung pabilog na umiilaw ata kapag ready na yung order mo. "Bakit large? Kaya mo ba ubusin yan?"





Mukhang excited naman si Mae masyado kaya hindi na ako nagawang pansinin. Sinisilip-silip niya pa si kuya nag p-prepare nung ice cream niya. Sabik kasi siya sa ganito. Before kasi, halos saktong sakto lang yung pang gastos namin. Kaya nag part time job ako pag tuntong ko ng College. Para maka tulong man lang kay Tatay. "Ate, ayaw mo ba talaga?"




Umiling ako. Ayoko ng matamis. Nasusuya ako tsaka sumasakit ang tiyan ko diyan. "Kulang pa ata sa'yo yan eh. Ililibre nalang ulit kita sa susunod na sahod ko." Ngumiti lang si Maicy sa akin. "Gusto mo ba manuod tayo ng sine? May showing ngayon na pang bata. Matutuwa ka." 






Umiling yung kapatid kong busy sa ice cream niya. "Huwag nalang, Ate. Makikinuod nalang ako kela Jepoy. Madami silang palabas sa TV nila." 






Si Jeffrey. Yung bestfriend niya na may cable ang tv. Anak ng kumare ni Tatay. "Tsaka, may mga CD naman sa atin. Yun nalang papanuodin ko." 





Napailing nalang ako. Ilang beses niya na napanuod yung mga DVD na yun.  Hindi ko na pinilit yung kapatid ko. Baka kasi mainis lang siya. After namin mag ikot sa department store, umuwi na din kami. Hinatid ko lang siya sa bahay. Pupunta pa kasi ako sa bahay nila Clarence. Sasabay kasi ako sa kaniya papunta sa bahay nung kambal. Ilang linggo na kasi sila nag aaya ng bonding. Pumayag na ako. Simula kasi nag start ang school year, hindi na kami masyado nag kikita. Kapag may gig lang at kadalasan saglitan lang din naman 'yon.




Kinuha ko na iyong gitara ko at saka nagpaalam kay Tatay.










...






♫♫

I should be over all the butterflies

But I'm into you

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon