CHAPTER 50 - Missing You

31.5K 973 165
                                    


Santillan





“Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman nakikinig!”



Si Klang na medyo nagtaas na ng boses. Halatang naiinis nga at may pag irap-irap pa siyang nalalaman ngayon. Napapikit ako. Kanina ko pa siya sinisenyasan na hinaan yung boses niya eh pero hindi niya talaga ako na-gets.

Jusko. Kanina pa kami pinandidilatan ng mga tao sa paligid. Kung makapag kwento naman kasi. Kailangan talaga may sound effects pa? Kailangan tatayo pa at may pagkumpas kumpas pa ng mga kamay?  Nasa library kaya kami!




“Klang, dinaig mo pa ang Disney sa mga kwento mo. Masyadong animated.” Bulong ko sa kanya habang inililigpit ang mga gamit ko. Makaalis na nga dito bago pa kami kuyugin. “Hindi mo ba naririnig kanina ka pa sinisitsitan nung librarian natin?”



Napasulyap ako sa direksiyon ng librarian namin na hindi naman sa mapanghusga ako pero UBOD naman talaga ng sung--- At ayan na nga bang sinasabi ko e. Papalapit na pala siya!




Hinatak ko na si Klang bago pa man niya kami abutan. Palabas na sana kami ng exit door, kaya lang may humarang naman sa amin. Ang Vice President ng Student Council. Si Ate Debbie!


Tulad nga ng inaasahan, pinagalitan niya kami. Wala pa nga ata siyang balak tapusin yung sermon niya kung hindi lang talaga siya na distract sa pickup line ni Ate Justine eh. Buti nalang to the rescue sa amin ang President.

Dumiretso nalang kami ni Klang sa cafeteria. Ililibre niya nalang daw ako para pambawi. Wala na kaming klase ngayon. Half day lang. Nag uubos nalang kami ng oras dahil parehas naman kaming walang mga lakad. Weekend na din naman. Dapat nga may tutorial kami ngayon ni …



Hayss.






“Ayan na naman po siya.” Inilalapag na ni Klang ang mga nabili niyang pagkain ng mapansin ko na nakabalik na pala siya. Hindi ko man lang namalayan.




“Napansin ko lang talaga, ha. Lately, ang tamlay tamlay mo. Tapos parang ang lalim lagi ng iniisip mo. Yang mukha mo pa, ang lungkot lungkot. Hoy ikaw, magsabi ka nga. Nagda-drugs ka ba Chase?!”




Pinagtinginan kami ng mga iba pang estudyante dahil sa mga sinabi ni Klang. Ang lakas lakas pa naman ng boses. Tsk!




“Sige pa, Klang. Isigaw mo pa. Hindi nila narinig.”




Inirapan niya na naman ako sabay upo sa kalapit na silya.




“Eh bakit ka nga nag kakaganyan? Last week ka pa walang imik ah. Tinatanong ko si Nico, wala ka naman daw nababanggit. Alam mo nag woworry na din si Greg sa’yo. Lagi ka kaya nun tinatanong sa akin. Magsasabi ka naman---”



Hindi ko na siya pinatapos. Sinubuan ko na siya nung favorite niyang blueberry cheesecake na ang tamis tamis naman. Nakakaumay.




“Masarap?”




Hindi siya kaagad nakapag salita. Ang dami kasi nung isinubo ko. Halos mabulunan siya. Haha. Tanong ka kasi ng tanong e.



“Ano? Masarap ba?”





“Sherep.”




“Ano?”





“Ensherep.”





Halos maibuga ko yung iniinom kong frappe. Masyado kasing pabebe yung pagkakasabi niya. Ang sakit sa lungs.




QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon