CHAPTER 25 - Please Stay

34.1K 990 81
                                    


Santillan




"Shh. Tahan na, Andy."

Marahan kong hinaplos ang likod niya para pakalmahin siya. Hindi ko maintindihan kung bakit siya umiiyak at parang takot na takot. Nanginginig ang buong katawan niya. Pero, isa lang ang sigurado ako ngayon. Ang pangit pala sa pakiramdam na makita siya na nagkakaganito. Kahit naman kasi hindi naging maganda ang interaction namin before, naging concern na din talaga ako kay Andrea.


"Tahan na. Huwag ka na umiyak, Andy." pag-aalo ko pa ulit sa kaniya.

Ilang minuto din ang lumipas bago siya kusa na kumalas sa pag kakayakap sa akin. Nagpahid na din siya ng luha at nag ayos ng buhok.

"Sorry about that." sabi niya sa mahina at medyo paos na boses. Tumango lang ako tsaka hinawakan yung noo niya. Nilalagnat siya. "I'm fine. It's just the weather, I guess."



"Kumain ka na? Nakainom ka na ba ng gamot?"

Umiling lang siya sa akin sabay abot sa earphone niya na naka connect sa cellphone.

Tsk! Hindi pa siya kumakain. Gabi na. Ipagluluto ko nalang. Oo, tama. Para na din makabawi man lang ako dun sa ginawa niya nung ako naman ang may sakit. Pero bago yun, kailangan ko muna mag palit ng damit. Medyo nabasa kasi ako kanina ng ulan. Bumabagyo na din sa labas. Kaya siguro nawalan ng ilaw dahil sa lakas ng hangin.

Nung nakita ko na busy siya sa cellphone niya, sinamantala ko na iyon para sana pumunta ng banyo at magpalit ng damit. Pero bago pa ako tuluyan makatalikod at maka hakbang palayo, mabilis at patakbo na lumapit sa akin si Andrea at niyakap na naman ako. Nagulat ako sa ginawa niya kaya halos mapasandal ako sa pader.



"Where do you think you're going?!" medyo pagalit niya pa na tanong sa akin.




"Uh, dito lang sa ---"



"I don't care! Dito ka lang. Don't leave. I'm not... I'm not good with the dark." sabi niya pa at lalo humigpit ang pag kakapulupot ng mga braso niya sa leeg ko.


Takot pala siya sa dilim.




"Mag papalit lang ako ng damit sa banyo. Nabasa ako ng ulan eh."




"I'll go with you."



"Ha?"



"You heard me. Let's go. We're both girls and may partition naman eh."


Wala na ako nagawa dahil mapilit siya. Hinatak niya na ako papasok ng banyo. Habang nag bibihis naman ay hindi ko mapigilan na mag-usisa.


"Takot ka pala sa dilim. Sana pinabuksan mo yung generator niyo para may ilaw ka man lang."


Narinig ko naman na bumuntong hininga pa muna siya bago nag salita.


"My fear of the dark is a little bit extreme. It's bordering to a phobia already. When the lights went off, I froze. Sa sobrang takot, nag stay na lang ako dito. Also, I don't just let someone inside my house."




"Bakit? Mga kasambahay mo naman sila. Wala ka bang tiwala sa kanila?" 

 

"It's not just them in particular. Something happened in the past. Basta. Trust issues kasi."



"So, galit ka ba sakin kasi bigla ako pumasok ng walang pasabi sayo?" tanong ko pa sa kanya habang palabas ng partition. Nakapag palit na ako ng long sleeve na shirt na dala ko. Buti nalang pinabaunan ako ni Tatay.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon