CHAPTER 27 - Meeting The Cousin

38.1K 963 185
                                    


Santillan


‘sa telepono, may tumatawag…’

 

‘ang telepono, sagutin natin..’


‘sa telepono, may tumatawag..’

 
 

Napabalikwas ako ng bangon dahil ang lakas maka gising ng wonder pets na ringtone ko. Kinuha ko na kaagad ang salamin ko at cellphone. Si Tatay pala yung tumatawag.


“Hello, Tay. Good morning po.”


Hindi na ako nag salita. Mataas na ang boses ni Tatay at pinapauwi na ako ng bahay. Pagka-end ko ng tawag, dumiretso na ako banyo para mag hilamos at mag toothbrush. After nun, kinuha ko na agad yung bag at lumabas na ng kwarto. Pasado alas-otso na pala ng umaga. Hindi ko na inabot yung misa sa chapel namin.

 

Hindi man lang ako ginising ni Andrea.

 

 

 

“Andy? Nasaan ka? Hindi mo ako ginising.” sigaw ko pa dahil hindi ko siya mahagilap. Ang laki naman kasi ng bahay nila.

Walang sagot, kaya bumaba na ako ng hagdan. Nasa pang huling step palang ako ng hagdan ay napansin ko na yung nakaupo sa sala. Nag babasa ito ng kung anong babasahin.



“Uy, Andy. Hindi mo man lang ako ginising.. Maayos na ba pakiramdam---”



Biglang nanlaki ang mga mata ko nang ibinaba niya na yung magazine na tumatakip sa mukha niya kanina.


Whoa.


Isang brunette version ni Andrea ang kasalukuyan na nasa harapan ko ngayon at nakatitig sa akin.


Dark brown na medyo may pagka reddish na buhok. Chocolate brown eyes. Alright, hindi si Andrea to.



“Sorry po. Akala ko po si Andrea kayo. Good morning po." paumanhin ko nalang kay Ate sabay ngiti ng kaunti. Nakakahiya naman. May bisita pala siya. Kung makasigaw pa naman ako.


Saglit pa siyang tumitig sa akin. Hindi naman siya mukhang galit.


“Kitchen.” maya-maya’y sagot pa ni Ate. Mahina lang ang boses niya at medyo kakaiba din yung tono.



“Ano po yun?” ano daw?



Saglit pa ulit siya na tumitig sa akin tapos bumaling na ulit sa magazine na binabasa niya. Hindi ko na tuloy makita yung mukha niya.



“She's in the kitchen.” ulit niya sa isang malamig at walang emosyon na boses.



“Ah, ganun po ba---"



Hindi ko na natapos yung sasabihin ko pa sana ng bigla ako dambahan sa likod ni Andrea. Halos mawalan ako ng balanse dahil sa gulat.


“Good morning, sleepyhead.” bati niya pa sa akin. Nakangiti siya ngayon at mukhang wala ng sakit. Mabuti naman. Pero, bakit clingy pa din siya?
Hinawakan ko pa yung noo niya para i-check kung wala na talagang lagnat.


“I'm okay and by the way, let me introduce you to my cousin.”


Humarap na kami pareho kay Ate na kanina pa pala nakatingin sa amin. Mag pinsan pala sila.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon