CHAPTER 10 - Evil Plan

36.8K 904 79
                                    

 

Santillan


“Ms. Santillan, no running in the hallway!” sigaw sa akin ni Professor Robles nang napadaan ako sa classroom kung saan siya nag tuturo ngayon. Muntik ko pa tuloy malaglag yung dambuhala na encyclopedia na hiniram ko sa library kahapon. Next time nga yung maninipis na lang yung hihiramin ko. Lalo akong hindi tatangkad sa bigat nito eh.


“Sorry po, Sir.” Inayos ko pa yung pag kakahawak ko sa encyclopedia at mag lalakad na sana paalis ng muli siyang nag salita. Lumabas na din siya ng pinto para tuluyang painitin ang ulo ko este para kausapin ako.


“Oo nga pala. I forgot to tell you something Ms. Santillan.” Ano ba naman oh. Wrong timing talaga ni Sir.



“Ano po yun Sir?” Huwag ka ng mag patumpik-tumpik pa Sir at sabihin mo na yan. Baka abutan na ako ni Blandina na mag tatatlong araw ko ng pilit iniiwasan. Ang galing pa naman ng radar ng babaeng un. Alam na alam niya kung saan ako aabangan. At isa pa, nawawalan na ng circulation ng dugo yung braso ko sa bigat nitong librong dala ko.


“I consulted the scholarship office yesterday and I found out na very impressive ang mga grades mo. Wala naman magiging problema kaya I took the liberty to register you and a couple of other students to the upcoming Annual Regionwide Mathematics Olympiad sa UP Diliman. It will be held in two months time."

 

Very impressive daw.  Natuwa naman ako sa narinig ko.  Isang compliment mula kay Sir Robles. That means a lot. Dahil kuripot yan si Sir pag dating sa pagpuri sa mga estudyante niya.


Pero teka lang! 

Mathematics Olympiad?


UP Diliman?



Hindi niya man lang muna ako tinanong kung gusto kong sumali eh. Sa totoo lang, ayoko. Gusto ko nalang mag focus sa studies ko at dahil may part-time job pa ako, sigurado hindi ko na maasikaso yun. Naranasan ko na ang isali sa mga ganyan nung nasa high school pa ako. Takaw oras siya dahil madaming preparation before the actual event.


“Sir, bakit ako po ang isasali? First palang po ako eh." Usually kasi at ang alam ko exempted ang mga freshmen sa mga ganyang event. Hindi ko naman din kasi pinangarap na maging isang mathlete at sumali sa mga competitions.


“Why not? You’re one of my best. Actually, even better than some of your upperclassmen. Don’t worry. I included two of your classmates, Mark Anthony and Jessica para may kasama ka. You will compete as a team and kayo ang representative ng block ng mga First year."


Mga kaklase ko ata yung dalawa na yun sa Math 11. Parehas magaling. Pero as a team? Ewan ko lang kung mag work. Sana wala silang attitude katulad ng mga students na na-encounter ko dito. Si Klang lang at Greg ang ka-close ko dito sa school eh.


“Kaya lang po kasi--" Tututol pa sana ako kasi ayoko talaga. Baka mahirapan na ako mag budget ng time.


QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon