CHAPTER 13 - When Life Is Playing Tricks With You

34.1K 876 95
                                    



Santillan




'Forward mo naman number nung kambal at ni Franz sa akintext ko kay Clarence.


Binilhan na kasi ako ni Tatay ng cellphone. Six thousand din mahigit inabot nun dahil pinalagyan pa namin ng tempered glass para hindi magasgas agad ang screen. Todo tanggi talaga ako nung una pero, hindi din ako nanalo kay Tatay. May  dual camera daw ito na 13 MP front at 16 MP sa rear na hindi naman ako interesado. Hindi ko din naman alam kung para saan at anong epekto ng chipset nito na MediaTek helio P23. Sa battery lang ako na convinced. 6000 mAh daw ito kaya hindi madali ma low-bat. 


Katatapos lang ng last subject ko ngayon. Hindi na ako sumabay kay Klang dahil dadaan pa ako ng Scholar's Office. Meet and greet ata sa itu-tutor ko. Wala na daw problema kaya pwede na akong mag-simula agad. Pero syempre, ininform ko sila regarding sa nalalapit Olympiad kaya every MWF lang ang mga araw na pwede ako mag tutor. Kailangan ko din kasi mag practice para hindi naman ako maging kahihiyan ng school. Naiintindihan naman daw nila. 3 hours lang din per session so may time pa ako gumawa ng homeworks sa bahay.  Sana lang hindi mahirap turuan yung i-tutor ko. Naka monitor kasi yung office sa magiging progress nung student. Para siguro malaman din nila kung effective ba yung tuturo.  



'K. May humihingi pala ng number mo. Batchmates natin nung high school. Pwede ibigay?' Reply pa ni Clarence. 



'sige bahala ka.' reply ko naman sa kanya. Itinabi ko na sa bulsa ko yung cellphone ko. Masaya ako habang iniisip na mas makakatulong na ako kay Tatay sa kikitain ko sa pag tuturo. Di hamak na mas malaki yun kumpara sa sweldo ko sa fast food na wala pang minimum.



Paliko na ako at malapit na sana sa Scholar's Office ng marinig ko pa na may sumisigaw.



"Look here, old man. I'm the daughter of your boss and I'm telling you that I don't need assistance from ANYBODY!!" sigaw pa nito na punong puno ng galit. Medyo pamilyar pa nga sa akin yung boses.


Lumakad na ako palapit. Actually, gusto ko sana na bumalik nalang mamaya kapag tapos na itong eksenang nagaganap ngayon sa labas ng office pero dahil kailangan kong makausap yung head at yung i-tutor ko, wala na akong choice kung hindi tumuloy.


"It's your father's decision, Ms. Lorenzo. I'm just following orders." sagot naman ni... Sir Romualdez? Siya pala yung sinisigawan ni.. Blandina? Hala! Sabi ko na kaya pamilyar yung boses eh. Kahit naman hindi niya na ako ginagambala eh, tanda ko at hindi ko makakalimutan ang boses ng anak ni Lucifer.


Uh oh. Kailangan ko na mag walk out ng hindi nila mapapansin.  Mahirap na, baka ako pa mapag-diskitahan ni Blandina. Baka mag bago pa isip at guluhin na naman ang buhay ko. Umuusok na yung ilong niya sa galit eh.


Kaya ayun, maingat na akong tumalikod at lumakad na palayo. 


"There you are,  Ms. Santillan. Brilliant timing!"



Ayun.. Huli. Paalis na eh.



Wala na akong nagawa kung hindi bumalik sa kanila.. Nakita ko si Sir na nakangiti habang yung isang creature naman sa tabi niya eh parang gusto na ata akong pag lamayan sa sama ng pag kakatingin sa akin.



"Sir, balik na lang po ako mamaya mukhang nakakaistorbo po ako eh." 





"Buti alam mo.  Now, shoo. Begone." sabi pa ni Blandina. Adik talaga eh. Pinandilatan ko siya ng mga mata. 





QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon