CHAPTER 14 - The Game Of Cat And Mouse

31.5K 826 49
                                    


Lorenzo




"Is she gone?" tanong ko kay Bethany habang nakatago pa din sa likod ng pinto ng classroom. Pathetic.



"Yes, she's gone na. You can come out na." she answered. I stood still and gave it a minute or two. Baka bigla bumalik eh. I made sure na wala na talaga siya bago ako lumabas. Dumiretso ako sa tabi ni Stephanie na may problema ata sa akin.



"Got something to say?" I hissed. Kanina pa siya nakangiti eh. I know she's mocking me. "Actually, you know what? Just zip it. I'm not interested."


Kung pwede nga manahimik nalang siya hanggang makauwi ako ng bahay. Sisirain niya nanaman ang araw ko.


"Why are you hiding from her? You're so weird."


I glared at Steph pero hindi ko na siya sinagot. Tinatamad ako mag explain. Nag concentrate nalang ako sa pag babasa ng book na matagal ng nirecommend sa akin ni Fiel. She even let me borrow her own copy so I can finally try it. Minutes later, I still can't get into it. Bukod sa hindi ako mahilig sa sci-fi na genre, something is still bugging me.

So, I tried doodling instead. Wala pang isang minuto, naibato ko na yung notebook ko.


"What the hell?"


Napatingin sa akin yung dalawa.




"Shut it." I said sabay irap sa kanila.



I sighed.


Nakakainis talaga! 


Hindi ko matanggap at never ko matatanggap na itu-tutor ako ng kutong-lupa na 'yon. I don't need her! What's even worse is that, the idea came from my own father. My own father! O diba, sobra nakakababa ng sarili. I know I've been giving my best when it comes to my studies. Ayoko may marinig sa family ko, especially kay Dad. Ayoko maging problema nila. I want them to be proud of me. Hindi naman ako nag papabaya eh. It's just that, I hate Math and it hates me even more. But, I can still try even harder naman. Bakit kailangan tutor agad ang solusyon ni Dad. Naiinis ako. Parang ang tanga tanga ko kasi. Parang ang hina hina ko. Tapos si Santillan pa napili niya. Ang dami naman scholar na pwede niya i-hire. Ang dami naman diyan iba, si kutong-lupa pa talaga.


"Care to share? You'll feel better, I promise."


I glared at Steph. I highly doubt that. Nothing will make me feel better.



"Kaya nga. What's bothering you ba, Rhei? What happened? Is something wrong ba?"


I think it's the concern on Bethany's voice and definitely not the insistence of Steph that made me think twice about sharing my problem with them. Nakakahiya man, naikwento ko na din ang mga nangyari.


"Why can't you just let her tutor you then? I heard she's smart. I bet she'll do wonder to your disastrous grades." Si Steph at ang kapal ng mukha niya! Hindi ko mapigilan tumirik ang mga mata ko sa sinabi niya.


"Wow, look who's talking. Hiyang hiya naman ako sa mga grades mo ha. Nangongopya ka nga lang sa mga homeworks ko eh."



Bwisit na 'to! Maka disastrous talaga eh akala mo naman pang dean's lister yung grades niya. Ang kapal!



Anyway, almost a week ko na tinataguan si Santillan. Ayaw niya din kasi tumigil, ayaw akong tantanan. Ako na ngayon ang pilit na umiiwas sa kaniya. Ilang beses ko na sinabi na hinding-hindi ako magpapa tutor, hindi makaintindi ang kutong lupa na yun.


QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon