CHAPTER 43 - Valentine's Day [2/4]

32K 1K 288
                                    



Santillan






"Kuys, kanta ka na. Keri lang kahit sintonado. Sanay na kami."  bulong ko kay Kuya na taga IT na kasalukuyan nag ha-hyperventilate. Dahil sa kaba? Siguro. Sa kahihiyan? Malamang. "Sige na. Para matapos na din tayo. Mukhang naiinis na yung crush mo eh." dagdag ko pa sabay nguso dun sa crush niya nga na hindi naman kami pinapansin. 


Nasa kalagitnaan ako ngayon ng 13th harana request. Yup, naka labing-dalawa na po kami. Alas-nuwebe pa kami ng umaga nag-start, pasado alas-tres na ngayon. Kamusta naman ang vocal cords ng mga kasama kong scholar diba? Buti nalang may taga-sub.


Nangangawit na nga yung mga daliri ko eh. Tsss. Buti nalang may taga-su--- ay wala pala akong taga-sub. Yung dalawa kasing scholar na marunong mag-gitara maliban sa akin, DRAWING! Hindi sumipot. Nakipag-date na ata. Buti nalang talaga inaral ko din yung ibang song na naka-assign sa kanila. Kainis pa nga. Naiwala ko pa yung kaisa-isang guitar pick ko sa bahay.





"Bakit kasi ako? Kaya nga nagpalista ako diyan sa event niyo eh para hindi ako yung kakanta. Wala akong talent diyan. Ikaw nalang, sige na." sabi pa ni Kuya at may patapik-tapik pa sa balikat ko. 




Todo luhod at emote na si Kuya na nag-request kanina eh, with matching flowers at chocolates pa nga. Kung bakit nakaluhod pa? Hindi ko na alam. Tapos nakangiti siya at namumungay ang mga mata habang nakatitig dun sa babae na hinaharana. Eh biglang naubo si scholar at napaos, ayun basag si Kuya. Ilang request nalang at patapos na sana, tsaka pa kami nag kalat.




Oh, meron pa. Nasabi ko na din ba na walang no choice at ako yung pinipilit ni Kuya na mag take two nung kanta para mairaos lang yung nabasag niyang trip?


Oo, ako nga. Ako na daw. Kahit na dapat lalaki yung kakanta, ako na daw.  Eh paano naman kasi biglang nag-layasan yung mga co-scholar ko pabalik sa Scholar's Office. Kaniya-kaniya silang sibat at iniwan ako bigla sa ere. Iniwan kasama si Kuya na parang gusto ng lumubog sa kahihiyan habang nasa harap nitong babaeng pinapaharana niya. Hindi na talaga ako magtataka kung after this, mag request siya ng refund. Sablay naman kasi kami. 



Speaking of babaeng pinapaharana, si Ms. Psychology mukhang pikang-pika na sa amin. Konting-konti nalang mukhang mag walk-out na eh. Kaya bago niya pa magawa iyon, sinenyasan ko na si Kuya. Inumpisahan ko ng mag-gitara para hindi na siya makatanggi. "Go, Kuya, kaya mo yan!" bulong ko pa. 






Pero pag dating na pag dating doon sa part na start na yung intro




biglang nag Go nga si Kuya. 






As in go nga!







Tumakbo palayo. Nag back out. Hala! 








Sa sobrang pagmamadali niya pa nga, nabunggo niya pa yung mga upuan. Hindi niya na rin naibigay yung flowers at chocolate na dapat sana eh iaabot niya mamaya after ng kanta. Tsk, tsk, sayang. 




"Sorry ah. Kinabahan lang." sabi ko nalang kay ateng Psychology sabay labas ng classroom. Oh well. At least isang request nalang at makakakain na ako. 







...







Pagkatapos kong dumaan saglit sa Scholar's Office para kunin yung bouquet ng bulaklak na ibibigay sa next na haharanahin, dumiretso na ako sa building ng Business Administration. According pa doon sa nag request na hindi naman nagpakilala, sa lounge daw sa second floor yung venue. 




QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon