CHAPTER 6 - Backfired

36.4K 1K 116
                                    




Santillan










"Kainis talaga 'tong P.E. Uwian nalang, papagurin pa ako."






Simula kindergarten pa lang ata hanggang ngayon na nasa College na ako, hate na hate ko pa din ang subject na Physical Education. Tuwing may schedule nga kami diyan, awtomatikong tinatamad na akong pumasok. Noong nasa highschool naman ako, sinasadya ko laging magpa late para lang makaiwas. Mas gugustuhin ko pa nga na matambakan ng mga homeworks at projects kaysa umattend ng P.E. class. Kadalasan pa, hindi ko nagiging kasundo yung mga nagiging teacher ko kaya lalo ko lang iniiwasan ang subject na yan.






Ayaw kong tumakbo, mag jogging, mag sprint, tumalon, at maglaro ng halos lahat na ata ng sports na nakakapagod. Kung hindi nga lang talaga kasama sa curriculum, malamang hindi ko na pasukan yan.






Tulad ngayon. Pinatakbo takbo na naman kami ni Prof. Pasco. As usual, lagi na naman ako nahuhuli. Nag uumpisa pa lang, pawis na pawis na agad ako. Kapag nasosobrahan pa nga, nag pa-palpitate at chest pain ako dahil sa pagod. Dito ako napag iiwanan ng mga classmates ko. Sana pala ginaya ko nalang si Klang na excused dahil may period kuno. May hang over lang naman talaga. Nag dahilan nalang din sana ako.






"Yo, Santillan. Change ka na. Hintayin kita sa labas." pabirong sabi ni Klang na syempre fresh na fresh pa din dahil nakatambay lang naman siya sa bleachers kanina, pakuya-kuyakoy at nang aasar. Habang ako, mukhang kahapon na dahil sa pagod. Ang haggard ko. Ang baho ko na. Basang basa yung suot kong t-shirt dahil sa pawis.






Sumenyas lamang ako sa kaniya at nag madaling dumiretso sa lockers. Mangilan ngilan na lang ang mga students sa gym. Kinausap pa kasi ako ni Prof. regarding sa performance ko nga sa subject niya kaya natagalan pa ako. Kung alam ko lang na baka magka problema pa ako sa P.E., hindi nalang sana ako humingi ng clearance sa Cardiologist na fit for physical activities na ako.






Dumiretso na ako ng banyo at pumasok sa isang stall para makaligo na.







If you want to

I can save you

I can take you away from here

So lonely inside

So busy out there

And all you wanted

was somebody who cares..

 






Nasa kalagitnaan ako ng pambu-bulabog at pag shampoo ng buhok ng maramdaman ko na may pumasok ng banyo. Bumukas kasi ang pinto at may mga yabag akong narinig. Natahimik ako bigla baka kasi maumay siya sa boses ko. Nakiramdam pa ako saglit at ipinag patuloy na ang paliligo.




Ilang minuto pa ay natapos na din ako
Kinuha ko na yung tuwalya ko at itinapis sa aking katawan. Palabas na sana kaya lang, hindi ko pa mahanap yung salamin ko.






Sinubukan ko ulit.



Kapa sa kanan.


Wala.


Kapa sa kaliwa.




Wala pa rin.







Chineck ko yung pampalit kong damit baka naipit lang doon pero wala din talaga.






QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon