CHAPTER 52 - Turning Point

47.6K 1.2K 738
                                    



Dalawampung minuto na ang nakakalipas simula ng matapos ang huling tawag sa cellphone ni Chase. Abala na siya ngayon sa paglilinis sa sahig na sumalo sa krimen ni Andrea. Habang yung isa naman na ‘yon, ayun knockout na. Tulog na sa isa sa mga kwarto sa ikalawang palapag ng bahay.

Inom kasi ng inom, hindi naman kaya. Ismid ni Chase habang nilalampaso ang de-tiles na sahig. Buti nalang talaga binilhan siya ng ilang pirasong damit ni Bethany kanina. Kahit medyo maluwag, okay na rin kesa walang pamalit.

“We're sorry talaga, Chase ha. Napagalitan ka pa tuloy. Dapat kasi we told you our plan eh.” with matching puppy eyes pero sincere na paghingi ng tawad ni Bethany habang inililigpit ang lamesa na may pinag inumang mga baso at bote ng alak.
Tinapik niya ang braso ni Stephanie na prenteng prente na nakaupo lamang sa sofa habang umiinom pa din. Hindi siya nito kaagad na gets kaya sinamaan niya na din ito ng tingin.


“Yeah, Chase. We're.. uhh, really sorry.”

Damang-dama ni Bethany ang sincerity sa boses ni Steph. Sobra. Ini-snob niya nga ito.

“Okay lang yun. Kasalanan ko din naman. Nakalimutan ko magtext kanina. Nag alala lang talaga sila.”

Halos isang oras din kasi siyang pinagalitan sa tawag ng Tatay niya kanina. Nakaka guilty nga kasi ayaw na ayaw niya talaga na pinag aalala ito. Lalo pa at hindi yun maganda sa kalusugan ng kaniyang ama. Idagdag mo pa ang inabot niya din na sermon sa bestfriend niyang si Clarence. Dinaig pa yung Nanay niya eh. Dinaig pa yung Nanay niyang MIA. Hindi na nga natapos yung pag uusap nila. Binabaan na siya nito ng tawag at ayaw na ulit makipag usap. Nabwisit na ata talaga.

"No, it's our fault. I'll call your father nalang, you want? Ako na mag apologize. I'll explain.”

Tatanggi pa sana si Chase kaya lang hindi niya na ginawa. Mapilit din naman si Bethany at talagang gusto nitong makabawi kaya ibinigay niya nalang ang cellphone number ng Tatay niya dito.


“Great. Give mo na din yung sa bestfriend mo, so Stephie can call her too.”

Tumaas ang kilay ni Stephanie sa narinig. The hell, do I really have to? Naisip niya habang tumatagay. She’s getting tipsy at gusto niya na din magpahinga.


“Or would you rather call her father ba? I'm okay with that too. Dali na kasi. We'll explain lang naman eh. It's the least we can do for Chase."


Stephanie knew she doesn't have a choice kaya pumayag nalang siya sa gusto ni Beth. Naramdaman naman ni Chase na medyo nag aalangan ito sa pagkuha ng number ng kaniyang kaibigan kaya nagsalita na siya.


“Okay lang, Steph. Hindi mo na kailangan tawagan si Clarence. Ako na bahala. Baka hindi ka rin niya kasi kausapin eh. Mainit ulo nun ngayon.”


Oh really? Eh di huwag na natin tawagan ng makatulog na ako is what Stephanie wanted to say but she remained silent. Iba kasi yung tingin sa kaniya ni Bethany na nasense ata na may balak pa siya mag back out.

“Nuh, it's okay. I'll call her tomorrow kung hindi niya man ako kausapin ngayon.”

Whatever, Clarence. Hindi ako mag a-adjust sa mood mo. Steph mentally added after downing the last shot of brandy na pinag tiyagaan nilang inumin ni Andrea kanina. She smirked when she remembered what happened earlier. Person you like, huh. Aamin ka din pala eh.

After Bethany and Chase left, dumiretso na din siya sa kwarto niya. She's sleepy but she wanted to freshen up first. A half bath. Yeah, that would be great.









QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon