CHAPTER 3 - The Clash Pt. 2

42K 1.1K 194
                                    


Santillan





After namin mag lunch, bumalik na lamang ako sa library at doon nalang nag hintay para sa susunod na subject. Samantalang si Klang naman ay lumabas ng school para pumunta ng banko. May pinapa asikaso daw sa kaniya ang Daddy niya. Dumiretso na lang daw ako sa classroom at doon na lang kami magkita.




Habang nag hihintay ng time ay nagawa kong tapusin ang mga homeworks ko sa ibang subject. Nakapag back read at advance reading na din ako para sa subject na Business Communication mamayang ala-una ng hapon.





Maya maya pa ay napansin kong quarter to one na. Napag pasiyahan kong umalis na ng library dahil malayo pa ang lalakarin ko pabalik sa building ng mga Accountancy. Baka ma-late pa ako.




Palabas na sana ako ng bigla pa akong tumama ang katawan ko sa kung saan.





"Aray!"




Sa gulat ko ay hindi ko agad napansin kung sino ang bumangga sa akin. Kung bakit naman kasi dito sa back door pumasok eh para sa exit ito. May label naman ang pintuan sa labas. Hindi nag babasa!




Pag angat ng mukha ko para tingnan kung sino ang nasa harap ko ay bigla nalang ako napatigil.






Kilala ko 'to.





Nasa itsura niya din yung shock sa collision namin. Ang noo ko sa bandang balikat niya samantalang ang noo niya naman ay tumama sa hangin. Saglit pa at ang mga mata niya ay naningkit na.




Namukhaan niya na siguro ako. May halong something na yung tingin niya. I'm guessing, fury? O sige, galit nalang. Ang dami ko pang arte.




Nakangiti din siya pero hindi yung klase ng ngiti na binibigay mo kapag natutuwa ka. Yung pag kakangiti niya ay talaga namang may balak na atang masama sa akin. May mga goons siyang kasama sa likod niya. Dalawang babae. Nakaharang siguro sa pintuan para hindi ako makalabas. Tatakbo na sana ako pabalik sa pinaka loob ng library nung hilahin niya ang dalawa kong braso.





Lagot na!





Hindi na ako nakapalag. Hindi rin makasigaw dahil tinakpan ang bibig ko nung isang girl na may highlight na pula yung buhok. Yung isa naman na brown yung hair, tinutulak yung likod ko habang si blandina, hinahatak ako sa kung saan man nila ako dadalhin. Tapos na ang break time kaya naman mangilan ngilan na lamang ang mga estudyante na nakakakita sa amin. Yung iba na napansin kami ay wala naman pakialam.




Dinala nila ako sa isang bakanteng classroom. Tinulak ako ni blandina sa isang corner. Medyo humampas pa nga ang likod ko sa pader dahil sa lakas niya. Matapos mayanig ang katawan ko sa impact ay nilagay pa ni Blandina ang mag kabilang braso niya sa pagitan ng mga balikat ko.





Nag babasa ka ba ng manga?






Yung tipo ng manga na may "notice me senpai" na heroine? Tapos nung napansin na siya ni Senpai, may nag selos? Ang masama laging may kasunod na confrontation. Yung kinorner na si heroine ganun na ganun ang sitwasyon ko ngayon.





Sinenyasan niya yung dalawa niyang alalay este kaibigan siguro na lumabas ng classroom. Para niyang sinabi na 'this one's mine..' Medyo pwedeng iba yung meaning pero sa sitwasyon ko ngayon iisa lang ang ibig sabihin niyan. 'Lumabas na muna kayo, ako na sasapok dito.'






"So.. we meet again, Chase. I mean.. Kutong lupa. Alam mo ba na ilang araw na kita hinahanap?" Ngingiti-ngiti siya. Parang predator na gusto ng dambahan yung prey niya pero kailangan may opening speech muna para mas maangas. At kung paano niya nalaman ang pangalan ko, hindi ko na alam. Ano ba yan. Uso pa din pala sa College ang ganitong eksena.






QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon