CHAPTER 29 - Late Night Phone Call

33.8K 945 113
                                    



Santillan

 

 

Christmas vacation na! Siyempre, alam kung ano ibig sabihin niyan. Wala ng pasok! Kahit na isang katutak ang pabaong homework ng mga Professor namin, at least dalawang linggo ko din hindi kailangan gumising ng maaga para pumunta ng school.

Favorite ko talaga ang Christmas season. Ang lamig ng hangin. Ang sarap matulog. Walang pasok. Simbang gabi. Puto-bumbong. Christmas lights. Ang sarap! Tapos parang ang saya saya lagi ng mga tao. Iba talaga yung aura pag malapit na ang pasko eh. Ang gaan sa pakiramdam.




At siyempre, huwag din kalimutan




ang personal favorite ng mga kabataan




Ang isa sa mga pinaka-usong raket





at pinaka-legal na pangingikil ngayong mag papasko






ang PANGANGAROLING!






“Umayos ka ha. One.. two .. three.. Go, Te!” Si Clarence na may hawak na lata ng gatas na inarbor pa namin sa batang kapitbahay nila Franz. Samantala, ang instrument naman namin ni Rizza eh itong maingay na pinitpit na tansan ng mga soft drinks. Courtesy pa yan ng barkada ng kapatid kong si Maicy. Itinakas muna namin.


Mag aala-sais na ng gabi nang napag-tripan naming maki-join sa mga bata sa pangangaroling. Dapat mag-jamming lang ang grupo eh pero dahil boring, kaya ayun naki-epal na din kami. Nakikiuso lang. Medyo badtrip tuloy yung mga bagets na kasabay namin. May kakumpetensya sila sa mga barya.




“Cynthia ang jijibigin kez. Ikels ba na shungarap kez, o lolo mong numa-knock knock sa juso kez, Ohh, Anez bang ikekembo--ARAY POTA!” palahaw pa ni Franz matapos siyang bigwasan ni Rizza. Baliw talaga. “Ene vehh? Sabi niyo naman kumanta eh.”





“Oo nga. Pero yung christmas song kasi kantahin mo.” sagot ko pa. Baka mainis lang yung makakarinig ng kanta niya eh.





“Eh di sorry. Lilinawin niyo. Malay ko naman pamaskong kanta pala ang bet niyo, davahh?” palusot niya pa.





“Ewan sayo. Ang lakas maka KZ Tandingan, wala naman lovelife. Feelingera." banat pa ni Rizza.





“Ayan ang akala mo, Teresita. May love life ako ngayon. Getchicola mo, Te? MAY LOVE LIFE AKEZ! Mainggit ka! Hahahaha.” Napalakas pa yung pag kakasabi niya kaya pinag tinginan tuloy kami. Proud na proud.





“Sus? Sino naman ha? Sino? Sino?” Rizza. Kung makatanong naman. Atat lang masyado?




“Si Fafa Greg! Look nga oh..” sabay pakita sa conversation nilang dalawa sa text. Kung maka love life naman eh kinamusta lang naman siya nung tao. Assumera. Feelingera. Echosera.



Opo, si Gregory yan. Love at first sight na naman kasi ang peg nitong si Franz. Sabi na nga ba. Yung mga tinginan niya palang dun sa tao nung Olympiad eh. Ako yung nag-bigay nang number pero siyempre tinanong ko muna si Greg kung okay lang. Dahil very friendly naman siya, pumayag kaya ayan akala mo nanalo sa lotto kung maka asta itong si Franz.




“Kinakati ang mga dahon ng malunggay sa kalandian mo. Parang nag greet lang yung tao tapos how are you. Lovelife na yun? Paka assuming. Pwe!” sabi pa ni Rizza na … naiinis?




“Assumera ka pala eh.” sabi pa ni Clarence at nag duet pa sila ng tawa ni Nic na kanina pa pangisi ngisi sa kakambal niya. Aba teka. Ba’t ganun? Bakit parang may something na hindi ko maarok kung ano.




QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon