CHAPTER 19 - Late Night Rendezvous

37.8K 1K 154
                                    





“C’mon, hurry up. Isa nalang.” Si Andrea. May hawak na kutsara habang nasa tapat ng isang mangkok na may lamang sopas na nag aanyong lugaw dahil sa sobrang labsak ng macaroni na ginamit. Buti nalang at wala ang Yaya niya ngayon. Baka inasar na naman siya nito dahil sa palpak niyang luto.

“May lagnat lang ako. Hindi naman ako paralisado. Kaya ko na, Andy. Ako na.” sagot naman ni Chase na halata na hindi sanay sa inaasal niya ngayon. Pinipilit niyang agawin ang kutsara pero ayaw pa din nito ibigay.

“Ako na. Huwag ka na nga maarte, pasalamat ka nag e-effort pa ako na asikasuhin ka."

Buti nalang at wala siyang panlasa ngayon. Bukod kasi sa malata ang sopas, mukhang hindi din ito masarap. Ganun pa man, na appreciate pa din ni Chase ang malasakit na ipanapakita sa kaniya ngayon ni Andrea.

"Ayoko na, busog na talaga ako. Baka maisuka ko lang kung pipilitin ko pa."

Inirapan pa siya ni Andrea ng sabihin niya yun. Kinuha na nito ang mangkok at ibinalik sa kusina. Maya maya din ay bumalik ito na dalang isang basong tubig at tablet na gamot.

“Oh, inumin mo nalang ito.”

Nang matapos na si Chase sa pag-inom ng kanyang gamot at ng padabog na nailigpit ni Andrea ang lamesa, nag-yaya na itong umakyat sa kwarto niya.

“Let’s go upstairs. I need to shower. Para makapag-pahinga ka na din.” yaya pa ni Andrea kay Chase. Quarter to eleven na din kasi ng gabi at dahil nga sa may-sakit ito, siguradong gusto niya ng matulog. Hindi na din siya nag effort na hanapin ang susi ng guestroom nila sa second floor. Doon sa kwarto niya nalang si Chase patutulugin. Hindi din naman kasi fit na patulugan yung ibang rooms dahil pinapalinis niya lang naman yun sa Yaya niya kapag pauwi ang parents at ang kapatid niyang si Andrei galing ng San Francisco at napaka dalang lang naman naman noon. In short, wala naman siyang choice ngayon. Hindi niya naman maatim na pabayaan ito sa sofa mag pahinga.

“Una ka na. Maghuhugas muna ako ng plato.” Siyempre, nakikain na nga siya eh. Tapos, makikitulog pa. Nakakahiya naman sa Yaya ni Andrea kung may dadatnan pa itong trabaho pag uwi.

“Just leave it. Yaya will take care of that when she comes back. Let’s go.”


Hindi na nakatanggi pa si Chase ng hatakin na siya nito paakyat sa itaas.

 

“You’re wearing jeans, let me get you something comfortable to change into. Upo ka muna diyan. Wait lang.”

Dumiretso na si Andrea sa closet niya para maghanap ng damit na ipapahiram niya kay Chase. Wala pa nga siya mahanap nung una, karamihan kasi ay hindi naman sakto ang size. Buti nalang ay nakita niya ang isang grey cotton sweatpants at ito nalang ang ipinahiram.

Hindi naman makapaniwala si Chase sa nakikita niya ngayon. Hindi siya sanay na mabait sa kaniya si Andrea. Kung iisipin naman kasi, ang layo na ng ugali nito compare sa mga una nilang pagkikita.


"What? Why are you staring at me?"
Hindi niya na namalayan na nakatitig na pala siya dito. Bigla nalang din siya nag iwas ng tingin ng mapansin siya ni Andrea.


"Ah, wala. May lagnat ka din ba? Sobrang bait mo ngayon eh. Hindi na naman ako sanay."

Inikutan lang siya ng mga mata nito.


"Shut up. Wala ba ako karapatang maging mabait? I was just.." she sighed, unable to continue. She actually just felt the need to be nice to her for once lalo na ngayon na may sakit ito. Yun lang naman or maybe may kinalaman pa rin ito sa bullying na dinanas nito sa kanya dati at Gusto niyang makabawi. That has to be it.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon