CHAPTER 36 - Lesbi-Honest

42.7K 979 208
                                    



Santillan


In my so far, seventeen years of existence at kung katamaran lang din naman ang paiiralin, masasabi ko na isa sa pinakamahirap na parte ng pagiging isang estudyante ay yung pilitin mo ang sarili mo na pumasok right after ng isang mahabang bakasyon.

Ang babaw man kung iisipin pero, TOTOO NAMAN. Kahit mag-survey pa kayo ng mga students. Kahit gaano pa kasipag 'yang mga yan. Yung pag-aadjust ng internal clock? Naku, isang malaking pasakit.

Yung nasanay ka na tanghali ang gising tapos biglang kailangan gumising na naman ng maaga? Torture! Yung pilitin mong bumangon at mahiwalay sa kama, unan at kumot mo? Ang sakit!

Yung maligo sa madaling-araw sa kasagsagan ng malamig na panahon? Ang hirap!

Yung pilitin mong—okay, okay. Ang dami kong reklamo sa buhay. Huwag na nga. Tinatamad lang talaga ako pumasok.


Ang sakit ng ulo ko ngayon. Na-late na nga ako ng gising pero parang kulang pa din yung tulog ko. Hindi na nga ako nakapag almusal para lang makahabol sa first subject. Pero, mukhang malabo na ata yun. Bukod kasi sa ilang minuto din na-stuck sa traffic itong sinasakyan kong jeep eh, mukhang sadyang sinasabotahe ni Manong driver ang balik eskwela ko ngayong January. Ngayon niya pa talaga naisipan magpa-gas. Ang lupet! Parang nananadya eh.

‘Male-late ka na ba, Ne? O sige, papa gas muna tayo.’


Nung sa tingin ko ay nakapag pa full tank na si Manong driver dahil sa tagal sa gasolinahan, sa wakas, natuloy na din ang byahe. Tiningnan ko yung oras sa suot kong relo. Fifteen minutes before 8 o’clock. Kaya pa. Tiwala lang.


Pero, maya maya lang din ay tuluyan na bumagsak yung pag-asa ko. Another traffic na naman. Tsk! Bago pa ako maubusan ng pasensiya eh bumaba na ako. Tatakbuhin ko na lang. Hindi naman na ganun kalayo. Bahala na mapagod.

Ilang minuto pa, nasa Main Accountancy building na ako. Ilang akyat at hingal, 3rd floor na. Ang dami ko ng pagod. Pero bawing-bawi naman yun dahil pag dating ko ng classroom, gusto ko pa magtatalon sa tuwa dahil wala pa si Prof. at mangilan-ngilan palang yung mga kaklase ko. I’m sure naranasan niyo na din yung sayang hatid ng malaman niyo na mas late pa sa inyo yung Professor niyo. Ang sarap ng feeling!

Papasok na sana ako ng pinto ng classroom ng may tumawag pa sa akin. Napalingon ako bigla. Si Greg pala yun at ang lapad ng pagkaka ngiti. Grabeng dimples yan. Hindi ko tuloy mapigilang bumungisngis din sa kaniya. Nakakahawa naman kasi talaga yung pagiging masayahin niya. Hanggang mata at abot tenga kung ngumiti.


“Good morning, Chase. Happy New Year!” bati niya pa sa akin pagkalapit niya.


“Hi, Greg. Happy New Year din. Kamusta?”


“Okay lang. Ikaw? Kararating mo lang? Mukhang pagod na pagod ka ata.”




“Oo. Ang traffic eh. Tinakbo ko na nga lang yung main gate. Akala ko kasi late na ako.” Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ng pantalon. Pinunasan ko yung pawis ko. Ang aga-aga mukhang amoy mabaho na ako.


“Dapat nag-text ka. Sinundo sana kita. Hindi ka na sana napagod.” sabi niya pa. Ang bait lang talaga nitong taong 'to.


“Baliw, nakakahiya naman yun. Malapit lang din naman eh. Haggard na ba ako?” Itinuturo ko yung mukha ko habang nag-hihintay ng sagot niya. Pero imbis na magsalita eh dumukot din siya ng panyo at tsaka masuyong pinunasan yung noo ko.

“Hindi. M-maganda ka pa rin.” sagot niya pa sabay iwas ng tingin. Bakit ang weird niya ata ngayon?

“Wow. Ang agang pambobola niyan ha. Bakit ka pala nandito sa building namin? Ikaw ha. May pinupormahan ka siguro dito, no?” tudyo ko pa sa kaniya. Ang layo kaya ng building ng mga Engineering dito sa Accountancy. Imposible naman na nagpaka pagod pa siyang dumayo para lang batiin ako, no.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon