CHAPTER 31 - Santillan Household

34.9K 979 118
                                    



Santillan

 

“Sabi na sayo Ma'am Chase eh, hindi pa din tapos si Ma'am Andrea.” sabi sa akin ni Kuya guard sabay turo kay Andrea na isang siglo na ata ang nakalipas eh, nag sha-shopping pa rin hanggang ngayon.




Andito kami ngayon sa isang malaking mall. Dumaan kami dito dahil kailangan pa nga daw mamili ni Andrea. Akala ko nung una mga pang-regalo sa mga inaanak niya, pero mukhang hindi naman. Mga damit niya ata yung binibili niya eh. Panay kasi ang sukat sa fitting room. Kanina pa kaming tanghali dito ah. Alas-kwatro na! Ang tagal.

 

 

 

“Grabe. Teka nga Kuya, lalapitan ko na. Baka abutin pa tayo ng Chinese New Year dito eh.”




“Balentayms muna, Ma'am Chase.” sagot naman ni Kuya. Buti nga chill lang siya eh kahit namumuti na yung mga mata namin kahihintay. Sabi ko nga Kuya. Balentayms nga. Nginitian ko lang siya bilang tugon, ayaw ko naman kasing tumawa at baka ma offend.



Kagagaling lang kasi namin ni Kuya sa food court. Halos mabutas na kasi yung mga sikmura namin sa kahihintay kay Andrea na matapos mamili. Akala ko pagbalik namin, okay na siya at pwede na kami umalis, pero hindi pa rin pala. Natapos lang siya dun sa isang clothing store pero lumipat naman dun sa katabi nito. Bakit ba ang tagal mamili ng mga babae?

 

 

Nasa kalagitnaan siya ng pamimili ng damit pang itaas nung lapitan ko.





“Andy, hindi ka na ba matatapos? Countdown na mamaya oh.” pang-aasar ko pa. Ang tagal naman niya kasi talaga. Aabutin na kami ng siyam siyam dito. Ang dami pa naman tao ngayon. Tsk tsk. Mga pasaway kasi at kung kailan last minute na eh tsaka palang namimili. Buti pa ako solve na. Nakabili na ako ng pang-regalo. Naibigay ko na nga yung kay Tatay at kay Maicy eh. Yung kay Andrea naman gawa na din. Siya kasi yung nabunot ko sa exchanged gift namin.



“Countdown ka diyan. Wait lang. I'm almost done. Tulungan mo nalang ako pumili. Should I get this one or that one besides the lilac top?” sabay turo dun sa damit na tinutukoy niya. Tinitigan ko yung mga items. Pinaningkitan ko pa para masuri ng maayos. Pero, dahil wala naman akong kahilig hilig sa pamimili ng mga damit at hindi ko alam ang mga uso eh, parang parehas lang naman sila sa paningin ko. Nagkaiba lang sila sa kulay.




“Hindi ko alam. Ikaw na pumili.”






“Gusto ko nga yung choice mo eh. Ano? The sea green one or etong coral?”




“Ano bang tawag diyan sa damit na yan?” pag iiba ko nalang ng topic dahil hindi ko nga alam kung alin ang pipiliin.




“It’s a romper and don’t change the topic. Just pick one and we’re done. We’ll move on. Bibili na tayo ng books ni Fiel.” Tsk. Bakit kasi ako pa eh.



“Both? Eh kasi, kahit naman ano bagay sayo Andy. Pero, mas cute siguro yung sea green. Stand out yung blonde mong buhok diyan.” sabi ko sabay tingin sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin pero saglit lang at parang nag pipigil pa ng ngiti.




Anong meron?





“Really?” maya-maya’y tanong niya.





“Oo, mas cute yung sea green.”





“No, I mean yung sinabi mong kahit ano bagay sakin?” Ah, yun pala.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon