ALPHA - Teaser

208 27 7
                                    

This novel is work of fiction. Names, attributes, settings, events and incidents are all the products of author's imagination and used in fictitious manner.

This work is not proficiently edited so expect errors regards on spelling and grammar.

-

Sa pamamagitan ng Genetic Engineering, binigyan ang bawat kabataan ng kakaibang uri ng genes na nagbigay sa kanila ng espesyal na kakayanan; tinatawag itong Alpha genes. Kaakibat nito ang mutation na nagdulot ng pagbaba ng bilang ng sangkatauhan. Nagtago ang tao sa ilalim ng lupa upang magtago rin sa mga dalaw na nilalang mula sa ibang planeta na siyang nagbigay rason kung bakit mabilisang inilunsad ang bagong genes.

Ang bawat karakter mula sa istoryang ito ay bibigyang hustisya ang kanilang gampanin sa nakaambang kinabukasan ng sangkatauhan kasama ang pag-ibig, karunungan at hustisya. Sasama ka ba sa kanilang paglalakbay laban para sa sarili, kaibigan, at pamilya?

TEASER:

Naabutan nalang ng Director na walang laman ang tren. Ginamit niya ang kaniyang kamay upang tanglawan ang nasa loob pero wala itong naabutan ni isa doon. Hinawakan niya ang tren pagkatapos, lumabas sa kaniyang vision kung saan papunta/pumunta ang mga taong laman ng tren.

Tinunton niya ang riles at nakita rin ang mga salitang nakapintura sa pader na kinatatanglawan ng kahel na ilaw.

"UNDERGROUND GARDEN HALF KM. AWAY." He passes the way.

And from the rail on front of the Underground Garden Station, he levitates himself to the marble flooring. He saw those dirt trails left on the white marble tiles entering the garden.

Mula sa anino ng mga puno at madilim na parte ng hardin nagsitago ang mga kabataang laman ng tren. Rinig nila ang matinding paghinga ng mga kasama nila.

Pagod, init at kaba ang bumabalot sa kanila. Maya't maya lang narinig na nila ang yabag at ingay ng Director.

"Kung hindi kayo lalabas, ako mismo ang maghahanap sa inyo isa-isa at pagsisisihan ninyong pinagtaguan ninyo pa ako. Bibilang ako hanggang tatlo nasa inyo
ang desisyon," pananakot nito.

"Isa....."

"Dalawa ....."

"Tatlo."

Walang lumabas, kaya't naglabas ng matinding ingay ang Director. Isang uri ng sound waves na nagpapasakit ng tenga ng karamihan. Mala kuliglig ang ingay na parang pumipilit pumasok sa pinakadulo ng kanilang tenga na sirain ang pandinig nila.

Mula sa malayo, bumato si Raven ng bato papunta sa kinatatapakan ng Director.

Kinaway ni Raven ang kaniyang mga kamay na umiilaw gamit ang kaniyang abilidad upang i-distract ang Director.

Ginamitan ito ng Director ng kaniya ring abilidad, isang pwersang maghihila kay Raven para lumapit sa kinaroroonan ng Director, pero biglang nawala si Raven sa dilim.

Maya't maya, bumalik muli ang ang figure ni Raven na inaasar ang Director. It was just an illusion made by his friend, Miguel. Ilusyon ito na nilalaro ang mga mata ng Director kung kaya't hindi tumatalab dito ang paghatak ng Director gamit ang abilidad nito.

Hindi naman alam ng Director na ilusyon lang pala ito kung kaya't siya na ang lumipad papunta sa kinaroroonan nito. Hinabol ng Director ang ilusyon papunta sa dilim na iyon na tanging ang liwanag lang nito ang kaniyang pokus.

Ilang saglit lang, narinig ng Director ang salitang, "Pull!." Ani ng General Commander sa troops nito kung kaya't hinatak nila ang baging na nagpapatid sa Director.

"FIRE!"

The other men fires their E-bullets to the Director that could shock him.

"Hindi pa ba kayo sawa diyan sa mga baril na iyan? Mga hangal, hindi ako tinatablan nyan!" Napatawa ang Director pero hindi pa pala rito nagtatapos ang sorpresa.

ALPHAWhere stories live. Discover now