Chapter 45: Place to Place

4 2 0
                                    

PRESENT

Jwyneth’s POV

Agad namin nireport ang nalaman namin ni Nurse Joy sa maaaring makasagot sa pinangyarihan ng problema. Nasa Medical Wards na rin ang tatlong tao na nakita namin sa CR at nasa maayos na silang kondisyon. Wala naman silang sugat o ano, masakit lang raw ang ulo at katawan nila dahil sa tagal nilang naroon sa CR na yun, so umalis na ako at babalik sa mga kaibigan ko.

Nagpaalam naman ako kay Nurse Joy. Mabait siya kung kakausapin at kung may iindahin man akong sakit, puntahan ko lang raw siya. Mag-ingat daw ako dahil hindi biro ang pagdaraanan naming mga exercise at test. Nakakapawis kaya ‘yon? Shet ayoko pa naman masyadong nakaka-exhausted na mga gawain.

Nang pababa ako ng hagdan ay naabutan kong magkasama sina Angel Jhan at Aljohn na nag-uusap.

Napangiti nalang ako, tinugunan naman ako ng dalawa na nakangiti rin. Pag-untugin ko tong naghaharutan na to. ‘Di naman po ako sa bitter, inggit lang Char!

Pagkatapos ilang oras ay muli kaming pinatawag sa lobby. Expected na maraming estudyante at grupo-grupo na aakyat sa 7th floor. Kahit na magkahiwalay ang dalawang sex orientation – babae sa babae, at lalaki sa lalaki, hindi ito masusunod kung sa isang destination lang ang punta. Tiyak maggu-grupo muli ang mga dating magkakakilala at magkakakaklase.

Dumako ang tingin ko kina Harvey, Shayne, BJ na nakikipagdakdakan kila Dave, Trynyty at sino itong isang babae. ‘Di ko siya kilala a.

“Soi…” tawag ko. (Frienship Endearment term namin)
“…balita? Mukhang aliw na aliw  kayo ah” Ika ko.

“Si Dave tignan mo nangingitim kapag kinikilig…” LT. Natawa ako dun. Diba namumula ang pisngi kapag nagba-blush. Ang dugyot naman kung nangingitim. Hahaha

“Luh bakit? Nakita mo lang akong parating Dave, kinikilig ka na naman sa ganda ko?” banat ko pampatuwa lalo.

“Guys, masusuka ulit yata ako. Ano ulit narinig ko? Ang kapal mo Jwyneth.” Depensa naman ni Dave. Natawa sa reaksyon niya. Akala mo kung sinong hindi makapal
ang mukha e siya nga nagkalat naka-fling niya ako na hindi naman totoo. Sapakin ko ito e.

Pigil naman napatawa ang babae na kinakikiligan nitong lalaking nangingitim kapag kinikilig.

“MJ pala name n’ya Jwyneth, ang babaeng pinusuan ni Dave.” kumpas kamay ni Shayne para ipakilala ito.

“Witwit awiiiiiit!” ‘di mahiyang pagtotono ni BJ.

“Mali Soi. Wetwet aweeeeet!” bastos na bunganga naman ni Harvey.

‘Tong mga ‘to talaga kapag nagsama-sama parang mga ewan sa kabaliwan.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nilibot kami sa bawat facilities na meron ang intitusyon na ito.

Kasama na roon ang kwarto kung saan malawak na naka-organisa ang mga libro – Ang pook aklatan o Library. Sana ganito nalang lagi. Ang daming libro. Alam mo yung tipong pagpasok mo palang, amoy na amoy ang mababangong libro kaya ka gaganahan na pumunta lalo dito. Hayss.

Pagkatapos noon ay sumakabilang kwarto naman kami. Ang Simulator na kayang mag-operate ng sandamakmak na 3D-5D holographic objects na makikita at mararamdaman mo sa loob. Sinampolan pa nga kami at ang environment ay isang beach. Ang sarap magrelax kung ganito lang sana lagi. Panonoorin mo lang ang mapayapang sunset habang nanonood sa foldable bed na walang stress things na iniisip. Okay back to reality tayo.

Umakyat muli kami papuntang 8th floor na kung saan matatagpuan ang Gymnasium. Pabilog ang istraktura nito na pinalalamutian ng peach, orange and red dye or color. Habang ang ilaw naman ay naka-emboss sa ceiling na ang kulay ay pinkish white. Dito yata kami mag-eexercise. Bet ko ‘to. Sana may yoga session din.

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon