Chapter 36: The Wards

8 2 0
                                    

AWAKENED OF ALL YOUTH FROM THE MIND EXPERIMENT

Jwyneth's POV

Mabibigat at mabibilis na paghinga ang pinakawalan ko nang napabangon ako sa kama.

Dama ko ang puso ko na nangangarera sa sobrang bilis, nanlalamig ang katawan ko. Parang may kulang. May mali akong nararamdaman. May parang tumutusok sa puso ko na sa sobrang kirot, parang may kung sinong nawala.

Panaginip man pero parang totoong-totoo. May luha pang kumawala sa mga mata ko pero normal naman siguro ito diba?

Unti-unti kong na-recognize ang paligid ko. Hindi ito ang kwarto ko. At ano ang mga bagay na naka-konekta sa katawan ko? Maging sa ulo ko? Napansin ko naman ang isang tag na papel na may imprenta ng Surname ko at Initial ng First Name ko na nakadikit sa ulunan ng kama ko. At lalo akong naguluhan sa mga nakikita ko.

Sa paligid ko ay may ''di mabilang din na mga estudyante. May kilala ako sa kanila, maging kilala rin ang mga mukha at pangalan. Pero bakit pare-parehas kaming nakasuot ng puting robe na nakapatong sa mga uniporme namin.

Maging ang lahat ng kasangkapan at kagamitan ay puti rin. Nasa ospital kaya kami?

I exhale in relief, buti hindi hinubad ang mga damit namin.

They woke up too, ang mga ka-schoolmates ko. May iba pang kinusot ang mga mata at saka humikab. May mga nag-unat din na parang ang sarap-sarap ng tulog nila.

Mapapa-Sanaol ka nalang. Naninibago rin kaya sila? O sadyang laging Feel at Home
lang ang lagi nilang nararamdaman.

May nagbukas ng pintuan malayo sa kamang kinauupuan ko. Iniluwa ng pintuang iyon si Ma'am Raghel na ibang-iba ang postura at pananamit. Mean Girl na yata peg nito habang ang isang braso niya ay nakapamewang. She looks cool on that way. Tumingin siya sa gawi ko at automatic na ngumiti ang labi ko, kaso parang mga malalamig at walang pagkilala na mga mata ang tumingin sa akin. Nag-curve pa ang mga labi nito na parang alam na alam ko ang tunog, "tch."

Sumunod naman na pumasok si Sr. Vincent na iba rin ang aura na parang something coldness. Feeling ko nireregla na naman 'to. Ang problema ang angas ng dating, walang pitik ang buhok niya. Shet lalaki ka na Sr.?

Parehas silang humarap sa aming lahat habang kami, mga nakaupo sa puting kama. Ang lamig naman sa kwartong toh.

"It is safe for all of you to stay here under the jurisdiction of this Institution. This is will be your new home, with your school colleagues. However, we would take care all your needs provided by the Government and the Institution. We would not entertain any questions here and other forms of emotional disturbances. All of you are teens so I expect you can handle your emotion than a
pathetic kid. Is that clear?" Ani Ms Raghel.

Mangiyak-ngiyak na ko. Wala na 'kong iniisip kundi ang mga magagandang alaala ng pamilya ko, hindi ko na sila makikita pa. Yung inisan ng mga kapatid ko. Ang masasarap na luto ng mama ko. At ang mga daddy joke ng Papa ko. Miss ko na sila. Gusto ko nang umuwi pero paano? Di na kami pwedeng umuwi dahil wala na raw kaming maabutan pang pamilya. Nanglulumo ako, parang lahat ng enerhiya ay nawala dahil sa narinig ko.

Pagkatapos nun, may napasigaw na babae 'di gaano kalayuan sa akin. Agad na may pumasok na mga naka lab high protective suit. Mga apat silang pumunta sa lugar malapit sa pinangyarihan ng sigaw.

'Di ko naman makita ang nangyayari dahil nagkukumpulan na ang mga estudyante banda doon. Mabilis kumilos ang apat na taong nasa likod ng lab high protective suit. Tinutulak lang ng dalawa at hinahatak naman ng dalawa ang kamang kinahihigaan ng isang lalaki.

Maraming nagulantang sa kanilang nakita na bakas sa mukha nila.

Samantalang ako, nahihiwagaan. Ang chismis kasi it was a odd figure of a man na nakahiga sa
kamang iyon. OA naman nung babae, nakakita lang ganun sumigaw na?

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon