Chapter 61: AI Battle Category (Part 2)

4 2 0
                                    

Alex don't pray for his battle. Confident siya na kaya niya dahil aside sa malusog siya kahit puro hangin ang katawan, basta may muscle ayos na. Hindi niya gaano
pinakakikiramdaman ang paligid niya. Nilalaro lang niya ang armas niya. He has Sabre-sword, a single edge sword with sharp pointed end.

Winawasiwas niya ito na parang nilalabanan ang hangin. Pinagpapraktisan dahil mabilis na atake ang meron ito. The more thin the equipment is, the more speed it hits.

Gamit ito, marami siyang nasirang wooden dummies kaya pabalik-balik lang sa pagbili ng dummies ang working points niya.

May kumaluskos bandang sampung metro ang layo. Natuwa si Alex dahil siya mismo ang unang aatake kung magkataon.

Dahan-dahan siyang lumapit roon habang kagat-kagat nito ang ibabang parte ng kaniyang labi. Ang singkit nitong mata lalo pa niyang pinasingkit.

He didn't make any sound as he sneaks toward it. Naririnig niya na rin ang lagaslas ng tubig. Mukhang may ilog na malapit kung nasaan siya.

Nang makalapit sa pinangyarihan ng kaluskos, biglang lumipad ang mga ito sa gawi niya na kinagulat niya kaya ito napaatras.

"Put*ngin* mga ibon 'yan ang haharot... " napikon siya ng mga iyon dahil nasasayang ang oras niya.

Nang paglingon, lalo pa siyang nagulat nang humarap siya sa kaniyang likuran na kampanteng-kampante, sinalag siya ng malaking buwaya.

Tumilampon siya, dumusdos,
at gumulong hanggang malalag ito sa ilog.

Nagpintig ng mabilis ang puso niya. "Fuck, fuck, fuck," ani nito nang makaahon sa tubig.

Adrenaline rush engaged in his body. He rushed to look for his sword and found it on the river side. Pilit niyang nilabanan ang hampas ng agos pero matindi ang current nito.

Lumaki ang bilog ng kaniyang mata na gumagapang na padausdos ang malaking buwaya.

"What the fuck?" lumangoy na siya palayo sa pampang ng ilog. It was stupid enough pero he knows kung mabilis ang current ng ilog mas bibilis ang paglayo niya sa buwaya.

Tactic number 3, if you have an advantage on speed, sure you have chance to win. Pero instead na pumunta sa lupa dahil doon meron siyang pag-asang mabuhay, hindi niya ito ginawa. And he made the river as way to leave as it was the world of river monster.

Lumangoy siya ng freestyle dahil ito lamang ang pag-asa niyang makatakas. Siya dapat ang mangsu-surprise attack pero siya mismo ang na-surprise ng buwaya.

Itinigil niya ang paglangoy at nagpalutang sa agos para lingunin ang pampang kung saan gumagapang ang buwaya pabalik sa ilog. Naging mabilis rin ang paggalaw nito kaya dinerecho na ni Alex ang paglangoy dito.

Nang makaramdam ng pagod nagpalutang-lutang siya muli. Kumuha muna siya ng hangin, pinabigat ang sarili at tinignan niya ang ilalim ng tubig at nakita niya mula roon na mabilis lumalangoy ang buwaya papunta sa kanya.

Wala siyang planong pakamatay sa ganitong sitwasyon kailangan niyang umisip ng paraan. Lalo pang nagpakaba sa kaniya ang siyang dulo ng ilog na kaniyang nilalanguyan.

"T*nginang round to oh." Napag-isip isip niya. Talagang ikekwento niya ang karanasan niyang ito once na mabuhay siya mula sa panga ng halimaw ng ilog na iyon.

May nakita siyang kaunting pag-asa pero maliit lang ang chansang maabot niya ito.

Sa dulo ng ilog na iyon ang bangin sa baba nito, may mga kahoy na baging na nakalambitin dito. Kung magagawa niyang talunin ito makakaligtas siya sa bangin at
sa buwaya. Pero may tsansang mapatid ito na sana hindi naman mangyari.

ALPHAWhere stories live. Discover now