Chapter 16: The Vanity Code

13 7 0
                                    

Dave’s POV

"UTZ GXT GY LEIGGS, OY NGX RGFZ, NGX'SS WT RTQD.”

“GET OUT OF SCHOOL, IF YOU WON'T, YOU’LL BE DEAD.”

“Wala na talagang igaganda itong sulat ko, ipagmamalaki ko sana kay Trynyty na nade-code kona ang message. Ka-bad trip!”

An hour ago, sa wakas! Dahil na-decode ko na ang message na nakalagay sa papel na kamukha ng mga letrang iginuhit ng laser sa room namin.

It’s a Vanity Code or can be
called The Keyboard Code na nakabase sa letters ng Keyboard.

Ang ‘Q’ ang siyang simula ng ‘A,’ ‘W’ naman ay ‘B’ at so on. Nai-decode ko nga pero wala na ring sense dahil sarado na ang gate.

Hinanap ko si Trynyty upang sabihin ang message nang biglang may sumabog banda sa guard house. Masyadong malakas. Nakakabingi.

Napayuko ako dahil doon. Sa bandang malaking butas na iyon, may umalingawngaw na isang tinig ng halimaw.

Nangisay ang ilan sa mga estudyante dahil halimaw sa mga nakakagat dito. I don’t know how can I help them because as a concern student of this school, you have to do something. Pero pandemic yata ang nangyayari, is it zombie apocalypse?

Punyeta!

Nagsisitakbuhan na ang mga estudyante papunta sa chapel dahil doon lamang may ilaw. Naglaho na rin ang holographic text na nanggagaling sa flag pole.

Naka-tabig ako ng ilang tumatakbo dahil hanggang ngayon hindi pa nagpa-process sa utak ko ang nangyayari. Nang dahil doon nagkaroon ng domino effect sa pagitan ko at nung nangingisay na lalaki. Nang napa-upo ako sa sahig, yung lalaki ay sumusuka ng itim na likido. Nagmadali ako para makatayo’t makatakbo.

Nagpalingon-lingon parin ako sa paligid, nagbabakasakaling makita si Trynyty.

A few meter away from that guy, napansin kong patakbo papunta sa direksyon ko sila Gelo at Harvey. Tatawagin ko na sana sila pero, natalisod na sila. May humawak sa kamay ko sa likod ko at nakita ko na kung sino ang hinahanap ko.

Hinatak niya ako papunta sa liwanag ng ilaw at tuluyan ko nang naaninag ang kaniyang mukha.

“Trynyty!”

Nagkakagulo na halos ilang segundo na ang nakalilipas at wala parin akong ideya sa nangyayari. Bakit nagkakaganito dito? Ano na naman paandar ng Hawkson?
Nakakasawa. Hinila ako ni Trynyty dito sa loob ng chapel. Nasa kalagitnaan kami at halos ma-soffacate ako. Jusko huwag ngayon, baka atakihin ako ng sakit ko.

Gusto ko malaman ang nangyayari. Tinanong ko si Trynyty sa mga bagay na 'di ko naiintindihan. Pinaliwanag niya sa akin ang mga bagay na nangyayari sa kasalukuyan. Sari-saring negative thoughts na ang naiisip ko na posibleng mangyari sa nanay at kapatid ko, sana safe sila.

Ipit na rin kami ditong dalawa. Hindi kami makakalabas dito hangga’t may mga halimaw na nagbibigay ng takot sa karamihan na gumagawa ng ligalig dito sa loob. Wala kaming matatakasan.
Sumakit ang ulo ko, kasabay nun ang paghilab ng dibdib ko.

Nahihirapan akong huminga. Nadako ang tingin ko sa likuran, sa bandang likod ng chapel na kung saan nakasabit at nakalagay ang mga poon.

Namamalik mata ba ako? Si Harvey un a! Pero paano? Paano
siya napunta dun samantalang kanina naroon siya sa labas?

Ilang sandali pa ay nagkakagulo na ang mga nasa harapan, at may tili ng kababaihan kaming narinig. Sinubukan kong tumingkayad upang malaman. May dalawang babae na pwersang hinahatak ng mga kakaibang nilanglang na halos ngayon ko lang nakita.

“What the F*ck?” bulyaw ko. “Ano yun Ty?” Tanong ko kay Trynyty.

“I don’t know Dave, if I know I would tell you.” tuon naman niya.
Napamura nalang ako sa isip-isip ko. Yung mga lalaki na nasa harapan, mga duwag.

ALPHAWhere stories live. Discover now