Chapter 38: The Comfort Rooms

6 2 0
                                    

Jwyneth’s POV

Lumipas ang isang araw na nakasurvive kami malayo sa aming mga pamilya. Hindi ko itatanggi na natuyo na ang mga luha sa aking unan nang unang araw at gabi na hindi ko sila nakakausap o marahil nakakakwentuhan.

Open kami sa isa’t isa kaya masaya ang nagiging takbo ng pamumuhay namin. Basta masaya ako dahil naging pamilya ko sila at
ipinagkaloob sila sa akin ng Maykapal. Kuntento na ko basta kasama ko sila sa araw-araw.

Pero ngayon, ‘di ko na alam kung makakaya ko pa. Alam kong kakayanin ko. Alam ko ang kapasidad ko. Gagawin ko ang lahat para makasama ko muli sila at muli kaming mabuo.

Nami-miss ko si Ate ko. Siya lagi kasi kaharutan ko at nagiging takbuhan ko kapag minsan napapaiyak ako dahil sa mga sitwasyon, diko na kaya pero ine-encourage niya akong kayanin.

Ngayon, kulang nalang kausapin ko yung unan ko. Siguro ilang oras din ako ng gabing iyon na tahimik na umiiyak.

Solo ko lang ang kwarto kaya free to cry aloud, if gustuhin ko man. Malaki ang kwarto para sa katulad ko. Marahil na ganito rin ang kwarto ng iba.

Ang bawat isa ay may sariling kwarto para maging komportable. Pero sa katulad ko, mas gusto ko na may kakwentuhan bago matulog. Yung kakamustahin buong araw
mo tapos tatawa kayo dahil sa may epic fail kayong topic o ‘di kaya mga deep talks na pati advise mo hihingin.

Kahapon in-inform sa amin na bawal gumamit ng cellphone at any device na connected sa labas ng Institusyon dahil baka ma-track daw kami ng mga kalaban. Pero
bago ipatapon ang mga kaniya-kaniyang device. Sa bawat kwarto namin ay may mga
personal na device kaming naabutan at doon pinaback-up ang mga personal data na meron kami sa mga cellphone namin.

Napag usapan namin ngayon umaga tuloy ni Shayne yung device dahil napakasensitive nito. Nang hawakan namin ang device na ito. Nag-automatic itong nagbukas. Binasa ang bawat finger print at naglabas ito ng form na kailangan fill-up-an for personal usage. It was a device with high technology lenses sa middle top ng
mismong device.

Nag-ilaw ito at lumabas ang form into holographic form. I tried to connected it to my phone via Bluetooth at hinintay ko ng kay tagal-tagal hanggang sa matapos ito hanggang 100%. Ayun kinabukasan na ko nagising ng makita kong tapos na ito.

Tawang-tawa naman si Shayne sa ekspresyon ng mukha ko. Ganun raw talaga kapag Bluetooth, saksakan ng tagal. Kaya nga suggested at mostly ay ginagamit ang Sharetoit dahil mas mabilis ito.

Paano ba naman wala kasing USB port yung device kaya hanggang Bluetooth lang tuloy. Nakachika ko rin sina Danny (Danica), Angel Jhan at marami pang girls sa
hallway na humahanap ng makakausap. Nakakabaliw kasi kung magkukulong lang sa
kwarto. So syempre during dark days na hindi mo kasama pamilya mo, you have to make a circle of friend at makipag-bonding sa iba pang new housemates. Lakas maka PBB a.

Nagsalita si Kuya via telecom speaker. Charr. Kinarir ang PBB.
Nag-greet pa ito sa amin. Good morning raw.

Tapos pinagpo-proceed kami sa CR
at doon maliligo ang bawat isa. Eh may personal na CR naman bakit dapat pa kaming maligo doon?
Kumuha na ko ng damit ko. Wait damit? Meron ba ko nun? Hanggang ngayon kasi uniform at parang patient suit lang sa ospital ang suot-suot ko magdamag.

Pumasok ako sa kwarto ko hinanap ang nasabing drawer kung saan nakalagay ang mga damit. Syete ganto talaga? Puro puting v-neck na dimanggas na damit at loose
na panjama. Seryoso kuya ‘di ka nagbibiro?

Kawawa naman yung mga fashonista kong kaklase dahil plain white lang ang susuotin nila. Mukha tuloy kaming mga nasa mental. May isa pa kong napansin. Walang bintana ang kwarto. Sabi rin ng iba na wala rin ang kanila. Confirmed! we are all in the
Mental Hospital.

Nangangapa pa ako syempre directive akong tao. Kung ano ang sabihin sa akin, ‘yon ang gagawin ko. So ayun dala-dala ko yung damit ko hanggang makapunta sa CR.

Dalawang magkahiwalay na malawak na comfort room ang meron dito. Magkaharap ito at sa bawat pintuan ay may mga logo ng lalaki at babae.

Naabutan ko si Angelo na hindi pumapasok sa loob. “Kung ako sa’yo dun nalang ako maliligo sa sarili kong kwarto.” Ika nito.

Napahagikgik naman ako sa sinabi niya. Bessie ko talaga naman.
Nagpaalam na siya at maliligo nalang raw siya sa kwarto niya. Hindi n’ya raw kakayanin yung sistema.

“Teka wala namang sabon sa loob,” pagpipigil ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at binulungan ako. “Favor naman Bessie, kuha ka nga sabon sa loob ng banyo niyo.”

“Shocks…mangdedekwat pa ako ng sabon? Baka pambabae yun, meron ding variation yung sabon ng lalaki at babae. Sige ka, aasarin ka ng ibang lalaking na maaamoy ka.” Pananakot ko sa kaniya.

“Okay na ‘yun at least refresh, ayaw mo nun parehas tayong amoy dalagang Filipina.”

“Sira ka talaga, osya intay.” Sabi ko habang tumatawa sa biro niya.
Nagulat nga ako sa set-up sa loob ng CR ng babae. May mga babaeng napatingin sa akin nang pumasok ako. May mga locker at drawer sa bungad ng pintuan na ilang row
din at column. Naka-organisa lahat dahil alphabetically ang locker kung kaya’t mabilis kong nalaman kung saan parte ang sa akin.

Binuksan ko ang locker ko na mabilis na ma-open. May dalawang towel sa loob, pair of soap, bottle of shampoo, at saka toothbrush and toothpaste. Walang pang skin care? Nagdemand pa e.

Nasa pinakadulo ang pinaka-bathing area na kung saan blurred glass barrier lang ang mismong divider ng bawat cubicle. Shower naman ang nasa loob at sabitan ng towel sa labas ng cubicle door.

Kinuha ko na ang kakailanganin ko. Kinuha ko ang parehas  ng sabon at sinet-up ang panibagong code sa mismong locker ko.

Naabutan ko si Angelo na nag-intay talaga ang loko para sa sabon.

“Oh, hayan dahil sa’yo, isang sabon ang kailangan kong tipidin. Hmp, Bakit ‘di mo nalang kasi kunin yung sabon mo sa loob ng CR niyo?”

Paliwanag naman niya na kakanchawan siya sa loob kaya hindi na siya nagtangkang pumasok. I am wondered, paano naman kaya set-up ng bathing area ng boys?

May pool kaya sila sa loob tapos shet lahat sila…o ‘di naman kaya walang mga divider at cubicle at open na open ang pagsha-shower nila. Nakakatawa talaga ‘tong si
Bessie.

Nagpaalam na siya sa akin at mahaba-habang hiluran raw ang gagawin niya.

-

Sinuot ng bawat isa sa amin ang damit na puti. Swear para tuloy kaming mga galing sa Mental Hospital. Nang nakalabas na ko sa CR ay inabutan namin ang mga
nagtatawanang lalaki. Nag-aasaran at may pinagkakatuwaan yata ang mga loko na ‘to.

Lalo na ‘tong Aljohn na ‘to kala mo kung sinong makapal ang mukhang inaasar pa ang
Bessie kong si Angel Jhan.

Kamusta na kaya si Angelo? Tapos na kaya yun?

Matapos ang lahat ay pinatnubayan kami ng boses mula sa speaker kung saan na kami tutungo. Gamitin namin raw ang hagdan sa pinakadulo ng hallway at saka umakyat sa susunod na floor at doon raw sisimulan ang tour namin sa lahat ng facilities sa loob ng Institusyon na ito.

Nagugutom na ko, ‘di ba muna ‘yon ang susunod na gagawin after gumising, maligo at magsipilyo?

Sabagay iba-iba tayo ng routine.

ALPHAWhere stories live. Discover now