Chapter 73: Into the End

20 2 0
                                    

Naabutan ng magkakaibigan ang 10th floor na nakaposisyon na ang mga armadong lalaki sa bungad ng estasyon. Depensado Ang mga ito ng mga kalasag at bala abang-abang ang mapanganib na tinutukoy ng system.

Dumaan ang mga magkakaibigan sa pagitan ng mga armadong lalaki at saka pinapasok sa loob ng tren. Sila na ang last batch ng populasyon ng mga kabataan. 4 na tren ang napuno na nauna na at panglima sila. Kakaibang sasakyan naman ang sinakyan ng mga opisyales na nauna kanina simulang pumutok ang malaking balita na may pambihirang lakas ang Director na siyang nakawala sa quarantine area.

Nagkakasiksikan sa loob ng tren dahil sa ligalig na pagpuno rito. Paandar na sana ang tren na iyon nang biglang mamatay ang supply ng kuryente na nagpapagana dito. Bumukas ang generator pero hindi ito sapat para patakbuhin ang tren.

Lumabas si Zeus at sumunod ang kaibigan nito. Bago pa sila makalabas ay pinigilan ni Angel Ann si Zeus. Niyakap nang mahigpit ni Angel Ann si Zeus sa pagkakataong iyon.

Nagsalita si Zeus at nagsabing, "babalik ako, tutulungan ko lang dagdagan ang kuryente."

"Huwag, hindi pwede, delikado." Taliwas na tugon ni Angel Ann.

"Please skatty, hindi aandar ito at hindi tayo makakalayo sa Director. Tayo Ang gusto noon, ikaw...malaki na ang galit sa'yo ng matandang iyon. Maghihiganti iyon sa iyo. Kung nasa kaniya na nga at nagtagumpay siya sa plano niya, maaaring tanggalin niya ng tuluyang ang memorya mo, natin...at hindi ko hahayaang mangyari iyon."

Matapos marinig ni Angel Ann ang lahat ng iyon, saka niya muling niyakap si Zeus. Pinakawalan na niya ito palabas ng tren at sinundan ng tingin ang kaniyang irog.

Tinunton ng magkaibigan ang power source ng generator na nasa gilid lamang ng pader pero hinarang sila ng limang nakatatanda. Sila Ms. Clarisse, Ms. Nikka, Ms. Raghel, Sr. Daryl, at Sr. Vincent.

Pinayagan sila pagkaraan dahil may abilidad itong dalawa na makapag-regenerate ng bolta-boltaheng kuryente, na ang goal lamang nila ay ma-trigger ang power source sa pamamagitan ng kuryente nila.

Patay-sindi ang ilaw at tahimik na rin sa labas at iniintay nalang ang pagdating ng Director. Pumosisyon ang dalawa sa harap ng power switch na connected sa power
source.

Nasira na ang power source na Geothermal energy ang ginagamit. Kapag na-trigger nila ang power switch na nangangailangan ng mataas na poryento ng boltahe para mag-clutch sa kabilang conductor, ko-connect naman ito sa Solar energy option na may mahabang-mahabang cable na konektado sa mga naglalakihang solar panels sa itaas.

Dumating na ang Director at pinaulanan ito sa iba't ibang bahagi ng katawan gamit ang electric gun na hawak ng mga armadong lalaki.

Hindi ito tinablan.

Immune ang Director sa kuryente. Gumamit ng ibang bala ang mga armadong lalaki.

Tranquillizers.

Sabay-sabay nilang pinaputok ito papunta sa Director ngunit tila ba sawi na naman sila sa paggamit, nagpalutang lang ang lahat ng ito sa ere gamit ang abilidad nito.
Matapos, bumagsak lamang ito sa lapag na walang tinatamaan.

"Switch to ammo!" sigaw ng General Commander, nang paputukin ito, naglabas lang ng 'di makitang barrier ang Director at doon tumama ang mga bala.

"Wala na bang iba?" Tanong ng Director habang tinatawanan nito ang mga armadong lalaki na walang magawa kundi panoorin lang na walang magawa ang mga
bala nila.

"Zeus! Nathan! Agaton! Pumasok na kayo sa loob ng tren." Maawtoridad na ani ni Sr. Daryl. Ako na ang magpapatuloy diyan. Bilis na!"

Electricity rin ang ability ni Sr. Daryl at triple ng lakas ng dalawa ang meron siya.

ALPHAWhere stories live. Discover now