Chapter 8: The Text

24 11 0
                                    

Mahigit alas-dose na ng katanghalian ngayon at nakababa na ang karamihan mula sa taas ng New Bulding and Old Building.

Nagkakagulo na ang karamihan. Ang mga mainitin ang ulo ay sinisipa ang haligi na parang sinasaktan lang nila ang kanilang sarili.

Ang ibang lalaki naman ay nagtutulungang magpatong-patong para makaakyat sa haligi na tatlong metro lamang ang taas. Pumaraan ang mga STEM 12-A na sina BJ, Nehm at Raven sa pag-akyat sa haligi. Sinubukan ni BJ at Nehm na sila na lamang ang nasa baba bagkus sila naman ang malaki ang katawan kaysa kay Raven na patpatin.

Umakyat si Raven sa pagitan ng tuhod ng dalawa, at derecho balikat. Sinubukan nitong tanawin ang nasa labas. Kapit na kapit siya sa dulo ng haligi. Kahit nakakangawit sa leeg ang pagtanaw sa labas upang manghingi sana ng tulong. Ngunit kahit isang tao wala s'yang nakita at tanging mga abandonadong sasakyan nalang ang naroon.

Raven tried to extend his arm to reach the other corner of the wall.
Sa 'di kalayuan nakatanaw si Kenneth sa tatlo kung paano ang magiging estratehiya nito upang makalabas ng barrier.

He constantly rolled his eyes from his environment. He frowned silently seeing the rays of sun bend to the glass of the invisible barrier.

He immediately addressed Raven na huwag hahawakan.

"STOP' sigaw ni Eralyn kay Raven dahil nakasalamin din si Era at napansin ang invisible field sa anggulo ng posisyon niyang iyon.

Pero nahawakan na ni Raven ang repulsive field na hindi visible sa kaniyang mata.

"Taaaaray, kailangan English? Magpapahinto lang. pwede namang hinto o tigil, bakit kailangan English pa girl?" sabi ng kaibigan n'yang si Margarette na
matawa-tawa sa naging reaksyon ni Eralyn.

Nabasa ng lahat ang nasa holographic screen na nasa taas ng flag pole.

"Good afternoon everyone. Thiss letter is guiade por eaech of Yhou to knoaw vwhere tha safe plance is. Decoude this mnessaged oen the scrreen emit by the flagg poler abouve. Thne protocol is unger implementation by governmens of the naation. Please be sakfe aend use yourt ability if you haveh controle. Thosce whho aian't fpound yet their'se, find ways to fight. Glood Luck."

"PAKINGSHET! Ano raw? Natapos na ngang lumindol at aftershock ikukulong niyo parin kami dito sa lintek na school na to with coded paragraph pa?" Angal ng isa.

Hanggang ngayon naguguluhan parin si Angel Ann sa lahat ng nangyayari. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ito sa kanila.

ALPHAWhere stories live. Discover now