Chapter 49: Awake

4 2 0
                                    

Angel Jhan’s POV

Magugustuhan niya kaya itong bulaklak na ibibigay ko sa kaniya kapag nagising siya?

Puti kasi, mukha namang patay ang pagbibigyan ko nito. Pero mas maganda kasi ang puti na kulay hindi masakit sa mata at hindi maitatangging walang manchang makukuha kung hawakan man ang talulot nito.

Pero sa usapang lalaki, imposibleng hawakan naman nila ‘yon. Jusko kamao lang nila
ang gusto nilang hawakan para patunugin ang mga buto. At kasunod noon? Sapakan na.

Wala kasi akong maibigay na kahit ano, at least man lang sa bulaklak ay matuwa siya. Sana nga.

Ayon sa Biopsy ay pumasok sa katawan ni Aljohn ang na-inject na chemical mula sa wrist device na nagpapatulog kung sakaling pwersahan itong inaalis. Sa kaso
niya, nag-malfunction ang wrist device dahil sa temperature at pressure na nilalabas ng katawan niya.

Medyo nasunog ang ibang parte ng iron wrist device at kagagawan ito ng ability niya.

Siguro na-triggered si Aljohn nang sa harap niya mismo namatay ang kaibigan niya. Napuno siguro siya kaya hindi na siya nakapagpigil pa at gustong-gusto na niyang
lumaban. Pero dahil sa pag-malfunction ay nagrelease ng sleeping chemical ang device
at napasok ito sa katawan niya kaya siya nakatulog.

Pero ibang usapin ang matagalang pagkatulog niya, sabi ng doctor ay dulot rin ito ng sobrang pagod sa pagtetraining. Mabuti pa si Doc inaalala ang condition namin.

Pressure din kasi ang labanan, bugbog-bugbugan talaga kapag sa mga lalaki. Kamusta kaya si Angelo, nakakaawa rin kasi condition n’ya. Napagkwentuhan lang namin siya ni Jwyneth ng malaman naming injured siya sa nakalipas na laban.

Malapit na ko sa pintuan ng Medical Ward at saka ko nakita yung lalaking kasama ni Angelo na naparusahaan ni Sr. Daryl dati.

Ibigsabihin walang nangyari sa
kaniyang masama, samantalang yung espada tagus-tagusan sa likod ng capsule.

Dinudungaw niya ang pinto at sumisilip sa maliit na glass na mukhang may tinatanaw mula sa loob.

Agad naman n'ya akong napansin na papalapit sa kaniya. Syempre may dadalawin din ako sa loob kaya nagpapatuloy ako sa paglalakad. Agad siyang nag-ayos
ng damit at napabuntong hininga.

Mukhang 'di yata mapakali ang lalaking ito. Nagsimula ng kumilos ang mga paa niya upang maglakad papalayo sa pintuan na kaninang kaharap nito at dinudungawan.

Nagkasalisi lang kami tapos wala nang kibuan na hindi kilala ang
isa’t isa. FYI ‘di naman talaga namin kilala ang isa’t isa.

Binuksan ko na ang pinto na may ngiting ‘di ko namang maiwasan kapag…kapag…kapag…nevermind. Basta nakangiti ako sapat na.

Humarap ako kung saan ko
matatagpuan ang kamang kinahihigaan ni Aljohn at mailagay ang bulalak na ito.

Dumerecho ang kilay ko ng makitang may kumakausap sa kaniyang babae.

Nakangiti pa ang unggoy abot langit ang ngiti halos malapit ng isagad hanggang tenga.

Gamit ang kamay, pinanghaharang niya pa kung minsan kung tatawa siya ng sobra.

Nanggigigil ako sobra pramis. Pahiram ulet ng dummy at isasaksak ko sa baga niyang
lalaking ‘yan. Nakikipag-fling pa siya sa iba.

“Miss, can you enter to the room, lalabas kasi yung aircon?” ika ni ateng nurse na mukhang ngayon ko lang yata nakita dito.

“AYOKO NG PUMASOK, MAY NAKITA AKONG GAGO.... YAN BIGAY MO YAN SA KANYA. PAKI SUNGALNGAL YAN SA LEEG N’YA. SABIHIN MO PINABIBIGAY NG DEMONYITANG MAGANDA.” Pagpapabot ko doon sa vase na
may bulaklak.

“NGA PALA ATE, SAKSAK MO SA KOKOTE MO NA HINDI LALABAS
ANG AIRCON, LALABAS YUNG MALAMIG NA HANGIN AT PAPASOK ANG MAINIT NA HANGIN. HMP.”

Attitude na kung attitude ako basta nailabas ko gusto kong sabihin. Nakakainis, nakakairita naman. Kailangan ko si Jwyneth, kekwento ko kung gaano ako naiinis sa
araw na ito. Grrrr.

Humupa na ang daluyong sa loob-loob ko. Pinagtatawanan pa nga ako ni Jwyneth. Selos raw ang nararamdaman ko. Hindi naman totoo ‘yon, ano naman ikakaselos ko?

“Bakit meron bang KAMI para magselos ako?” depensa ko.

“Yun na nga ang point, bakit ka nga magagalit (hidden feeling: selos) kung wala namang KAYO?” malapit ng tumawang saad ni Jwyneth.

“Basta naiinis ako. Huwag mong papansinin ‘yon a. Once na makarecover ‘yun pipilayan ko ‘yon,” umirap naman as if naman na may iniirapan ako. Basta galit ako. Huwag ninyo akong pagtawanan.

-

Nung araw na nakalabas na siya sa Medical Ward, doon ko na isinagawa ang plano kong malupet, hindi ko siya papansinin. Charr It’s kind of lame, masyado nang
kina-career ng mga mortal enemy yung mga ganyan. Mine is different, my mission is to sabotage everything na meron siya at pagmamay-ari niya.

ALPHAWhere stories live. Discover now