Chapter 59: The Aching Heart

4 2 0
                                    

Bakit ang dilim? Sinong nagpatay ng ilaw?! Ay charot nakapikit pala ako.

Ramdam ko ang sakit ng aking ulo. Ramdam ko pa rin ang pag-init ng aking katawan.

KATAWAN?!!!

Wait sino itong akap-akap ko?

Mula sa pagkakangudngod sa yakap na iyon para akong
natauhan. Tinanggal ko sa pagkakaakap ang braso kong iyon sa hubad na katawan niya.

Basta talaga lasing pinagtatangkaan!

Tinitigan ko lang ang mukha niyang iyon na parang may hinahanap na kung ano. Gumalaw siya at mukhang tatangkain pa niya akong yakapin. I moved backward hanggang sa nalaglag ang tangang si Ako.

Mabilis akong bumalik sa kama na nakaupo na parang walang nangyaring katangahan. Naabutan kong ngumiti si gago.

"Hoi ngumiti ka, nakita ko. bakit ka nandyan sa kama ko? Umalis ka na dyan masakit ang pakiramdam ko!"

Dumilat siya at mabilis na napaluhod sa kama para lapitan ako. Yes, kapansin-pansin na hubad siya pero soot niya ang pamilyar na pajama hoodie. Naalala ko nga pala na dumating na sa address ng unit namin ang pajama. Yung kay Marthia kaya dumating na sa unit niya?

Lumungkot ang expresyon ko ng maalala ko na girlfriend nga pala ni Mark si Marthia.

"Hey, ang init mo, mukhang may sinat ka. Bakit ka kasi naglasing ng sobra? Naabutan nalang kita kagabi na nakahandusay malapit sa pintuan."

Teka nag-aalala ba siya? Hinawakan niya ang noo ko at leeg siguro para ramdamin ang init ng body temperature ko.

Napakurap-kurap naman ako katawan niyang napakalapit sa akin. Fuck off abs, magkakaroon din ako nyan!

'Di ko na sinagot ang tanong niya dahil alam kong magsisinungaling lang ako.

"Oh bakit ka nakatingin dyan? Hawak na hawak mo nga mga yan kagabi. Grabe ka makakapit. Teka, saglit kukuha ako malamig-lamig na tubig." Ani nito habang nag-
iwas ako ng tingin. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. Jusko hiyang-hiya ako sa ginawa ko. Wala akong intensyon swear. Malinis po kosensya ko dulot lamang iyon ng kalasingan.

Bumaba siya ng kama at dumeretcho papuntang banyo. Pagbalik, meron na siyang palanggana na kinalalagyan ng tubig.

"Take off half of your Pajama, pupunasan ko ang katawan mo."

"I can take care of myself," puna ko sa kanya.

"Nakita ko na loob n’yan, don't be shy" ani niya sa nakakainis at nakakapraning na tono.

"Seryoso?" gulat kong sabi, napa-cross arm ako sa dibdib ko as if naman na may tatakpan. "Hayf ka, walang permisyon mong hinubaran ang katawan ko."

"Tch," umirap siya. ..."Alam mo parehas naman tayong lalaki, and so what?"

"Fuck...Don't touch me," I said.

"Sige na, ako mismo maghuhubad nyan sa'yo." Binaba niya ang palanggana dahil seryoso siya.

"Mark naman ieeh" tangina feeling ko ang landi ko.

"Isa." ma-awtoridad nitong boses.

"Mark..."

"Dalawa." sa mas mataas na tono

"Pinagsisisihan kong naging ka-roommate kita. I hate you." I don't meant that, it's just para lang mabasag at mawala na yung dating tahimik na kami.

Hinawakan ko na ang zipper at binaba ito sa mabagal na paraan dahil naka-iilang, tinanggal ko ang itaas na part ng pajama. Then parehas na kaming half naked.

ALPHAWhere stories live. Discover now