Chapter 53: Meeting New Roommate

8 2 0
                                    

Angelo's POV

Ahmm paano ko ba sisimulan ang kwento ko?

Ganito kasi iyon. 'Di ko na talaga alam direksyon ko sa buhay. Pamumuhay palang dito ay sobrang kalbaryo na. Para akong tino-torture na 'di ko maintindihan dahil nga sa malayo ang pamilya ko. I don't know where are they basta masabi lang ng institusyon, "okay sila at nasa mabuti silang mga kamay." Wala bang virtual contact man lang para masiguro namin na totoo ang mga sinasabi nila? Or for instances, powered by wires and cables ang virtual. Wireless nga nakaya e.

Lagi akong stress. Stress ang utak at exhausted ang katawan. Karamihan naman. Naranasan kong makalbo dahil sa ilang minutong pagkaka-late. Buti nga ngayon mahaba-haba na rin since then. Pinatrim ko kay Marthia ng maayos ang buhok ko ng umayos at maging fade ang style. Talented talaga ang babaeng 'to, ano pa ba ang hindi ko nalalaman tungkol sa kaniya at meron siya.

During naman ng Close Battle, tinamblingan niya nga lang yung nakalaban niya sa close combat, ayun, pilay ang kalaban. Samantalang ako, loser. I admit naman na mahina talaga ako pero syempre kayako rin lumaban, talo nga lang.

But anyway, napagkasunduan sa meeting ng Board of Comittee na magkaroon ng2 student per unit dahil nga sa banta ng nakakaparimarim na mga kaso.

Sina-suggest ng ibang estudyante na tanggalin na ang mga naka-kabit sa mga wrist namin upang atleast kaya na nilang pagtanggol ang kanilang sarili. Ang depensa naman ng board, hindi raw pwede dahil kailangang sumunod sa protocol. Nagamit na nga ng marami ang kanilang kakayanan tapos pagbabawal pa at sasabihing lubhang delikado.

Delikado na makasakit kami o gusto nilang mas maging delikado pa ang buhay namin? In fact, 'di ko pa alam ang ability ko pero nakikipag-away ako. hahaha.

Lagi ko namang ka-trip sa lahat ng bagay si Marthia, siya lang kasi madalas na nakakatabi ko. Si Jwyneth at iba pang set of friends lagi may importanteng ginagawa kaya tuwing kainan lang ng agahan, tanghalian, at hapunan ko lang nakikita o kaya minsan kachikahan. Si Angel Jhan na isa sa tropa ay may may inaatupag na rin na lovelife which si Aljohn nga. Bihira ko na rin makasama si Eralyn, medyo matured kasi iyon, kaya matured mga trip nun pero ka-vibes ko naman sa ma practice at ayaw niya pa-istorbo dahil nawawala siya sa focus. Habang ang iba ko namang tropa ay busy sa kani-kanilang progress at gustong magrank sa susunod na category - ang AI battle. May mga privilage din kasi kapag nasa rank 100 at half beneficial naman ang papasok sa 150. Ilan kaming mga studyante rito, higit anim na raan tapos wala man lang sa kalahati yung makukuha.


Yung mga points kasing iyon is pwede mong magamit sa pagbili ng kung ano-ano na meron ang institusyon, maaring gamitin sa pag-upgrade o makabili ng armas na kung saan ang isang indibidwal bihasa. At ang mas maganda, mas masarap ang pagkaingpwede mong makain once na may points ka na magagamit.

Ma-aacquire mo ang points na ito kung patuloy ka lang sa pagte-training at makapasok sa top 150. Mas maraming points, mas maraming privelage. Isa doon si Aljohn na nakakuha ng Rail Pass, Si Jessie na nakakuha ng access sa Gym para magtriple ang practice points niya with 7 days access at si Zeus naman na nakakuha ng Conductor Spear bilang armas. Ang naging problema, kinuha ng awtoridad ang spear kayZeus matapos gamitin niya ito sa pagtangka sa buhay ni Jwyneth, at kasalukuyan siyang nasa quarantine zone. Malapit na rin siyang ilabas makalipas ang ilang linggo dahil mababa lang ang penetensya sa kaniyang nagawa. At ang sabi, walang hand print na nakuha sa spear.

Kasalukuyan naman akong nag-iimbak ng mga gamit ko sa kwarto ko and 'di naman gaanong marami dahil pumasok naman akong walang dalang gamit dito. At almost things naman ay provided ng institusyon. It was a pleasure after all pero hindi mo lang talaga maiiwasan na sana kasama mo rin ang pamilya mo.

Sana naman pinsan ko nalang makasama ko sa isang unit at hindi ko na kailangan pang makibagay sa makakasama ko na kung sinoman. Pinsan ko nga pala si Miguel. Oo tama, s'ya yung lalaking nakipagbalikan sa ex niya. Isipin mo yun ex mo na binalikan mo pa dahil lang mahal n'ya. Charot lang. Pagmamahal nga naman, kung ano-ano ang nagagawa.

I was one of those people na kailangan mag-adjust ng kwarto.

And wolah! ang nakalagay sa list, hindi ko makakasama ang pinsan ko, kundi ang lalaking nagngangalang Mark Theodore.

Siya lang naman ang lalaking feel free to talk to me tapos sa isang iglap hindi na ako pinansin at pinahiya ako sa harap ng marami.

ALPHAजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें