Chapter 1: Hawkson College

105 15 0
                                    

May mga nagtatakbuhan sa loob at labas ng kani-kanilang classroom sa Hawkson College.

"OPEN GATE!" sigaw ni Jessie.

"Okay, okay, tara Jessie totobits" sabi naman ni Kark na gustong kumain ng mga tusok-tusok na pagkain sa labas.

"Saglit kakambyo lang ako saglit sa CR." Ani ni Jessie

Napatingin si Eralyn kay Jessie na bagong gising at nakataas ang kilay.

"Tinitingin-tingin mo dyan Eralyn? Gusto mo kong panoorin?"

Hinampas ni Eralyn ang kaliwang braso ni Jessie sabay irap. Natawa naman si Jessie sa reaksyon ni Eralyn.

"Nasaan ba sina Harvey? Kapag nandyan na sila, labas na tayo" pasabi naman ni Jessie habang aalis na sana papuntang CR.

Sa kabilang gilid naman, nandun si Geejay, kaibigan nila habang nakikinig kay Jessie at Kark.

"Pumunta si Harvey sa Faculty, sinamahan si Trynyty at..." naudlot na sinasabi nito. Nang bumukas ang pintuan ng pagkalakas-lakas at iniluwa ng pintuan na iyon ang hapong-hapo na si Dave.

"Guise, Open Gate" sabi nito habang hinihingal kasama ni Trynyty.

"Oi si Dave at Trynyty ohh! hinihingal at pawisan, 'di na nahiya sa Faculty room pa ginawa," pagpaparinig ni Jessie sa buong klase na may malisya sa tono nito.

"Oyy anong ginawa n'yo?" gatong na tanong naman ni Angel Jhan.

Tipid ngumiti naman ang lahat at yung iba, nagtawanan.

"Ang hilig nila sa ganyanan noh? Parang lagi nalang may malisya ang lahat." sabi ni Angelo kay Eralyn.

"This is how crazy our section is, and we have nothing to do that ma-prend" sabi habang mamula-mulang mata ni Eralyn dahil bagong gising nga at may halong ngiti humarap kay Angelo.

Nagsibalikan na sa kanya-kanyang gawain ang lahat habang si Dave at Trynyty, nananatili paring nakatayo at nagtititigan.

"Guise makinig kayo," sabay palo ni Trynyty sa white board gamit ang kamay niya.

"May importante kaming sasabihin sa inyo."

"Ano naman iyon? Na bati na kayong dalawa?" pang-aasar ni Alex.

Nabigla si Dave sa inasal ni Alex. Naghagalpakan naman lahat sa pang-aasar dahil lagi nalang kasi nag-aaway bati ang dalawang magkaibigan na ito. Pukpok sa lamesa, hila at ngitngit ng upuan sa sahig. Mga hiyaw na akala mo mga hayop na nakakulong sa hawla.

"Hindi, oo, siguro, " nagugulumihanang pagsagot ni Dave.

"Dave...!" inis na bigkas ni Trynyty.

"Sorry" mahina n'yang tugon kay Trynyty.

Tumingin ulit ang lahat kay Dave.

"Guise open gate,"mahinang sambit nito.

"Alam na namin Dave" sabi ni Aljohn.

"Paulit-ulit siya" sabi naman ni Denziel na katabi ni Aljohn.

"Meron pa, nawawala lahat ng teachers sa Faculty room." Singit ni Dave sa dalawa.

"Baka bumili lang ng pagkain sa labas." singit naman Angel Ann.

"Ano 'yon General Lunch ng mga teacher? Baka nagkaroon ng meeting" ani ni Zeus na boyfriend ni Angel Ann.

"Kailangan lahat ng teachers lumabas at nag-lunch? Paano yung klase ng ibang estudyante, hindi naman sabay-sabay lunch break ng teachers? At kung meeting lang, bakit kaninang umaga pa wala ang mga teacher?" intriga ni Kenneth.

"Ehh bakit sunod-sunod ang tanong mo? Isa-isa lang pwede?" matawa-tawang ani ni Angel Ann.

"I'm just saying my point okay?" depensa naman ni Kenneth na nakataas ang kamay.

"Iba kutob namin guise" tugon ni Dave. "May 3 missed calls ako galing kay Mr. Marcuz, so since kanina pang umaga tayo walang klase, nagdecide akong magpasama sa new building kasama sina Harvey at Trynyty. Naiwan si Harvey sa faculty room kasama niya si Dianne. Nag-aayos sila ro'n ng mga nagkalat na papel na puro alphabet code ang nakalagay. Meron bang nakakuha sa inyo ng ppt na tinuro ni Ma'am Clarisse last time about Codes?"

Sa gitna ng katahimikan, may sumigaw na "AKO," na nagmula sa likuran.

Artwork Credit:

Spandau, C. (2017). Sherbrooke And Mcgill College Streets Montreal Mcgill University Roddick Gates Landmark Painting [Oil on Canvas]. NY, United States. Pixels (n.d.). Retrieved from: https://pixels.com/featured/sherbrooke-and-mcgill-college-streets-montreal-mcgill-university-roddick-gates-landmark-painting-carole-spandau.html

ALPHAWhere stories live. Discover now