Chapter 54: Operation: Finding Truth

6 2 0
                                    

Angelo's POV

"Hoi Marthia Thrina na 'di ko alam ang apilyido, sino si Matheo? Ipaliwanag mo nga sa akin 'to? Sino ang may-ari ng pangalang 'yan? Walang nagmamay-ari ng pangalang 'yan dito sa loob ng institusyon na ito." Balandra kong pananalita sa kaniya habang ipinapakita ang pangalan ng nagmamay-ari ng shirt na ibinigay niya sa akin para pansamantalang gamitin kanina.

"hUh?" pagmamaang-maangan nito, halata naman na kilala niya kung sino ito.

"Mamaang-maangan ka pa? Sino talaga 'to? May nagsabi sa akin na ganito ang pangalan niya pero hindi ito ang pangalan niya."

"Bakit? Tinanong mo na ba sa nagpakilala sa'yo na may ganiyang pangalan na siya ba ang may-ari niyan?"

Tumahimik ako saglit. Pinag-isipan ko talaga ang isasagot ko. "Hindi pa." Kasi nahihiya ako magtanong don at 'di ko na nga pinapansin' yon.

"Hindi naman pala e, edi sa akin yan. Hello, hindi naman ako magpapahiram ng gamit kung napulot ko lang kung saan."

"Tigilan mo ko...saan mo talaga nakuha 'toh?" pagsusungit ko "Please" napabago na ang ekspresyon ng mukha ko para mapilit lang si Marthia.

"Alam mo kuya Angelo, kung ayaw mo maniwala, edi huwag, may mawawala ba sa akin?...Wala! Maganda pa rin ako!" pagpapamukha niya sa akin.

"Ang sungit naman nito. Dati ako nagsusungit sa'yo bakit ngayon bumaliktad?"

"Nahawa ako sa'yo e, sino pa ba pagmamanahan ko?"

Sabay pa kaming napatawa sa huli. Ako na nga lang bahala kung sino
talaga 'to. Sana naroon pa sa corridor ang Board of List na nag-ayos sa kung sino-sino ang magiging magkakaroom-mate. Napakaimposible kasing si Mark 'yon. Ang layo ng Mark sa Matheo. Nagsinungaling pa nga ang gago, Matheo ang sinabi sa akin na
pangalan niya na hindi naman.

Pero may possibility na siya if it is his codename. Pero paano naman naging codename iyon? O di kaya Pen name niya? Writer kaya siya? Wala sa dating niya.

Nang masilayan ko ang board, mabuti nalang ay nandoon parin ang listahan. Inisa-isa ko ang
pangalan ng bawat lalaki na nakalagay doon. Walang Matheo, masyado kasing English spelling. Wala ring "Mateo" o kaya "Matthew" na malapit-lapit man lang sa pangalan na iyon.

Bumaba ako para hanapin naman sa Board of List naman ng mga babae. Baka pinagsuot ako ni Marthia ng damit galing sa babae niyang kaibigan. Pero ang tanong, pwede kaya sa babae ang pangalan na iyon?

"Ghaaaad Marthia, ngayon ka lang yata nagsikreto sa akin." bulyaw ko sa hangin.

Umakyat na ulit ako sa floor ng unit ng mga lalaki. Susubukan ko naman ang ikalawa kong plano, ang pagpunta sa unit namin.

"Pucha maski isang ebidensya wala man lang" wala kasi ako nakita sa mga damit ni Mark na may pangalan na "Matheo," kasi ang suspetcha ko si Mark si Matheo dahil nga siya lang ang dating nagpakilala sa akin ng ganoong pangalan. Nagsayang lang ako
ng panahon dito.

Lumingon ako sa likod ko upang tignan ang orasan. Alas-tres na ng hapon, isang oras nalang ay makakabalik na sa mga sariling unit ang iba. I decided to stay at my unit.

Isang oras lang naman 'yon at ilang points lang naman ang mawawala sa akin. Hindi naman ako halimaw sa points basta mabuhay ako ayos na. And besides nandyan naman
mga kaibigan ko na handang magpa-ayuda sa akin. Charr Friends with benefits lang.

-


Hindi ko namalayan na gabi na pala pagtingin ko sa digital clock na nasa desk ng roommate ko. Alas nwebe na ng gabi ay wala pa si Mark Nasaan kaya 'yun? Dapat kanina pa nakabalik 'yon galing sa training a.

Lumabas na ako sa unit ko upang pumunta ng cafeteria, nagugutom na ako ng sobra. Open naman ang cafeteria 24/7. Walang daplis 'yon, kaya lang ang mga available
na makakain nalang kundi All Time Favorite Filipino Bread na Ensaymada, Pan de Coco, Pan de Regla, Cheese Bread at kung ano-ano pa tandem with 3 in 1 coffee kung late hours na. Saan nanggagaling kape? syempre hindi industries ang gumagawa, sariling
sikap ang institusyon para makapag-provide ng mga ingredients.

"Pwede na 'tong cheese bread chaka kape."

Nag-iisa lang ako sa cafeteria sa sobrang nakakabingi na katahimikan, wala ka ng gagawin pa kundi magmadali nalang sa pagkain na kinakain mo.

ALPHAWhere stories live. Discover now