Chapter 72: Genes

7 2 0
                                    

Dinalaw ng magkapatid na Wyn Dail at Crystal Gail ang kanilang ama.

Hawak ni Gail ang isang puting envelope na may logo ng laboratoryo. Confuse si Gail pero willing niyang patawarin ang kaniyang ama kung sasabihin nito ang totoo.

Ang puting envelope na ito ang naglalaman ng blood test at DNA results. Nilabas sa kaniyang kulungan ang Director at malaya nagkaharap-harap ang mag-aama.

Unang nagsalita si Gail at kinamusta ang kaniyang ama. Isang araw na ang lumipas ng matapos ang paghuhukom dito.

"Dad, how are you?" ani Gail na pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Maayos naman anak. Kayo? Wala naman bang nananakit sa inyo? Pasensya na kayo ahh." Pagpapakababa nito habang itinaas nito ang magkadikit nitong mga kamay sa lamesa at pinagdaop ang mga palad.

"Maayos naman po kami, huwag po kayo mag-alala. Lubos din namin kayong iniisip kung nasa mabuti kayong kalagayan."

"Ask him!" mahinang boses ni Dail na utos kay Gail. Nilapat ni Wyn ang kaniyang likod sa upuan, nagkrus ang mga braso at napabuntong hininga. Tinititigan niyang maigi ang irereaksyon ng kaniyang ama. Nagkatitigan muna ang dalawa bago sinimulan itanong ni Gail ang bumabagabag sa kanila.

"Dad, may itatanong po sana ako, hindi po ako galit, maging si Dail din po. Bakit hindi niyo po agad sinabi?"

Natahimik sumandali ang Director dahil mukhang alam na ng mga anak nito ang katotohanan.

Alanganin si Gail na ibinigay sa ama nito ang puting envelope pero kinalaunan rin ay ibinigay niya.

Nakita ng Director ang resulta ng test at nakalagay sa data na negative ang resulta na hindi sila mag-aama. Nakalagay sa data na ang blood type ng Director ay blood type O at ang kanilang namayapang ina ay heterozygous blood type B na ang ibigsabihin, walang chansa na maging Blood type A ang kanilang mga anak
which yuon nga ang blood type ni Dail at Gail.

"Sino po ang mga tunay naming magulang?" tanong ni Gail sa ama nitong magpasahanggang ngayon nakatitig pa rin sa resulta.

"Walang ibang hiling ang Mom n'yo kundi magkaroon kami ng anak nang magkasama kami sa iisang bubong. Pero naging masama ang tadhana para sa kaniya. Hindi alam ng Mom n’yo na may sakit pala siya sa dugo at mahihirapan siyang magdeliver ng anak. Lubos ang paghihirap at iyak ng Mom n'yo noong mga panahon na iyon. Hanggang sa may kumatok sa pintuan naming biyaya. Kayo iyon, may nagdala sa inyo papunta sa amin noong sanggol pa kayo. Kayo rin ang naging dahilan at binigyan n’yo ng sigla ang Mom n'yo. Sanggol pa kayo noong mga panahon na iyon at giliw na giliw siyang bumaba sa hagdan ng sabihin ko sa kaniya na hindi lamang isang anak ang ibinigay sa amin kundi dalawa. The way she smiles like the old days, just because of you both, it returns back and bring life the heart of your Mom. And when both of you became a toddlers, doon na nagsimula ang kalbaryo para sa kaniya. Pinag-aralan ko ang mutation ng cancer sa kaniyang dugo pero, masakit mang tanggapin, wala na. Walang lunas sa sakit na ito. Gumuho ang mundo ko ng mawala siya. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak. Alam ko na naging malupit din ako sa inyo. Salamat sa inyo at hindi kayo nagtanim ng galit sa akin sa kabila ng nagawa kong pagiging strikto sa inyo."

Napaluha si Gail sa kwentong iyon ng kaniyang ama. Hindi naman nagpakita ng kahinaan si Dail kahit naapektuhan siya sa loob-loob niya.

Hahaba pa sana ang kanilang usapan nang dumating ang tagapagtanggol ng Direktor nitong nakaraang hearing. Hinayaan na ng dalawang magkapatid ang dalawa mag-usap. Kahit may pag-aalinlangan silang, bakit pa naroon ang defender nito kung tapos na ang hearing?

-

Angelo's POV

"Matheo, may dugo!!!”

"Hala bakit nagdudugo?" tanong niya.

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon