Chapter 67: The Fighters

5 2 0
                                    

"Binabati ko kayo dahil nakaabot na kayo sa Category na ito. Alam naman nating sa buhay ng isang tao, nakakaranas ito ng pagkapanalo, maging ang pagkabigo. Ngunit kahit nabigo ang ilan sa inyo, maluwag paring inihahanda sa inyo ang ikatlong lugar upang sanayin kayo. Maligayang pagdating sa Underground Garden." Isang masiglang pagbati ni Ms. Nikka sa mga kabataan na dumating na at excited ng makaharap ang
kanilang makakatunggali sa kompetisyon na ito.

Sumagi na sa isip ni Ms. Nikka na mas mabuti munang malaman ng isang kabataan na merong kakayanan ang bawat isa. Meron silang abilidad na dapat hasain at linangin kung kaya't inihahanda sila sa ganitong sitwasyon. Bukas na ang diwa ng ilang kabataan sa adhikain ng institusyon kasama ang gobyerno. Handa na silang matuto at alamin ang tunay nilang kakayanan.

Sa loob ng Underground Garden, narito ang mga bagay na replicated mula sa mundong ibabaw. Matapos sundan ng mga kabataan ang tunnel na iyon mula sa estasyon ng tren, nakita na nila muli ang ganda ng Underground Garden.

Tumulay sila sa tulay na nagdugtong mula sa tunnel at sa gitnang parte ng ilog.

Naroon sa gitna ng ilog ang lupa na lugar kung saan sila magsasanay.

Mula sa gitna ng ilog ay tanaw ang talon na siyang nagbibigay tubig sa artipisyal na ilog na ito.

Mula sa marami, may naglakas loob na magtanong kung saan nanggagaling ang tubig ng talon kung nasa ilalim ang institusyon na ito na aabot hanggang 100 metro ang lalim.

Alam ni Ms Nikka na may magtatangkang tanungin ito kung kaya't naging handa siya at sinabi ang kaniyang nalalaman.

"Mabuti at may nagtanong sa akin, lahat ng nakikita niyo rito ay gawa ng tao. Sa tulong ng siyensiya at sipnayan, naitayo ito at maaaring magamit sa iba't ibang bagay, tulad na lamang ng patimpalak na siyang idaraos dito sa madaling panahon at magtutunggali sa hamon ng isa't isa. Gayunpaman, ang tubig na nanggaling sa talon na iyon ay nagmumula sa butas sa itaas na dinadaluyan ng tubig mula sa gubat na sinadyang gawin upang magkaroon ng buhay ang mga bagay na nakikita niyo sa ating paligid. Tulad ng iba't ibang uri ng halaman puno at organismo. Dito rin nanggagaling ang kalahating poryento ng tubig na masusing nililinis upang may mainom tayo sa araw-araw nating pamumuhay."

"Eh Ms. Nikka, kung may butas sa itaas na daluyan ng tubig na siyang papunta rito, is there a chance...ahh ang ibig ko pong sabihin, may chansa po ba na may makapasok din na ibang nilalang tulad ng mga kinakatakot natin?" tukoy nito sa mga nag-mutate na tao at naging kakaibang halimaw kinalaunan.

"Interesanteng katanungan! Sa pagpatak ng oras na siyang tapos sa trabaho ng ating mga manggagawa, doon isinasara ang ang daluyan. Makikita nila o mabilis na masusuri kung meron o walang makakapasok dito sa pamamagitan ng modernong
instrumento." Sagot ni Ms Nikka.

"Maaari ko bang malaman ang iyong pangalan binibini?" Tanong naman ni Ms Nikka.

"Ang ngalan ko po'y Crystal Gail. Kilala po ako ng aking mga kaibigan sa tawag na Gail"

"Ahhh ikaw. ikaw ang anak ng Direktor tama?" tumango lamang si Gail bilang pagsagot. Ngumiti naman si Ms Nikka dahil matalino sa analysis ang anak na babae ng Direktor.

Binigyan ng sapat na oras ni Ms. Nikka ang mga kabataang nasa kaniyang harapan upang ipakita isa-isa ang kanilang mga abilidad.

Kaniya-kaniya naman itong
pagpapakitang-gilas. Ngunit may iba pa ring hindi nalalaman ang kanilang abilidad.

Sa susunod na linggo, sisimulan ang kompetisyon. Ang 3rd Category na magiging huling susi upang maging bihasa ang isang indibidual sa kaniyang abilidad. At higit sa lahat, malaman nito na laging may pag-asa dahil ang bawat problema ay may kani- kaniyang solusyon.

ALPHAWhere stories live. Discover now