Chapter 56: Date

5 2 0
                                    

Angelo's POV

Sabado ngayon malaya ang kahit sino kung anong gawin nila ngayong araw. Maski bukas pwedeng-pwede na magliwaliw. May iba naman na gutom talaga sa points at hindi umaayaw sa practice.

Katulad ko, gusto ko lang yung sakto lang. Napo-provide ko naman ang sarili ko gamit ang mga points na nakukuha ko sa training and besides marami naman akong kaibigan na marami-rami ring points, mabubuhay naman akong kasama sila. Parasitiko lang?

Ngayon nasa loob lang ako ng unit, walang kasama, mag-isa lang na nagbabasa ng libro na nahiram ko sa library. Fiction ito na tagalog, ayoko ng english novel, nakakanose bleed.

Si Mark naman, may pinuntahan sabi niya sa akin kaninang umaga pagkatapos naming mag-agahan pupunta siya at may tatapusing gawain. Busy ang marami syempre dahil may iba na gusto magugol ang oras nila. Ang iba nasa kitchen, iba nasa greenhouse para magpatubo at magtanim, may iba na tumutulong sa medical ward. As usual, dagdag points din ang lahat ng iyon.

Bumukas ang pintuan ng biglaan, si Martha este Marthia ang pumasok ng walang katok-katok. Pucha isang beses mamamali 'to ng timing sa pagpasok at makakawitness ng ‘di kaaya-ayang pangyayari.

"Hanu na kuya Angelo? Ano na ganap natin today?" aniya.

"Ito magbabasa lang at kakain. Ikaw ano ganap natin bakit ka nakapang-alis?"

"Hala kala ko ba sasamahan mo ko na magpatahi ng damit?"

"Hala ka rin, meron ba akong sinabi na sasamahan kita?"

"Oo kaya sinasabi mo kaninang umaga. Kinatok pa nga kita kaninang alas-sais ng umaga para lang sabihin iyon." Bangag yata ako ng mga oras na iyon jusko naman.

Dapat kasi magsabi siya yung gising naman ang diwa ko at hindi yung kagigising ko lang.

"Sino ba nagbukas ng pinto ng umaga na iyon? ako ba? Ha?" sinisigurado ko talagang ako ang sumang-ayon sa plano niya. Baka inaaning lang ako ng babaita na ito.

"Edi ka-roommate mo." Edi ibigsabihin nakita niyang shirtless 'yon ng pagbuksan siya ng pinto, alas sais ba naman chaka kung matulog yung lalaki na iyon, hubad amp*ta.

"O pumasok ka ba para gisingin ako?"

"Oo naman, tulog mantika ka nga, ang hirap mo gisingin."

"Abnormal yata 'to kababae mong tao papasok ka sa unit ng dalawang lalaki."

"Sanay na ko, dati ko pa pinapasok 'tong unit na ito," bigkas niya.

"Ano?"

"Ahh wala, tara na, tara na magbihis ka na samahan mo na ko, sayang oras. Mas maaga tayong makapagpalista, mas maaga darating yung order." Pagmamadali niya sa akin. Jusko ano ba kasing klaseng damit 'yan at baliw na baliw ka.


-


Pagpunta namin sa panahian naabutan naming puro babae ang narito. Alam mo yung tipo ng babae na sobrang childish pati ito, kababaliwan. "Galeng..." bulyaw ko sa sarili ko.

"Marthia sigurado ka itong damit talaga ang kinababaliwan mo?" tukoy ko sa pajamas na may hoodie.

"Ang cute kaya...tignan mo bagay sa akin kulay dilaw. Pwede rin itong ipa-customize pwede siyang gawing cute na creature." Parang bata talaga si Marthia, girly na
girly...sino bang lalaki ang hindi mahuhulog sa ganitong babae na may pagkachildish sa outfit pero kapag seryosong mga pangyayari, seseryosohin niya talaga. Matured na childish, pwede ba ‘yon?

"’Kaw Kuya, ayaw mo nitong kulay asul? Ang cute kaya, bagay sayo," tumingin naman ako sa paligid ko dahil parang nakakababa naman ng pagkalalaki ang ginagawa sa
akin ni Marthia.

"Ayoko, panget" pag-iwas ko. Tumingin naman sa akin si Marthia na may nakakatakot na aura, kala mo mangangagat ang luka-luka.

"Pasensya na, joke lang peace
tayo. Bagay sa akin right?" Ngiting aso kong gawi.

"Alright! O sigi ate order-in ko na po itong tatlo, isang dilaw, isang asul at chaka ganto pong kulay ng puti." Teka para kanino naman ang puti?

"O bakit tatlo ang binili mo, sa'yo din?"

"Hindi, may pagbibigyan ako." Ngumiti ito at saka tinaas-baba ang kilay.

"Your look so weird but so humble..." ani ko.

"And cute" dagdag nito. "Dahil nilibre mo ko at na-appreciate ko ang ibibigay mo sa akin, pagbibigyan kita."

"Bakit hindi ba?" Nag-beautiful eyes pa sa harap ko naku-naku. Ang hyper talaga niya.

ALPHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon