Chapter 23: Vomit Here, Vomit There

8 4 0
                                    

INSIDE MIND (EXPERIMENT)

“Ano? P*king in*…Shetttt!” pagmumura ni Alex na wala namang kaaway.

Nakapalibot sa kanila ang matataas na pader. Animo’y berde ang kulay ng pader dahil sa tingkad ng kulay ng mga halamang gumagapang dito.

“Ano ba Alex, di ka ba titigil kamumura? ‘Yang kamumura mo ang ikapapahamak natin. Itahimik mo nalang ‘yan kung wala namang magandang salitang lalabas.” Pagsita ni Trynyty kay Alex.

Kung seryoso na nga si Alex at concentrate sa pagmumura paano pa ang tuwid ng labi senyales na nanggigigil na ito. Nagtagis ang bagang ni Alex at sinuntok si Trynyty kahit na babae ito.

Nagulat si Dave sa ginawa ni Alex. Gumanti si Trynyty ng suntok at
napamura ng deretcho ang titig kay Alex.

“T*ng-ina kang T*rantado ka. B*kla kang hayop ka,” napasinghap si Trynyty dahil narin sa naramdamang galit.

Pumagitna si Dave sa alitan ng dalawa. Agad-agaran ring hinila ni Danica si Alex para lumayo ito kay Trynyty.

“Ilayo ninyo sa akin ‘yang
babaeng ‘yan…” duro ni Alex kay Trynyty. “…bobo yang istupido na ‘yan.”

Patuloy pa rin humaharang si Dave sa dalawa. “Tabi nga Dave, ‘di pa ko tapos sa hayop na ‘yan,"
ani ni Trynyty.

“Yabang mo rin noh?” sabi naman ni Alex.

“Sa tingin mo sinong bobo o estupido sa atin? Sinong bobo ang dinadaan sa mura ang galit? Sinong estupido ang mag-iingay pa rin alam namang may mga halimaw na gumagala na pwede nating ikamatay? Alam mo dapat…ikaw nalang ang namatay.”

Napaluha si Trynyty dahil sa naramdamang galit. “Ikaw nalang ang dapat na namatay at hindi ang kaibigan ko.” Huling ani ni Trynyty sabay buntong hininga.

Lumakad si Danica palapit sa kinatatayuan ni Trynyty at sinampal ito. Nagulat si Trynyty sa ginawa sa kaniya ni Danica miski si Dave at Alex namilog din ang mga mata dahil sa nangyari.

“Tara na Alex,” pag-aya ni Danica at nauna nang naglakad.

“ALEX ANO BA? TARA NA” sigaw na ulit nito.

Ngumisi si Alex ng nakaloloko at tinignan si Trynyty mula ulo hanggang paa sabay dura sa gilid ng daan.

May punto si Trynyty dahil nagsakripisyo ang kaibigan niya upang mailigaw lang ang mga halimaw na humahabol sa kanila.

Nahihirapan sa paghinga si
Dave nung mga oras na iyon and he trying to press his chest na ‘di alam if maiibsan ang sakit. Matagal na niya itong nararamdaman and he can’t even told it to her mom, dahil isang malaking pasakit na naman kapag nalaman itong kanyang ina. Sabi pa niya ay
sumusumpong-sumpong lang naman iyon at hindi naman lagi.
Habang akay-akay ni Trynyty si Dave sa mga oras na iyon.

“Trynyty, you should go to that way kasama ang mga kaklase at kaibigan mo. We have to come up with this decision dahil kung hindi, lahat tayo mauubos. We have to separate our ways. Dito ako, doon kayo.” Huling bilin ng kanyang kaibigan and the last she have heard is his dying scream.

Nahinto nalang sila sa kinaroroonan nila ngayon dahil sa nangyari and felt the cold air with the presence of dignity but also pity. At doon napamura nalang si Alex.

-

Ilang metro lang ang agwat nila. Si Danica at si Alex lang ang napahiwalay, habang sina Dave, Trynyty, Louie at dalawa pang estudyante galing sa iba-ibang strand na ‘di nila kilala. May narinig silang kaluskos mula sa kabila ng pader na kani-kanila nilang kinabagabag.

Sa dulo ng pasilyo ay inaabangan nila ang kung ano man iyon.
Namamawis na ang mukha ni Danica na patuloy naman pinapaypayan ni Alex gamit ang
kaniyang damit.

ALPHAWhere stories live. Discover now