Chapter 2: Quake

68 14 0
                                    

Sa gitna ng katahimikan, may sumigaw na "AKO," na nagmula sa likuran. Nakataas pa ang kamay at sabay dugtong ng " – WALA."

Napakamot tuloy ang iba senyales na nadismaya sa nalamang katarantaduhan ng kaklaseng si Nehm.

Sabay kinonyatan ni Prince at BJ si Nehm at napahimas nalang ito sa lakas ng konyat ng kanyang dalawang kaklase.

"Bwiset ka, kita mong seryoso lahat tapos, basag moment ka" bulyaw ni BJ.

"Totoo naman, wala naman ako. Nakita mo bang nag-notes ako?" bigkas naman ng malokong si Nehm na may ngiti sa labi habang himas-himas parin ang kanyang ulo.

"Charles..." pagtawag ni Angel Ann "may alam ka bang ganitong code?"

"Wala ehh, try kong i-search. Tanong ka kay Teod kung marunong siya," suhestiyon ni Charles.

Itinuon ni Angel Ann ang kanyang atensyon sa nahihimbing niyang kaibigan na may kulay itim na sweater habang nakayuko ito sa sarili nitong lamesa.

"Teod!" gising dito ni Angel Ann. Ayaw parin magising ni Teod hanggang hindi sinasadyang mahawakan ni Angel Ann ang paso sa kamay ni Teod. Napatanggal ito ng earphone niya at napasigaw.

"ANO BA TEH?!" sigaw ni Teod.

Nagulantang naman ang lahat dahil sa lakas ng pagkakasigaw ni Teod kay Angel Ann na parang ngayon lang nangyari.

Naaksidente kasi ang tita nito at si Teod ang nagbantay nitong araw ng Linggo na nagdaan. Pagod at puyat ito kung kaya't walang kontrol sa sarili.

Naging seryoso ang lahat habang nakapako ang atensyon ng lahat sa dalawa. Sa likuran, 'di napigilan ni Aljohn na magsalita.

"Hiee ba't kasi ginigising? 'Di pa kompleto tulog niyan." Ngumiti si Angel Ann ng pilit, habang hinihimas ang ulo ni Teod pabalik sa brasong tulugan nito.

Nang tuluyang makayuko na ang ulo ni Teod ay nagkatitigan muna ang lahat at naghalakhakan na pinangunahan ni Kenneth na may ekspresyon nitong i-a-angat ang dalawang kamay sa magkabila nitong gilid ng noo at sabay angat sa ere at tanong na "Nani?"

"Gel..." pagtawag ni Charles kay Angel Ann, "walang signal, I mean...as in dead network. " Naguguluhang ani ni Charles dahil mataas naman ang palapag kung nasaan sila, bakit tila wala siyang sagap.

Napakunot ang noo ni Angel Ann sabay harap sa kanyang boyfriend na si Zeus.

"Ano kaya nangyayari ?" tanong nito sa kanyang sarili. Kinapa niya ang kanyang bulsa upang hanapin ang kanyang cellphone.

Nagtunugan lahat ng cellphone at umilaw ang bawat screen. Sa bawat cellphone, may nag-message galing sa kanilang isang subject teacher na si Mr. Marcuz.

Hindi maintindihan ng lahat kung bakit mga gulo-gulong letra ang nakalagay. Napatingin si Dave sa kanyang cellphone at nabigla sa kanyang nakita.

"Ganitong-ganito rin ang nakalagay sa mga nagkalat na papel sa Faculty." Sumang-ayon naman si Trynyty sa sinabi ni Dave.

Nanatiling tahimik ng sampung segundo ang buong silid-aralan bago nagsalita si Kark, "Tara totobits nalang, labas nah!"

Nagtayuan ang lahat ng gusto nang umuwi dahil open gate naman. Habang ang iba nanatili paring nakaupo at sinusubukang paganahin ang signal ng phone. Nagrestart ang iba ng phone. Nag-airplane mode ang iilan at nagsoundtrip nalang ang gustong matulog.

Nag-vibrate ang kanya-kanyang cellphone dahil may seismogram na build-in sa mga ito. Isang lindol ang tumama at nagpayanig sa lahat ng estudyante sa parteng iyon ng syudad.

ALPHAحيث تعيش القصص. اكتشف الآن