Chapter 40: The Prototype Inventions

4 2 0
                                    

Museum of Technology

Jwyneth’s POV

Matapos mapalabas si Angelo (Gelo), sunod na inalis ang capsule habang nasa loob pa ang isang lalaki. Natatakot ang bawat isa na magtanong dahil baka mapaalis sila habang kinakaladkad. Ayaw namin mangyari sa amin ang ginawa kay Angelo dahil isa itong
kahihiyan. Kahit mukhang biro pa ito kung papanoorin pero mukhang totoo. Hindi naman kaya ni Angelo na umiyak sa isang script.

“Question regard sa capsule?” tanong ni Sr. Daryl habang pinapagpag ang pambaba nitong soot na nalukot kanina ni Angelo habang nagmamakaawa.

Sorry Bessie wala akong nagawa upang ipagtanggol ka. Mali kasing nagpalate ka, kung ito man ang rason. Na-entertain ko kasi ang gusto mo, kasalanan ko ‘to e.

Hindi na kami simpleng mga mag-aaral lang. Higit sa pagiging mag-aaral, marapat lamang na maging desiplinado kami. Pero paano kung ang isa ay hindi handa?

Kailangan niya ba talagang dumanas ng matinding hirap para maging tuwid sa bawat kilos at gawa?

Datapwat, kailangan ba kaming takutin, insultohin sa harap ng marami at tapakan ang katauhan sa isang pagkakamali lang? Bakit sa tuwing may isusulong na sistema, lagi nalang may butas at palpak? Sadya ba talagang likas ito sa tao, o likas ang tao sa pang-
aabuso? Pag-aanalisa ko sa bawat nangyari.

“Kung wala na, magkita-kita nalang ulit tayo mamayang gabi. Huwag kayo magpakabusog.” Nakangisi itong umalis sa harapan namin. Pinabuhat naman niya ang
capsule sa apat na armadong lalaki.

Saan nila daldalhin ang capsule? Tumutulo ang mapulang likido sa bandang likod ng capsule. Tama nga si Angelo, tagos sa likuran ang
espada, panigurado saksak sa tiyan ang lalaking nasa loob. Kailangan na itong mai-report.

May weird na matandang lalaki ang nagma-mop upang malinis ang mga dugo na pumapatak. Mukha yata isa ito sa mga maintenance. Nakangisi rin ito na parang may
tinatagong kung ano.

“Gerl, de bhey enseyd det shit, hi’s ehleyvvvv.” (Girl, the boy inside that shit, he is alive)

Pagsasalita nito habang may nakasalpak na sigarilyo sa kaniyang bibig.

Tinanggal niya ito upang ibuga ang usok at saka muling nagsalita. “Don’t trust whatever he ever said.” Tumawa ito ng nakaloloko.

“… Ey girl, do you trust me?” Jusko loko ‘tong matanda na ito a. Parang maniac. Nagpatuloy na ito sa ginagawa nito at naiwan naman kaming lahat sa loob pa rin ng Museum of Technology.

Pinuntahan ko ang mga bakas ng pulang likido na na-mop na ng matanda ngunit hindi ko na rin mapag-alaman kung dugo nga ito dahil sa tapang ng bleach na ginamit.

Sa iba ko tinuon ang paningin ko. Napakaraming advance at hindi advance na mga bagay ang nasa loob. Para kaming nasa loob ng isang malaking-malaking hall at puro salamin lang ang nakapalibot na ang bawat nasa likod nito ang mga nakagigilalas na mga instrumento.

Hindi lamang mga lumang mga bagay ang nandito kundi mga bagong inbensyon rin kaso mga prototype pa o mga bagay na unang labas at kailangan pa ng further studies.

Lahat ng prototype ay nasa dulo hindi pinagagana dahil lubos itong delikado. Sinunod-sunod ko ang mga ito sa dulong iyon na may mga pangalan at ilang detalye.

“Aegis” ang pangalan ayon sa isang banner. Tatlong bilang ang meron sa loob. Gamit ang device na ito, mapoprotektahan nito ang isa hanggang tatlong tao sa
magkakahiwalay na electromagnetic field na kayang i-repel ang lahat ng physical
disturbance na magiging harm sa gumagamit ng device. Inventor: Daryl Consublar and Chrisvine Fontanilia.

“Mimic” This device can imitate the physical characteristic of a single person in just 30 minutes. May specs ito sa loob na kung saan ini-scan ang physical body ng isang
tao. At kapag kinabit ito sa katawan ng sinong gagamit ay makokopya niya ang kahit na
sino. Inventor: Rachelle Marie Buenavista and Jenysis Ara Pamintuan.

ALPHAWhere stories live. Discover now